18 JUMPSUIT

Pilya Blog Magazine attended the 18th Birthday Party of Michelle on Sept. 17, 2016 in Ravensburg. It was Pilyamazing! Thank you very much to Nenita Grubert, Riza, Sonny & Merly. Maraming, maraming salamat po.

paano mo ipinagdiwang ang iyong debut?

"siyempre ako ang pinakamaganda at inimbitahan ko ang aking mga crushes at exes, ex-phone pal, ex-pen pal, wala pa kasi akong present pero marami akong pinagpipilian. Ang haba ng hairrrr ko, bakla!- Nogu Pit

"nagfeeling malaya't mayaman, nag-excursion kami, nilibre ko silang lahat, nalasing at umuwing luhaan, nawala ang aking kuwintas at singsing regalo ng aking tatay, hu!hu!hu! ang sakit-sakit!" - Anak ng Batang Saudi

"marami akong natanggap na regalo gaya ng tuta, kuting, parrot at iguana, bigay sila ng aking mga Ninong- Tito Luis "Hito", Tito Jacky "Ulupong" at Tito Bib "Buwaya". " - The Godchild

"sa may basketbol court lang, kasama ng aking mga utol at sangkaterbang gatecrashers at trobol...sa kalagitnaan may rambol at nagwala ang aking nalasing na pinsang bopol, o di ba, anporgetabol it ol!" - Cher Li Der

Happy, happy 18th Birthday Michelle! Happy, happy 50th Birthday, Günther! Vielen Dank für die Einladung. Thank you very much, Mercedes Wessienrieder and family.  


Michelle's 18th Birthday Party is going to be published with Pilya Blog Magazine in our Anniversary issue on October! This is a gift from us- Nenita Grubert, Rizalina & Julius Loeffel, Merly & Sonny Maranan, Rhea & Hans Köhn, Marialyn & George Wagner, Ninfa & Michael, Susana Österle and I. 


Awesome kids! 


Bongga kayo, Day!

The Guests




Thank you for your selfies. Maraming, maraming salamat po. 

ipinakikilala ang isang dalagang tumuntong sa hustong gulang na
may labing walong kalalakihang may tangan na rosas para sa kanya
siya'y isasayaw sa tugtuging waltz at ang panghuli'y ang kanyang ama
ang labing walong kandila'y tangan naman ng mga kababaihang malapit sa kanya

ang eksenang iyan sa aking simpleng debut ay hindi ko naranasan
sa aking ika-18 kaarawan ang kapiling ko'y mga pili't "rock" na kaibigan
ang buhok ko'y shaggy at New Wave Music ang umaalingawngaw
ang pinili kong isuot ay asul na jumpsuit gaya ng aking "DREAMS" balang araw

at ako nga'y nabilang sa "disi" kahit ang biro't pangalan ko'y hindi naman "Daisy"
sa kolehiyo'y humanga ako sa lahing Intsik dahil pogi na'y hanep ang utak pati
"bagay sa iyo ang iyong jumpsuit" at kami'y nagkukuwentuhan hanggang library
ang hilig nami'y magpahangin sa Harrison Plaza't kaming dalawa'y "Tom & Jerry"

ngunit mabuti pa ang siopao at siomai sa Chinatown at laging mabili
sa mga mata ng kaniyang mga magulang ako'y isang hamak na butsi
sumunod siya sa kanyang mga magulang at ang gusto nila'y si "Babalina baby"
"love yourself" iyan ang aking natatandaang huli Co yata sa kanyang sinabi
 

Remember me, "Cecille". 
I saw MY NAME on the table and I had a flashback. It was misspelled BUT NOW I KNOW the memories remain the same. YOU should know that too.

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat