EARTHLY WANDERER



I never opened myself this way
Life is ours, we live it our way
All these words I don't just say
Nothing else matters

pagbaba ko ng kotse'y nakabangga ako ng matanda
“sorry po!”nakakahiya man ngunit  ako'y tumakbo na
ngayon din nadidinig mo rin ba ang agos ng tubig
doon sa ilog sa banda roon halika't ikaw din ay tumitig

bakit kaya ang lagaslas ng tubig ay sadyang nakakakalma

ibang klase ang dating sa akin para akong may tama
ay! may isang bibeng pilit lumalangoy at tinangay ng alon
kakausyoso ko'y nabasa naman ang aking pantalon

naglakad-lakad pa nga ako't pahuni-huni ng Metallica

ang ganda talaga ng earth at ang paligid ay luntian talaga
akyat baba ang aking paningin at ako'y pasayaw-sayaw pa
ano itong dumi sa aking balikat O gawa ng isang Ibong Adarna

dinala ako ng aking mga paa sa lugar na may humahalimuyak
ang bango! iba’t-ibang klase ng naggagandahang bulaklak
anu-ano kaya ang kanilang pangalan at itanong ko kaya sa mga paru-paro
oo nga pala bawal dito ang pumitas at iyan ang sabi ng mga...bubuyog nakupo!

takot ako sa bubuyog at minsan na akong nakagat

eto't nag-iingay na sa tabi ko’t handa ng kumagat
mabuti pang makaalis na't kumaripas ng takbo
sayang at gusto ko pa sanang umupo sa bangko rito

teka may bumubisina't tumabi raw ako't may mga aleng nagbibisikleta

nakakaenggayo silang tingnan at isang magandang ehersisyo sa umaga
wala ba akong naiwan at ang mga bata'y maiingay at naglalaro ng bola
patalikod na ako nang biglang may sumigaw “catch!”at sa mukha ang tama

huwag kayong mag-alala't ako'y hindi naman masyadong nasaktan
tanong ng mga bata't alam ko namula ang aking mukha't may kadiinan
mabuti pang makaupo nga muna rito sa malambot na damuhan
aray!kunwari'y hindi masakit at ako lang sa paligid ay nagmamanman

hmmm amoy
b-b-q hayun may nag-iihaw sa hindi kalayuan

kitang-kita ang usok at naghahanda na sila ng pananghalian
panay paypay ng mama't mukhang ang buong mag-anak ay abala
biglang si totoy may ibinatong buto para sa isang asong gala

susmaryosep! ang aso naman sa akin ay tumatakbong papalapit

nasaan ba ang buto't wala naman dito sa aking sumapit
bahala na may bisikleta rito't siya ko nga munang magamit
padyak nga ako ng padyak at ang aso'y humahabol ng malupit  

biglang may pumito't ang sabi “hey,stop!”OMG! nahuli ba ako ng pulis

e mamang pulis basa ang aking pantalon at naiputan ako ng ibong matulis
hinabol ako ng masugid na bubuyog at aso't biktima lang ako ng ating kalikasan
masakit pa ang aking face at gusto ko sa park magsulat at ibabalik ko itong sasakyan

ibabalik lang pala ang naiwan kong iPad at sobra ang aking emote O Dios mio!

dito dito ako nababagay sa itaas ng bato't wala na siguro sa aking iistorbo
mananaginip akong amoy melon o amoy langka o amoy pinipig o amoy guyabano
pakiramdam ko’y dinuduyan ako sa gitna ng mga punong mangga't parang totoo



Never cared for what they do
Never cared for what they know
But I know

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat