PECK CHIRP AND CHATTER

ANO NGA BA ANG TINATAWAG NA "KALAYAAN" PARA SA IYO?
basahin po ang kuru-kuro ng aking mga "inakay"

"space, I need some space" at lagi siyang nag-uusisa't nagtatanong
space din sana sa aparador, space sa banyo basta wala sana siya doon!
- Gud Rid Dans

"kalayaang makapamamili! makapamili ng makakasama sa aking trabaho
basta walang balbas o bigote at masangsang ang pabango o dehins ligo!" 
- B.J. Hits 

"iyon bang libre akong mag-isip ng pupuntahan o kakainin at iinumin
halimbawa; mahal, libre mo naman ako diyan! ano ba Singh wag mo na akong singilin!" 
- Shameless 2

"sayang at di ka na malaya't ngayon ko lang sasabihin na matagal na akong humahanga sa iyo
magmula nang mabasa kita't lagi kong napapaginipan ang iyong mga tattoo ho!ho!ho!"
- Free Dom Son

"kalayaang iexpress ang aking nasa inside at kailangan ay total expressions
expressive din kasi ang aking eyes at dapat talagang i-express ang invitations!" 
- Mad Dona
Pilya Blog Magazine in cooperation with LBC Express Inc., celebrated the 118th Philippine Independence Day in Hamburg on June 11, 2016. Thank you very much, Hamburg! Thank you for making us feel like one of the family. This event is to be included at Pilya Blog Magazine's August 2016 issue.  Special thanks to Tita Nemia Dernbach, chairman of Philippine Centennial Organization Hamburg E.V.,  Tita Mila Antony of MA Transworld, the major Sponsor of Pilya Blog Magazine and to our Consul General Ms. Donna Rodriguez. Maraming, maraming salamat po.

Thank you very much Ms. Josefina Ocampo. Rosielyn David sang her heart out with her rendition of the song, "Bituing Walang Ningning".

tandang-tanda ko pa nang umakyat siya sa entablado
nakasuot siya ng 80's at hawak niya ang mikropono
bakit nga ba nakakapagtaka? at siya'y nagpapaalam na yata
siya'y malayang pumili't ang lalaking mahal niya kaysa sa pagkanta

ooops teka't sa sandaling iyon hindi naman siya si Shawie 
kung hindi ang umaawit ay si Rosielyn at ako'y wiling-wili
si Cynthia alyas Cherie Gil ang aking kasama't isang magandang gabi
"you're nothing but second grade..." walang remake kahit tubig ang aking katabi

Thank you very much to Cynthia Steinke and Fr. Simon Boiser. Thank you very much, Butz Alcantara of Mr. & Ms. Philippines-Europe Goodwill Ambassador 2016 and Roni del Barrio of Lahing Kayumanggi Company (London) and friends.

gusto ko iyong sinabi ni Roni del Barrio ang direktor ng LK tungkol sa kanilang grupo
oo nga naman kung titingnan mo sila'y ang kanilang mga edad ay hindi pare-pareho
ngunit ang pinakaimportante'y ang turingan nila sa isa't-isa'y magkapamilyang totoo
kaya naman ang kanilang sayaw ay nagkakaisa't sabay-sabay at may damdaming Pilipino

"mga bituin aking narating" aming ipinagdiwang ang ika-118 taon ng ating kalayaan
sa Hamburg ang tipanan at nagkasama-sama ang mga malayang mamamayan
aming ipinamalas ang kalayaan sa pagtitipon pagsasalita't pag-awit at pagsayaw
para nga ba kaming mga ibong nakakawala sa hawla't sa dance floor ay humataw!


Thank you very much Magda, Mae Torres, Max Florian Hoppe and company.

Pilya Blog Magazine in cooperation with LBC Express Inc., would like to thank everyone for treating us like one of the family. Mabuhay kayong lahat!


Thank you very much once again Mr. & Mrs. Dernbach, Rosielyn David, Evelyn Mücke, Rev. Edmund Ibanez and friends.

Thank you for sharing THAT FIESTA FEELING too.

namulat ako sa KBL loyalista ni Macoy hanggang namatay si Ninoy isang asasinasyon
pagkatapos noon everybody's shouting for freedom hoping for a new great nation
naluklok si Cory Fidel Erap Gloria si Noynoy nagbago ba ang ating sibilisasyon
ang sabi ni Kaka "pahirap na ang buhay ang libre lang ay reklamo't kunsumisyon"

aaagggh pulitika! ang kalayaan para sa akin ay papel at tinta
ang Pinoy ay kulang pa rin sa pagkaka-isa ngunit laging may pag-asa
pagtuunan muna natin ng higit na pansin ang ating mga pamilya
isagawa ang kabayanihan kababaan ng loob at ang kalayaan ay atin na 

BIRD STORIES (GETÖNT)

"tuka ng tuka" at hindi talaga ako magsasawa
sa anumang grasya't nakahain kahit pa nakalatag sa ibaba
sa pamamagitan ng aking pakpak ako'y paitaas
yumuyuko rin ang aking ulo't kailangan din ng basbas

hinihimas-himas ko rin ang aking balahibo
pinag-aaralan ko rin ang ilan at ang kanilang motibo
matalas ang aking mata't "nakakaamoy" din ako
kadalasan ay "360" rin ang ikot ng aking ulo

hindi totoong hindi ako nakukuryente't ako'y nanginginig
sa ginaw sa galit o takot paminsan-minsan din ay kinikilig
hindi na ako maghahamon ng paramihan ng balahibo
ako'y nalalagasan din at pupusyaw din ang kulay nito

sa bawat lipad ay may patutunguhan
sa bawat "twit" ay may pagsasabihan
ang likot ng aking ulo'y may pinag-iisipan
ang pagsusulat ay isang hamon at kalayaan

"sa buhay nating ito, ano'ng mayroon kang wala ako?
o anong mayroon ako na gustung-gusto mo?
ganun nga siguro ang buhay mayroon kang titingalain
mayroon ka dapat yuyukuan at mga bagay na lilingunin."
-Mrs. Punk Rock Cielito

Pilya Blog Magazine's June-Family issue is available on June 16, 2016.
We are now accepting orders and reservations. Maraming, maraming salamat po.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat