69 KOALAS

I am wearing "Cheeky Cherry" (015) by ASTOR Soft Sensation Lipcolor Butter. Thank you Ms. Nene Jocelyn.  


"Mayroon akong naging kasintahan na sadyang hindi ko makalimutan. Siguro'y bukod sa mahaba-haba ang aming pinagsamahan at sa kanya'y may kakaiba akong naramdaman. Tuwing kami'y hindi sinasadyang magkita'y masyadong "mainit ngunit maikli ang gabi." Ngayon ay malayo na kami sa isa't-isa't maraming kumplikasyon sa aming relasyon ngunit inaasam kong sana'y magkita pa kaming muli. Hindi ko na alam kung saan at paano. Palabiro akong tao't matigas ang aking ulo ngunit sana'y hindi pa huli't hindi ko man lang nabanggit kasi...ngunit alam kong alam mo na...."Patawad at Mahal Kita, I...Isa." - Rico S.

Lunes at nakatanggap ka nga ng isang abiso
isang papel at lagot ka't ikaw ay nakakompromiso
nakupo! pupunta ka na naman sa lugar na matao
kailangan mong gawin kung hindi ikaw ay maloloko

lapit ka muna diyan sa reception "what? ano raw?"
nakatayo diyan si err Miss at siya'y nakasuot ng dilaw
hindi ka pinapansin e ikaw kaya'y humiyaw?
"ano ba!" ginigitgit ka ng katabi mong bangaw

sa wakas at ikaw ay natanong at sabihin mo na
bago ka palang kasi at bilis at dumarating ang iba
sabay bigay sa iyo ng isang papel at sulatan mo na
hoy! doon sa sulok at hindi dyan sa kanyang mesa

dalawang beses mo ng binasa't ikaw ay tapos na
napirmahan mo na rin ayos ba ang iyong pirma
parang kinahig ng manok? ah hindi naman pala
kailangang maliwanag ang detalye't walang bura

kumuha ka ng numero't ayun iyan ay pindutin mo
ikaw ay magbabayad at hindi magtatanong o hindi magrereklamo
huwag magkamali't ayos at lumabas din ang numero,
"nakupo!numero 99?" ay tange! baligtad ang hawak mo!

umupo ka na sa may waiting area at hintayin ang tawag
maupo ka diyan sa isang tabi't huwag kang papalag
hate mo man magselfie ngunit puwede't sila'y payag
tumitingin-tingin ka rin sa screen at baka ikaw ay natawag

"nakaka L" nakakaLokong maghintay at ang sili'y pampagana"
 aba! ayun doon may libreng dates at libreng tsaa rin pala"
 ang buto ng dates at tahong ay magkapatid alam mo ba?
"hehe! itanong mo Punk kay Berlusconi o Hefner o Estrada!"

patingin-tingin ka nga sa iyong pinagkakaingatang Rado
6 taon na ang nakaraan at ngayo'y bago lang ang baterya nito
nalubog na sa anidoro't hindi pa rin kupas at silver kasi ito
"bigay sa akin ito ni I..." at kiniskis mo pang muli ang "yoyo"

biglang may dumaan at kamukha ni I...Isa hindi nga kaya?
"bakit hindi niya ako nakilala't marahil ay dahil naka Ray-Ban siya
nagkakamali yata ako ngunit magkahawig silang maglakad at siya'y nakapula
naalala mo kasi ang paborito niyang kulay ay pula't piki ang dati mong nobya

bigla kang napatingin sa screen at bakit nagkaganun aba'y numero 68?
hindi maaari't ikaw ay "66" bakit nakalagpas at may manggagantso?
hindi ito ang oras ng biruan at sumugod ka agad sa babaeng "18"
mainit na ang iyong ulo't ngunit si I...ay hindi maalis sa isip mo

nakalagpas nga ang iyong numero't walang halong biro ay sus! ginoo
maghintay kang matapos si bangaw at "naku! amoy sibuyas ang loko"
dumaang muli si I...Isa??? ngumiti't kumindat pa ito sa iyo
ipinakita ang kanyang tattoo..."shet!" siya nga! "69"ang sikreto!"


Paunawa: Ang tulang ito'y sinulat ayon sa salaysay at tunay na karanasan ni Rico. Kung may pagkakahawig man sa inyong pangalan, lugar at karanasan o pangyayari, ito'y nagkataon lamang at hindi ko po sinasadya. Maraming, maraming salamat po.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat