CHAMBOOTAN MOTION


Throwback Thursday. Late night thinking in Dubai.

kadalasan kung sino pa ang gatecrasher ay siya ang mismong nagpapapansin
katulad ba nitong si Roman sa "Fast and Furious 7" ay "feeling royal" din
nakijamming sa tipar ng prince sa Dubai at pilit nang-agaw ng eksena
"hindi ba't ngayon ay 18th birthday mo? O sige na't lahat tayo'y kumanta

napapalibutan ngang muli siya ng mga bisita't malakas ang halakhakan
binibisto niya kasi ang host ng party sa kanilang sexcapades dati sa Thailand
nangyari talaga ito't pagkadinig ng nobya'y nagalit at walang nangyaring kasalan
"so what?" tuloy pa rin ang kanilang bromance at si K.J. ay madali rin napalitan

ang alak ay pampalakas ng loob at pinaghalong cha cha mambo boogie at tango ang banat
si Mystica'y nalaos kay "Spaghetti'' at pagka tumbling nito'y krak! at Emergency ang katapat!
nang-agaw ng mikropono si "Day Lata" at kumanta ng "I Will Survive" at they walked out of the door
Booty Call at ang mga "cowboys" ay dumadagundong sa "Line Dance" at ya tigidig tigidig pa more!


Gotcha! ARE WE HAVING FUN YET? The  photos don't lie, they love to dance. Photos courtesy of  Pilya Blog Magazine. Pilya Blog Magazine July/August 2017, the SUMMER issue, "FUN FOR FAN" is coming soon! 

mayroon akong "sakit" at kapag tumugtog na ang "Billie Jean" O ako'y nahihipnotismo
kusa akong lumalapit mag-isa sa dancefloor at "diyan ka na sa ayaw o sa gusto mo"
sinabayan ko noon ang lalaking parang may bulati rin sa katawan at say yeah!let's go!
pagkatapos naming sumayaw ay nagpalakpakan but sori 'tol dehins tayo talo!

ang pagsasayaw ay hindi lamang mainam sa katawan at ito'y isang magandang ehersisyo
nababanat ang butu-buto't ang kasu-kasuan ay nabubulabog at ito'y isang pambihirang bisyo
nakakalimutan ang problema't iniisip ang susunod mong magic steps at bongga ka day sa disco
may partner ka man o wala't  sige lang at kumembot pa't bumabata ka sa paningin ko 

bakit nga madalas sabihin na "makisunod ka lang sa sayaw" kung ibig mong maging "in"
hindi man nagugustuhan ang totoong pangyayari ngunit ipagkikibit balikat na lang at "sori"
ang hamon sa buhay ay hindi lamang sa "bilis ng mga paa" at mag-iingat ka't nakakatapak ka
ang "body language" ay hindi lamang sayaw na parang sawa't may kamandag din kasama




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat