THE SISTERS

LET SMILES OVERSHADOW SADNESS. On November 13, 2016, my family and I visited the sisters of Grace Kroener in Augsburg. They are very nice ladies. Finally, we met and hugged them too. You will always be in our hearts, Grace. 

anu-ano nga ba ang pinagsasaluhan ng magkakapatid na babae?
kadalasan ay naghihiraman ng damit, sapatos, bag at mga kolorete
kung ang size mo'y "small" at siya'y "large" at sa kanyang balabal ika'y kasya
ang bunso'y pilya't ang panganay ay kadalasang nagbibigay at pasensyosa

sa bawat kumpas at kindatan kayo na'y nagkakaalamanan
ang mga bagay na maseselan ay ipinagkikibit balikat at pinagtatawanan
ang mga lalaking manliligaw ay kinukuyog at pinipintasan
malakas ang pang-amoy nyo sa isa't-isa't "your business is mine!" 

dumating nga ang pinakamabigat na problema't kayo'y nagulantang
bumaha ng luha't ang isang minamahal na kapatid ay pinaslang
ang pagdamay at pagmamahal sa kanya'y humantong hanggang sa Alemanya
ang tatlo'y dumating at naghangad ng katarungan at karapat-dapat na hustiya

AT NGAYON NGA'Y NAKAMIT NA NATIN ANG HUSTISYA!!!

The Guzmana Sisters.
Mary Ann, Mary Jane and Genevive.

 

Pilya Blog Magazine dedicated our Valentine's Day 2016, "THE LOVE ISSUE" to Grace Kroener.  She also graced the cover of  our magazine. Mrs. Punk Rock Cielito wrote a blog "Keep Smiling Grace!", Always in our Hearts, Forever in Our Memory.  

"Keep Smiling" ang parang sinasabi sa atin ni Grace.
Ang ibig sabihin ay alalahanin natin na siyaý nakangiti't maganda sa ating paningin at isipan.
Ang ibig sabihin ay humanda tayo't makakamit niya rin ang hustisya.
Ang ibig sabihin tayoý  buhay, manatili tayong buhay at ang lahat ng itoý makapagbigay aral."

With Mary Ann.

With Mary Jane.

With Genevive.

With my daughters, Aaliyah and Sylvia. 
Thank you, Mary Ann, Mary Jane and Genevive. It was a very short time but hopefully, we will see you again in the Philippines. Take care always and God bless you and your families. 




AUTOGRAPH. I love these girls. They really touched my heart.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat