WEISSWURST TRACHTEN UND BIER


"Gruß Gott" sa inyong lahat at ako po si Mrs. Punk Rock Cielito ang inyong abang lingkod
ang ibig sabihin ay "binabati rin po kayo ng Diyos" at ako'y handa sa inyong maglingkod
mayroon daw 700,000 Katoliko sa buong Bayern at dito'y nabibilang na ang mga Pilipino
kami'y naninirahan sa Coburg at Nürnberg Bamberg Bayreuth at Kulmbach Ansbach at Hof

ito'y nasusulat at sa Bayern ang may pinakamalaking populasyon ng Katoliko sa buong Alemanya
kami'y napapalibutan ng berde't magagandang tanawin kahit minsan ay mas maraming baka
mapapansin na sa bawat kanto ng daan o maging sa tapat ng kabukiran ay may krus na nakatayo
ito'y napapalamutian ng iba't-ibang halaman o bulaklak paiba-iba man ang panahon namin dito

ang mga nakatira raw sa Bayern ang siyang may pinakamagalang at palabati sa mga tao
siya nga naman at ito rin ang aking napansin sa aking paglalakbay doon at sa malalayo
ang Pilipino'y madaling makisalamuha sa ibang lahi't maihahantulad sa isang hunyango
kami'y mga Pilipina't maybahay ng mga Aleman at nakawilihan na namin ang pamumuhay dito

ang "weisswurst" at "pretzel" ang aming lokal na pagkain ngunit hindi maaaring walang kanin
hinahanap-hanap pa rin ang adobo't sinigang paminsan-minsan ay nagpriprito ng tuyo't daing
ang aming kasuotan ay "trachten" at kami'y dumadalo sa "Fasching" o "Oktoberfest" at maglalasing
kilala ang Bayern sa may pinakamasarap na inuming gumuguhit at kung tawagin siya'y "bier"

ako'y nagagalak at marami na akong nakikilalang mga Pilipino sa aming pook at rehiyon
bilang isang manunulat ang aming pagtitipon-tipon ay nagdudulot sa akin ng inspirasyon
sila'y umaawit sumasayaw at ako naman ay tumutula't ang bayanihan ay nasa bawat selebrasyon
ako'y humahanga sa mga grupong ito't marapat lamang na ipamalas ang ating kultura't tradisyon

isang malaking karangalan na makilala nyo po kami Cardinal Tagle kahit man lang sa litrato
sa aking maikling tula'y nakalakip po dito ang iba't-ibang grupo't samahan ng mga Pilipino
ipagpaumanhin nyo po ang hindi namin pagdalo't ngunit sa aming puso't diwa'y kapiling namin kayo
ibigay nyo po sa amin ang inyong basbas at ipagdasal na sana'y manatili kaming ligtas sa bansang ito

Maraming, maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
"Filipinos in Bayern"
sa pangunguna ni Ces Seidel a.k.a. Mrs. Punk Rock Cielito












Maraming, maraming salamat po. Vielen Dank.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat