FERRIS WHEEL

tandang-tanda ko pa nang pukpukin si Dr. Rey ng mikropono
si Divina V ay hindi naging mahinahon sa loob ng studio
naku! nataranta si Inday B sa kanyang live na talk show
ayaw magpa-awat ng dalawa't biglang nag "Saranghamnida Bo"

that was light at sumakit ang tiyan ko't komedya ang kanilang dating
showbiz! ngunit ang mga totoong karakter sa ating mundo'y dapat nating seryosohin
silang mga matatalino't bihasa sa pagpapadanak ng dugo't mga salarin
ito'y mas malala sa aking naranasang "FAIL" na hipnotismo't Dong huwag mong uulitin

"hindi sila state, sila'y mga mamamatay tao!" ang sabi ni "Hawaii Five-O"
"bomba ang nagpabagsak sa aking eroplano" at $50M ang patong ni Rasputin sa iyong ulo
"ngipin sa ngipin, mata sa mata, ito'y isang giyera" at ang galit na lang ni Ho...
"ito'y bahagi ng World War III" at dagdagan pa natin ang panalangin ang sabi ni Po..

sa ngayon ay hindi na makatotohanan ang mga eksena ni FPJ sa kaniyang pelikula
hindi talaga kayo "kumakain ng bigas at matiyaga kayong nagsasaing" at naghahanda
sa inyo na rin ang Tondo't Cavite't tumatawid kayo't nagpapanggap na mga miserable
sinasamantala ang giyera sa inyong bansa't ibig makarating sa Europa ng libre

"sophisticated" ang inyong style at karamihan sa kanila'y Audrey ay edukado
may kakaibang "brain chips"  at "E" ang naitanim yata sa inyong mga ulo
imbes na palawakin ang kapayapaan e kayo'y naging mga "suicidal" na palalo
kung kayo'y "ipis" sa kasalukuyang buhay sa susunod ay hindi rin kayo magiging "kuto"

wala na rin kayong oras para maghugas ng inyong mga mapagpaslang na kamay
sa mga dura't paglilimbak sa inyong kaluluwa'y kayo'y ilang beses ng pinatay
kung ito na nga ang impyerno wala rin "doon" at kapirasong butas sa mga katulad ninyo
hindi rin kayo dapat kaawaan kahit nagkalasug-lasog na ang inyong mga apdo

"inggit" nga ba ang dahilan sa pagpaslang sa mga malayang tao't walang malay
"poot" sa kanilang mga lider ng bansa't kayo'y hindi ma"contained" parang anay
hindi ba kayo nakaranas ng "pag-ibig" at sa murang edad ay maaga kayong sumuko
katulad ninyo'y "Pring-gols" once you pop you can't stop  at ito ba ang inyong motto

marami rin akong mga kakilala't kaibigan na nangingitim din ang kanilang noo
ito'y tanda ng kanilang pananampalataya ngunit sila'y magalang at maginoo
ang pagiging malaya't makatarungan ay hindi nangangahulugan ng pagkitil ng buhay
kailanman ay hindi makakatawid ang inyong "boses" kung pasasabugin ninyo ang tulay

Heaven can wait, I'm only watching the skies.

marahil nga ba'y ako'y isang Pinoy at sa mga bagay-bagay ay salat sa kaseryosohan
halimbawa'y ako'y turista't nagagawa pang magbiro "kung oras ko'y kahit saan ay aabutan"
ako'y nakangiti kahit sawi't sa mga personal kong suliranin at ikakain ko na lang
"moro-moro" ang tawag ko sa ating pulitika't matira ang matibay sa ating pamahalaan

marahil nga ba'y sa pag-ibig ako'y martir at nanganganib na si Rizal ay agawan ng puwesto
"sinuko ang Bataan" sa paspas na ligawan at sangkatutak na "petting" at hipuan ng anu-ano
hindi na nga masusundan si "The Fourth" at panahon ng mag family planning at totoo na ito
"collect and collect then select" at may pang Lunes o Martes o pang perya't pang porma sa disco

marahil nga ba'y isa akong mapamahiin na maybahay at hindi magwawalis sa gabi ng suwerte
napapaniwala sa chain at "icopy-paste" ng makailang beses at ipapangalap daw ang suwerte
sa alikabok at dumi'y nanggigigil at sa kasagsagan ng bagyo't trahedya'y ang dami kong reklamo 
ang aking libangan ay teleserye't humahanga sa mga sakang at kinikilig nang todo-todo

marahil nga ba'y mahilig ako sa libre't magkakainteres lamang kung ikaw ay kusang magbibigay
magbubuhat ng sariling bangko't hindi iisipin ang damdamin ng iba't kanilang palagay
paulit-ulit kong banggitin ang alan ng Diyos sa aking kabulaanan at gawaing walang kapararakan
sa ating alitan "papunta ka pa lamang ay pabalik na ako" at "talbog sa iyo" ang EMO't kadramahan


We never say never. 

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat