BUSTED

"If you want to ride..."



"IMPERFECT WORLD"

ang climate change ay totoong kagagawan daw ng tao
sinong may sabi't nananawagan na rin si Papa kaya mismo
sinisisi ngayon ang polusyon at ang makabagong syensya
deadly ang init sa Karachi at 2 degrees na ang ating diprensya

tigilan na rin daw ang karumal-dumal na pagkatay ng mga aso
asong gala asong alaga't mataba lahat ng uri ni Bingo
aba'y ginagawa palang sopas ito sa Tsina't sa festival nila'y pamoso
ito raw ay masarap katulad ng ibang karne aw aw mangilabot nga kayo

skinny jeans ay seksi kung ito'y ilalakad mo't ika'y poporma
isang babae ang hindi nakalakad sa pagliligpit ay suot ito't namali ng porma
hindi nakadaloy nang husto ang mga dugo sa kanyang mga ugat at namaga na
aruy! huwag nating tularan at talagang masakit minsan ang maging maganda

nakakatuwa't kyut na kyut itong si Queen kahit medyo na-im
niregaluhan kasi ng painting ang kaso'y ang kabayo'y hindi maitim
malayo sa orihinal na litrato't hindi nakilala ang kanyang amang hari
"is it my father?" nakataas ang kilay at villeicht "nicht schön! Germany?"

ang pinakamasayang bansa sa mundo ay ang Switzerland
sinasabi ko na nga ba't Rito at habambuhay akong Swatch fan
pangatlo naman ang Austria sa pinakatahamik kaya naman Ligaya na-out ka! 
Schatz lagi na lang kitang aalalahanin habang may Redbull at vodka


"TETE A TETE"

itoý salitang French at maaaring casual but preferably private
intimate ang dating may lambing when you pronounce & dictate
itoý karaniwan pang dalawang tao use your wild imagination please
"head-to-head" e bakit apat ang letrang "T" at aber paki-explain nga Misis

ang halimbawaý tinawag ka ng iyong boss at closed door meeting ito'y "strictly confidential"
susuhulan kang itataas niya ang iyong suweldo kung ibababa mo raw ang suot mong Royal
o di kaya naman "you're fired!" at gusto lamang niyaý "smarter people" aber ang IQ niya'y 80
at ang huliý sapilitan akong idedestino sa Antartica't  I'm a threat to others sa style kong hippie

kayo'y face to face ni "BJ" at nagkabalikang muli after letrang "S" "thoSe Sweet momentS"
nang may mabasa ka sa kanyang love Sofa "I'll be thinking about you, it's me-Bed of Roses"
with a bottle of vodka... it's time now to update your fb status alias "French Kiss"
may kasama pa niyang litrato't caption" I want to lay you down where the Holy Ghost is."

it's Remixed! :D


"OUT OF THE BOX"

"kwarta o kahon" at nakakatuwa ang game show na ito
kilala mo ba si Pepe ang siyang nagpauso nito?
si Pepe Smith "BEEP BEEP" ba kamo?
tange!si Pepe iyong may peluka sa ulo!

sino ba naman ang tatanggi sa kwarta
nakakunot-noo si Osmena sa papel na singkwenta
pagkatapos siyang pakinabangan ay binitawan na parang walang kwenta
sila'y sakim at hindi makatao sa kanilang pagpapasya

kabilin-bilinan! huwag mapapalaman ng kuwarta sa sobre
sila'y may x-ray vision at kawawa naman tayong pobre
sa mainit na disyerto'y ikaw ang kumayod nagbayo't nagsaing
may nakaamoy parang aswang ang "Dab at Kolgeyt" ay gustong papakin!

everybody's wondering what's in a box? is it ramen o sushi?
ang ganda pa talaga ng pagkakabalot at kumpletong address pati
sampung packing tape at daan-daang dolyares ang nagastos Oh baby!
"fragile" o "this way up" at ipagmamalaki ng pamilya't "KATAS SAUDI"

kahit kailan hindi ako susunod sa anumang salitang "nakakahon"
hindi ako makikisimpatiya sa aking hindi paniniwala't disposisyon
hindi masusukat ng numero't statistics(kuno) ang totoong bilang at pangyayari
ang tunay na hamon ay nasa pakikipagkapwa't nang sila'y bumili't mawili 


Pilya Blog Magazine celebrates its 1st Year Anniversary with AGA Christmas Party on Nov. 26, 2016 in Bayern. Please visit our facebook page, Sama-Sama Tayo Sa Pasko Nina Aga at Pilya  for more details. Maraming, maraming salamat po!



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat