FIVE FOOT E.T.

Kachat ko lang sya kangina't hindi ko talaga maiwasang hindi ibahagi ito sa inyo. Maraming salamat "Toyang" at katulad mo'y "pain killer" sa aking naipit na ugat sa daliri.
Toyang: Ma'm ipriprisinta ko sana ang sarili kong maging COVER GIRL ng Pilya Blog Magazine, ang galing, haneeep!
Ako: Sige, pagkatapos ko, ikaw naman! 😏
Toyang: Wow, talaga Ma'm? Kailan ba kayo magiging COVER?
Ako: NUNCA. NEVERRRR! 👎
Toyang: Ganun ba, sayang naman ang chance...O sige Ma'm ipasok nyo na lang ako ng work kay Ano, wow, kilala nyo rin pala sya, ang galing din nya, astig!
Ako: May "degree" ka ba? 🙂
Toyang: huh? a...e...i...meron Ma'm... 🤔
Ako: Ano at Saan? 
Toyang: "3rd degree"...sa paa Ma'm, nagpeklat nga't natapunan kasi ako ng kumukulong tubig dati at masakit talaga, grabeee! 😩
Ako: NAGBIBIRO ka ba? 🙄 
Toyang: si Ma'm naman, idol kita e...MAGSELFIE ba ako? 🤗   
Oh, I'm quite small so I'll just give you me. Yeah, I'll just give you me

mayroon sana akong sasabihin sa iyo
bakit hindi ko ba masabi't nabubulol pa yata ako
kangina lamang ako'y nagprapraktis sa salamin at nahihiya din ako
baka ako'y iyong pagtawanan ngunit ito'y walang halong biro

nang una tayong magkita't marami talagang tao
nasisilaw ako sa liwanag kahit gabi't kumakaway ako
tinatawag ko ang iyong pangalan at ngumiti ka sa akin ng totoo
hindi man ako sa iyo makalapit ngunit sa panaginip ay magkatabi tayo

ang bawat linya't kataga na nanggagaling sa iyong isip at bibig
inuulit ko rin banggitin at nakakabisa't kung minsan ako'y kinikilig
ako'y humahanga sa iyong kakaibang suot at ginagaya ang iyong tindig 
nababahala rin ako kung ang mga mata mo'y malamlam ang titig

sinusubaybayan ko ang iyong mga kinikilos at nahihiwagaan din ako
dinuro ko ang aking daliri sa iyong mapula't kumikibot na puso't napa-aray ako
nakita ko kung minsan ay tigalgal ka sa kalagitnaan ng mga tao
pakiramdam mo'y hindi ka makahinga't sumikip bigla ang mundo

batid kong hindi ka balat-sibuyas at malakas ang karisma mo
hindi ka mahilig sa matamis at mapupulang prutas ang iyong paborito
ang mga pilya't pilyo ang iyong laging kasama't kayo'y masayang grupo
ako'y humahanga't habang sinusulat kita'y nakikilala kita ng husto


"Fun For Fan"
Maraming salamat sa inyong pagtangkilik ng Pilya Blog Magazine May/June 2017, the SEXY issue, "KULAMBO CURLS".  Pilya Blog Magazine, July/August 2017, the SUMMER issue, "FUN FOR FAN" is NOW AVAILABLE with lots of surprises. Please visit our Pilya Blog Magazine website soon. Ito'y inaalay namin sa lahat ng mga taong naging bahagi't nagbigay kontribusyon at suporta sa aming paglaganap. Maraming, maraming salamat po sa aming mga bagong kaibigan at mambabasa. Mabuhay kayong lahat. 

IF THE SHOE FITS. Thank you very much, Ms. Patizia Ziegler, COVER GIRL and Ms. EuroTrans 2017.


SIMONE. Thank you very much, Ms. Danica Mae Miranda. 

PENPEN AND GOLDEN. Thank you very much to all candidates of Mrs. Queen of Asia 2017 and Mrs. Golden Queen of Asia 2017.
QUICKSAND. Thank you Ms. Vicky Weisenberger for sharing your paintings with us. 

THE BEADS, SMILES AND LACES PART 2. Thank you very much to the Sagalas and guests of the Santacruzan in Eltmann. 


Thank you very much Ms. Lanie Abel of La Beauty Corner Medical Skin Care. More power to your business.


Thank you very much, Optimistic Chelle for plugging Pilya Blog Magazine in your blog. Kudos.


Thank you very much ladies for your selfies with Pilya Blog Magazine. Thank you for joining us in our Summer issue.

Thank you very much Thelma Alberts, Pilya Blogger and  Ms. Susan Fuchs of  Younique for the Gift Certificates. Many thanks to Ms. Nene Jcelyn for sponsoring my lipsticks and nail polishes. More power to your business.

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat