KIEL 'EM WITH KINDNESS

"maraming bagay sa mundo ngayon ang kinatatakutan
hindi lamang kahirapan bagkus ang patuloy na karahasan
lumilihis ng landas o nagtatago para ito'y maiwasan
ang takot ay nasa isip at dapat harapin para maibsan

laging sinasabi ang ating buhay ay iisa lamang
ang taong nabubuhay sa dahas ay isang timang
walang sinuman ang may karapatan pumaslang
manalig tayo sa Itaas at tayo'y Kanyang nilalang"

NOON...

maaaring hindi mo nakikita ang nakikita ko
hindi mo rin naririnig ang naririnig ko
nararamdaman mo lang ang tindig ng balahibo
ang nginig ng iyong katawan sa takot sa wari ko

silang mga ligaw at mga naglipana sa paligid

lumalakad lumilipad lumilitaw sa gilid-gilid
may magnetong dala ang mukha'y nakatagilid
ang madalas ay nakaputi't nakatayo sa iyong silid

kadalasan ang tao'y takot sa madilim

may hiwagang nagaganap at sa gabi ng lagim
may malaking aso't itim na pusa't may baboy sa ilalim
hindi makatingin ng diretso't mga mata'y nanlalalim

NGAYON...

sa kalagitnaan ng kasayahan at sa mataong parada'y sila'y sinagasaan
wala silang sinasanto't naghasik ng lagim sa istasyon ng tren o paliparan
ang pinupuntirya nila'y mga inosente't kabilang na ang mga kabataan
ito'y isang karahasan isang kabaliwan nasaan na ang hustiya't nasaan?

paano mo nga ba makukumbinsi ang isang taong paslangin ang kanyang kapwa?
ito'y isang malaking palaisipan sa akin at ito'y mabagsik at maitim na puwersa
diretso kaya siya sa impyerno pagkatapos niyang mamaril o magpasabog ng bomba
naibsan kaya ang kanyang "sakit" gayong "sunog na ang kanyang kaluluwa!"

ikaw ba'y "ngipin sa ngipin" o "kapag ang pinukol sa iyo'y bato'y batuhin mo ng tinapay"
makihalubilo't makipagtulungan imbes na maging negatibo't nagbibilang ng kaaway
ang ating pagkakamali sa landas na tinahak ay laging nasa huli't ang iba'y nakabaon na sa hukay
sadyang napakasarap mabuhay ng malaya't walang inaagrabyadong tao patay man o buhay

sa gabi ng aking paglalakbay patungong Hamburg ay bumuhos ang malakas na ulan
pagkatapos ng pamamamaril na naganap sa Munich at ang resulta'y aking inaabangan
nasunog pa sa oven ang aking baon na tinapay sayang at ang palaman pa naman ay ham
ako'y nakarating ng maayos kahit nabagot sa paghihintay at huli sa oras ang aking sasakyan

OMG! naisip ko rin na huwag ng tumuloy at para yatang tatakasan ako ng aking katinuan

"demoralized" na ako sa sitwasyong malakas ang ulan pagkabagot at pagod na aking naranasan
isa na lang "dagok" sa aking paghihintay at ako'y nagbalak umuwing pabalik sa aking pinagmulan
tinuloy ko pa rin ang hamon na kaya ko ito't sa Kiel ay sabik na makapiling ang aking mga kaibigan

Happy, happy Birthday Mae & Sven. Thank you too, Jocelyn (Sven's wife). Thank you for the invitation from Pilya Blog Magazine. I had a great time with all of you in Kiel. Until we meet again. Auf Wiedersehen.  Vielen dank. This event is going fto be included at Pilya Blog Magazine's August 2016 issue. Maraming, maraming salamat po. 

Photos courtesy of Mae. Vielen dank.

Photos courtesy of Cynthia and Mae. Vielen dank.


Special thanks to Volker, Cel, Cora, Rev. Edmund, Angie and group, Dianne, Danvee, Astrid North and friends. 


Special thanks to Kim, Thuy, Cynthia, Angie, Tiffany and friends.  


Selfies are goodies. Here's your chance to be the next COVER GIRL of Pilya Blog Magazine. Good luck! 

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat