THE SUMMER CINDERELLAS

Pilya Blog Magazine joined the little beauties of Miss Little Asia 2016 at the Filipino-German Summer Party 2016 in Osterburken  on July 16, 2016. Congratulations to the winners and to their proud parents. Congratulations to DJane Sweet V. Group. Special thanks to Charito Pantoja. This event is to be included at Pilya Blog Magazine's August 2016 issue. We are now accepting orders and reservations. Maraming, maraming salamat po. 

siya'y isang ulila na sa kanyang mga magulang at inapi ng kanyang matapobreng madrasta
mabuti't mayroon siyang cool na ninang at diwata't ang lahat ay posible sa kanyang mahika
ang mataba't tamad na pusang si Lucifer ay gustong kainin ang dagang si Gus haha! ito'y kwela
ang prinsipe'y totoong nabighani sa kanyang paa't kinamumuhian siya nina Drizzella at Anastasia

ang babaeng ito'y madalas managinip at naniniwalang ang kanyang panaginip ay magkakatotoo
siya'y nagsisilbing inspirasyon sa akin na gumising ng maaga't ngumiti ng buong tamis sa mundo
sa ating panaginip ay walang imposible't kahit ang palaka'y nagkakatawang tao't magiting na prinsipe
ang ating "long lost at newly found" pati na rin ang "exes" at "fantasies" ay lumilitaw din syempre

tatawagin ka nila sa pangalang ito't hindi ka maaaring magpagabi ng husto sa kalsada
magpapaalam ka na't malapit nang mag-alas-dose't "ganun?" at pagtatawanan ka ng barkada
"oo nga pala ang iyong magandang suot ay babalik muli sa dati't magmumukha kang basura"
hay naku! kung alam lang nila't pagsasarhan ka ng pinto't aakyat sa puno't papasok sa iyong bintana

alin ang babaeng pinulot sa kangkungan at putikan at ngayo'y akala mo na kung sino?
iyan ang tsisimisan ng iyong kapitbahay at hindi mo rin kasi pinapansin silang mga "loro"
"from rags to riches" ang iyong drama't nakabingwit ka ng matabang isda't siya'y isang Kano
huwag mo na lang silang pansinin at maliwanag pa sa sikat ng araw ang swerteng iyong natamo

umaasa ka pa rin balang araw (kailan kaya) ikaw ay kanilang mamahalin at tatanggapin
bagamat ikaw ay palakuskos ng sahig at hindi mo man lang matikman ang kanilang pagkain
ikaw ba'y "kulang sa pansin" o "martir" at gustong palitan si Rizal sa Luneta't magpabaril?
gumising ka! "TAN-G-A!" kailangan mo ng mauntog at tapusin na ang kanilang pang-aalipin

si Cinderella nga ang isa sa aking pinakapaboritong prinsesa't ibig kong maging katulad niya
bilang isang bata'y nagustuhan ko ang kanyang kuwento't mga awitin at ito'y hindi nakakasawa
may halong kilig at ako'y napanganga sa kanyang prinsipe't mukhang maginoo't nakasakay sa kabayo
sa loob ng sinehan ay napasigaw ang aming longkatu't siya'y may bigote't baril at kung tawagin siya'y  "Leon Guerrero"

The candidates of  Miss Little Asia 2016 danced with with DJane Sweet on their opening number. 

Congratulations to all!!!

Thank you for making us feel at home in Osterburken. Mabuhay kayong lahat!

Thank you for making us feel at home in Osterburken. Mabuhay kayong lahat!

Thank you for making us feel at home in Osterburken. Mabuhay kayong lahat!


Join us in our August Summer issue! Strike a pose for Pilya Blog Magazine's Summer fever. Contact us now!

Selfies are goodies. Here's your chance to be our next cover girl. Send us your selfies with Pilya Blog Magazine and win your luck to be our COVER GIRL for the month of December 2016. It's PILYAMAZING! Contact us now!  



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat