GREATER THAN HIGH FIVE


Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Inyong Lahat!



marahil ngayo'y alam mo na
hindi lamang malakas ang aking loob
kalog din ako O hindi ba?

sa bawat saglit at iyong titig
marahil ito'y walang dahilan
ang ngiti'y wala siyang batayan

ang pagpapakita ng giliw
ang paghaplos ng iyong kamay
nakikiayon ka lang ngunit wala kang malay

marahil nga ako sa iyo'y balewala
ang tunog ng aking halakhak sa iyo'y walang halaga
ako'y dumating at aalis din bukas kung baga

subalit ikaw ay laging nasa aking tabi
lumalapit kang kusa't kung bakit kasi
mahinahon kang kumilos at hindi ko kauri

sayang lamang at hindi ko talaga maalala
kung bakit nga ba mapula ang iyong mukha
tumalikod ka kasi agad at hindi nagpaalam

sa ilang segundo't ako'y nabalisa
siyang bukas ng pinto't hinabol talaga kita
ngunit kahit ang bakas mo'y nawalang parang bula

nanghihinayang nga ba ako sa mga lumipas na sandali
isa akong hangal duwag at mapagkunwari
labis tuloy akong nag-alala't sana'y magparamdam kang muli

hindi mo lang alam...
hindi ko rin alam...
ayoko talagang magpaalam...

sana'y dumating pa ang ganung pagkakataon at ako'y hindi na mag-aatubili
babaguhin ko ang aking maling kinilos at walang masasayang na sandali
hindi na ako magbubulag-bulagan at ilalantad ang aking sarili

gusto rin kita...
isa pa't pagbibigyan kita...
huwag mo ng itanong kung mamahalin kita....


My writing space. This is where I write my poems. I love to be surrounded by my plants, photos and souvenirs for inspirations. I also need music and the view from outside. I am an old school with my blackboard too. I write almost everything on it. I love my space, it's cool!  This is for you, "Olive Oil".  



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat