CAMOUFLAGE

                     
ika-18 ng Mayo. Maligayang Kaarawan, Cielito! Sana'y humaba pa ang aking mala-tula na buhay, lumawak pa ang aking panaginip, guni-guni't imahinasyon sa dilim man o liwanag, madagdagan pa ang mga ideya't labing inspirasyon sa aking paligid-ligid kahit nakatagilid at matupad paunti-unti ang aking mga pangarap bilang manunulat at Publisher ng Pilya Blog Magazine. Maraming salamat sa Itaas at sa inyong pagbati't sa aking mga pamilya, kaibigan at mambabasa, lab, lab, lab!     


huwag natin silang pag-ukulan ng ating dakilang pansin
ano kaya ang iyong hangarin at mayroon ka bang bigas na aanihin
ibig mo bang makipagkaibigan ngunit ako't kami'y naaasar din
gaya nyo'y pasaway na tigyawat at pabalik-balik at masarap tirisin

sa katunayan ay marami na rin ang sa akin ay nagkuwento
ang kanilang karanasan sa mga taong ilalarawan ko sa inyo
sila'y nag-aanyaya na makipagkaibigan ngunit ang dahilan pala'y ano?
sila'y mapagpanggap na tagahanga't mangingibig at in short ay manggagantso!

KUNG ANG KANYANG PROFILE PIC AY:

  • Bulaklak
ang karaniwan sa kanila'y nag-aanyong "sweet" at isang kumpol ng rosas
pulang-pula o pink na pink ngunit salamat na lamang "Mr. Jackass"
gayon din sa iyo err "Misis o Miss" at hindi ako mahilig sa "gulay"
ang anyo mo'y hindi kahali-halina't walang ganda't bango't saysay

  • Men in Uniform 
bakit daw weakness ng ibang babae G.I. Jane ay ang lalaking naka-uniporme
aber ang tinutukoy ko'y hindi naka-uniporme ng drayber o estudyante
bagkus sila'y nakasuot ng patsi-patsi't ang gupit ay undercut at nagpapa-importante
dradramahan ka ng todo't gusto na niyang sa iyo'y magpa-ampon at magpalibre

  • Lalaking May Kasamang Bata
nakupo! Dios mio! at maglalayo kayo sa mga musmos at inosenteng bata
halata naman na hindi mo sila kaanu-ano't hindi mo rin sila kamukha
nagpapanggap na siya'y balo o diborsyado't ngayo'y nagpapakilalang dakilang ama
ibig na siya'y iyong kaawaan at sa lalong madaling panahon sila'y iyong makakasama

  •  Magagandang Tanawin o Scenery
"hi dear" o "how are you dear"  at ang ibig niyang sabihin yata ay " female deer"
wala man lang kayong mutual friends at wala rin siyang ibang photos na clear
karamihan ng friends niya'y babae o iilan lang kayong pangarap niyang ma-stir
kwidaw at ang lalaking ito'y nagpapantasya't favorite hang out ay CR grrrr!

  •     Matandang Babae o Lalaki
tayo ng magjack en poy at kung saan niya nakuha ang litrato
todo ang ngiti ni "Tanda" at buong-buo ang kanyang pustiso
dinagdagan pa ang kulubot sa mukha't halatang peke't iskor niya'y negatibo
ang hula ko'y siya'y hanap-patay at ninakaw ito sa punerarya o sementeryo

  • Quote Unquote
"good girls go to heaven...haters go to hell!...ganyan ang kanyang post at banat
bigla akong natanong "alam mo bang si Michael Jackson ay kumakain ng bulaklak?"
ang sagot ko naman ay "duhh, alam mo bang kakampi ng santo si NiƱo Muhlach?"
"who's  that" mali yata't dapat ay "who's bad?" at etong piso't bumili ka ng kausap


Plus

Pilya Blog Magazine May-June 2017, the "SEXY" issue, "Kulambo Curls" is NOW AVAILABLE!  Don't miss this PILYAMAZING issue. Maraming, maraming salamat po. 


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat