THE HUMAN COMPOUNDS

TAKE A LOOK IN THE MIRROR AND WHAT DO YOU SEE?
"Your New Year's Resolution is good as mine. I don't make a list, I can't and I won't. You will never know it but I do believe. Nobody can fix it but Him."
HAPPY NEW YEAR TO ALL.

Paano nga ba ang magkunwari?
"ang mga mata'y malamlam at ang isip ay hindi mapakali
hindi kayang takpan kahit ang iyong huwad na ngiti
ito'y babalik sa iyo't kahit ibulong mo sa hangin
may kakaibang kaba't ang puso'y balisa't kahit balewalain"
R.I.P. George Michael 


psst! amoy tsiko't ampaw at boses ipis halika't tayong muli'y magbugtungan
isasahog natin ngayon ang iba't-ibang bahagi ng ating katawan
lawakan ang isip at ito'y bungang isip ko't sumali sa aking pahulaan
mga sawikain at naglalarawan sa ating tao't heto na't ating simulan

ano nga ba ang tawag sa madilim mong ulam sa pananghalian

kakambal ay kanin o putong puti't nananabik kang ito'y malasahan
kumukulo ang iyong dugo't kay haba ng pila't hindi ka agad nabigyan
malas mo lang at ang bangaw ay hinimatay sa mangkok ng kasarapan

mayroon akong bisyo na ayaw makita ng aking mahal na asawa
sa aking kape'y sinasawsaw ko ang tinapay na may mantikilya
sa palengke ng Pasig ay may nagtitinda ng masarap na ube't bibingka
may pusong mamon ako sa mga tindero't tindera na nahuli sa bangketa

hindi ka na bata't para suhulan ka ng kendi't grabe silang maglambing
sasabihin sa iyo lahat ng gusto mong madinig at diyan siya magaling
malambot ang ilong mo't nagpapatangay sa agos at sige ibigay ang hiling
bibigyan mo sila ng datung at iba pa't ikaw na nga'y nahuhumaling

lintik na bata ka't hindi ka mapakali't paikot-ikot sa iyong tabi
hindi siya makutento sa isang lugar at ang lahat ay kinakalantari
ang lahat ay hinahawakan at pinipiga't tinutusok o pinipindot ng matindi
gustong kutusan sa kakulitan at may uod sa katawan ngunit hindi po kadiri

oks lang kumain ng wantusawa't basta kumikilos at nagpapawis ng tama
nakakatamad lagi ang banat O hitsura lang nang may sakit at laging nakahiga
ayaw magbanat ng buto't hindi naman buto't balat gusto'y nakatunganga
mabigat ang katawan at balat kalabaw din para ka tuloy isang timawa

kung ikaw ay naniningalang-pugad at makakaranas ka ng todo-todo

papasukin ka man ay hahamunin ka ng tatay at susukatin ang pagkatao
O ano hindi mo mabilog ang kanilang ulo't binabasahan ka ng dyaryo
may daga sa dibdib at bumalik ka raw sa sinapupunan ng nanay mo

silang mga siga dati sa Tondo ang naglipana't nakatambay sa kanto

silang mga halang ang bituka't tinatakot ang bawat taong dumarayo
masuwete ka kung kikikilan ka lang ngunit ang iba'y ang hanap ay basag-ulo
ang iba'y magaan ang kamay kapag nagkamali ka ng sagot aruy! bilis takbo! 

paulit-ulit kang nagsasabi't siya'y nakatingin parang walang pakiramdam o hindi!

kailangan mo bang muling magpaliwanag at para kasing hindi ka iniintindi
humihingi ka ng pabor O mahirap bang gawin o siya'y nagtataingang-kawali
bawat sentimo'y binibilang o maputi ang tainga't ang pera'y tyinatyani

maigsi nga lang ang buhay ng tao't sa araw-araw ay pahalagahan ito ngunit paano?
hindi tayo manok at ginigilitan ng leeg nang basta-basta't ang ika-5 utos ay ano?
hahangarin nyo bang magpantay ang inyong paa't habang dinuduran kayo?
sa pangatlong tilaok ay itatatwa ka rin niya't tatandaang nagtago si Pedro't labas ang ulo!




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat