WHITE RABBIT

"I may never know, why I need you so, all I need to know is this feeling."
This is for you, "Terry". 


O kay ganda ng malamig na umaga ko't ikaw ang nabungaran ko
sa lakas ba naman ng tunog ng doorbell ay nagulantang yata ako
mabuti't nakapaglipstick na ako't ang tubig nga pala sa banyo'y tumutulo
"ano ang iyong pangalan?" sandali nga't sino ka nga ba mamang...Ano?

"ako ang pinadala ng aming kumpanya't nasaan na ang inyong banyo?"

nagmamabilis ka ba't teka lamang at sinusukat ko pa ang iyong...dito!
ang tangkad mo naman "Andi" at mabilis o magaling ka bang.....magtrabaho
hayan at kahapon bumigay ang tubo't ang tubig ay hindi na mapigil ang pagtulo

ngayon siya'y iyong natitigan at siya'y nakaluhod sa iyong harapan at abala

ang tangos ng kanyang ilong at ang haba ng kanyang daliri't.....pilik-mata
ang kanyang buhok ay medyo kulot at ang iyong kamay ay nakaamba
mabalahibo ang kanyang braso't may naamoy kang pamilyar na pabango sa kanya

bumaba nga siyang muli't napatingin sa iyong malawak ngunit makalat na opisina

tinanong niya kung ano ang iyong ginagawa't kung mag-isa ka lang ba
biglang pakiramdam mo'y sumisikip ang espasyo't umiinit ang hangin yata
napadikit ka sa iyong mesa't habang siya'y lumalapit at huwag.....ngunit sana 

"sandali lamang at kukunin ko ang aking ibang gamit sa aking sasakyan"

bigla siyang tumalikod at nabitawan niya ang kanyang plais na dala
bigla kang napapikit at nadidinig mo ang kanyang mabagal na paghinga
dahan-dahan niyang pinupulot ang plais at ikaw ay humiling ngayon din at sana

nagbalik tanaw ka sa iyong nakaraan at napunta ka sa malaking kuwarto

nakita mo doon ang iyong mga kamag-aral at sila'y kanya-kanyang grupo
ang gara ng kanilang kasuotan pati na rin ang iyong puti't rosas na baro
nagpaikot-ikot ka pa't ang lalaking iyong naka-fling dati'y iyong nakabunggo

siya'y ang dating basketbolistang si "Fred" at hindi ka man lang niya nakilala't binati

lumapit siya sa babaeng nakapula't nagbulungan sila't ang tunog ng kanilang halakhakan pati
iyan ba ang iyong napupusuan at kawangis niya'y kuting na bumababye sa Panciteria
may malaking laso pa sa ulo't parang de baterya't made in ROC sa bangketa

matatawag ka na rin bang eksperto sa larangan ng pag-ibig at napaupo ka sa isang sulok

sino nga ba ang straight at flirt, faithful at unfaithful, committed daw o style mo'y bulok?
niyaya ka niya sa gitna't hinawakan niya ang iyong kamay at nilapat niya sa kanyang....
sumayaw nga kayo ng dahan-dahan ngunit mahigpit ang kanyang hawak sa iyong mga....

nang idilat mo ang iyong mga mata'y ang kanyang maamong mukha'y napakalapit

siya'y nakahawak pa rin sa iyong baywang ngunit mayroon sa iyong masakit
"natumba ka kangina't nawalan ng malay tao't mabuti't nasalo kita ng aking braso"
hinawakan niya ang iyong noo't hinawi ang iyong buhok at kumirot ang iyong puso

pagkaraan ng dalawang araw ay bumalik siyang muli't ngunit hindi na siya nag-iisa

kasama niya ang kanyang bisor ngunit nag-uusap ang inyong mga mata
naiwan din pala niya ang kanyang jacket at nakapa mo ang isang bulsa
nakita mo ang iyong nilamukos na papel at tinapon mo na iyon sa basura

"akin na lang itong papel mo't ito'y lagi sa aking magpapaalala sa tuwina

ako'y ikakasal na pagkaraan ng ilang buwan O bakit ngayon lang tayo nagkita
huwag mo sana akong iiwasan kung magkita man tayo kahit saan at kailan
nandito lang ako't lalapit sa iyo't sa katayuan mo'y hindi kita maaaring husgahan"

siya nga si "Fantasy" at sa maraming pagkakataon at hindi sinasadya'y nagkikita kayo

siya'y lumalapit at bumabati't ikaw pa rin ay napapapikit at nagliliparan ang mga paru-paro
ang iyong tulang  "lust, live and hope" ay nasa kanya't kailanman ay walang makakasipat 
ikaw ay nagsusubi ng maputing kendi't matamis kung ang ulap ay dumidilim at bumibigat

Paunawa: Ang tulang ito'y isinalaysay sa may-akda. Kung mayroon man pagkakahawig sa inyong pangalan (patay man o buhay), pook o pangyayari, ito po'y nagkataon lamang at hindi ko po sinasadya. Maraming, maraming salamat po. 





Mrs. Punk Rock Cielito is one of the #PILYABLOGGERS with her Ukay-Ukay Curtains in Pilya Blog Magazine. Pilya Blog Magazine Nov/Dec 2017 "Women Be Ambitious" is coming soon! Don't miss it! 





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat