GOOD VIBES ONLY

 ALL GOOD THINGS ARE WILD AND FREE.  
"ROSE, pulang pula ka ngayon at ang bango bango mo talaga. Kwidaw, 'wag kang masyadong magsasama kay CACTUS at mas matinik iyon! O kayo dyan mga taga Pasig, ORCHIDS at DAHLIA, musta na kayo mga girlash? Aha, SAMPAGUITA at YLANG-YLANG, nagduduet na naman ba kayo't magkahilig na naman ang mga dahon nyo? Naku CELIA, panay pacharming mo kay FORTUNE, good luck!"

Pilya Blog Magazine invites you to AGA & PILYA Faschingsparty on 11,02,17. Join us and win 3 x 50 Euro Gutschein from MA Transworld GmbH Money Transfer. Please visit our page, Feb/Mar 2017 EVENTS CALENDAR for more details. Maraming, maraming salamat po. 



pssst! pansinin mo naman ako
teka't ako ba ang kinakausap mo
ano ka ba naman uy! syempre't oo
paikot-ikot lang naman tayo

pansin mo ba'ng mga buyakyak 
iwasan mo nga't dyahing pumalatak 
dahan-dahan din sa iyong pagpadyak 
madyinit at pawis ko'y tumatagaktak

bakit nga pala hindi tayo sabay 
mayroon ka bang hinihintay 
kung may natapakan ka'y aray! 
wag mong pansinin at siya'y okray

kung di kita katribo wag kang parang anino 
may ihahaba pa ba ang iyong matulis na nguso 
mataas daw ang lipad ng saranggola ni Popo 
may puti't dilaw at ang brown ay nagmumulto

padating na ang lalaking nakahubad at mahaba ang buhok na may tali sa ulo
habang siya'y naglalakad ay sumesenyas siya ng "Peace"at siya rin ay balbas sarado
pangisi-ngisi't siya'y "cool na cool" kahit  mukhang marumi't  dehins ligo
kung tawagin siya'y "Hipis Bato" at "strike anywhere!" yata ang kanyang motto

wow! may sumusunod sa kanyang Chick at naka tie dye shirt at amoy Nenuco
siya'y talagang "cool" kahit mukhang hindi nagsusuklay at isang guhit ang kilay nito
ang pantalon niya'y bellbottoms at sa sahig ay marahan niya itong nilalampaso
ano kaya ang nakita ni "Cool Chick" sa dude na mukhang walang "bread" Oh do you know?

obvious na obvious na sila'y high sa isa't-isa't magtanong kaya ako ng grass?
Man, mabuti pang maka split na't sa ibang gig naman kaya ako mag crash?
bad trip ako bigla't kay "Cool Chick" ay malabong ako'y makascore
"well, my baby, he's some kind of wonderful" I'm gone at babalik na lang ako sa pagiging hard core!



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat