HALO AND FEATHERS



ang Santacruzan ay isang uri ng piyesta
ito'y ating relihiyon tradisyon at kultura
itoý karaniwang nagaganap tuwing Mayo't nakaugalian na
tayo'y sumasamba't pumupuri sa ating Mahal na Birheng Maria

ang tawag din dito'y "Flores de Mayo" sa salitang Kastila
palibhasa'y tuwing buwan ng Mayo'y ang mga bulaklak ay mas mura
iba't-ibang uri ngunit ang pinakapamoso'y rosas at sampaguita
ang mga sagala'y makinang sa gabi't nakakasilaw kung may araw pa

nakinig ako sa misa't sermon ni Fr. Simon nang araw din iyon
tama siya ang mga tao'y nagkakabuklod-buklod tuwing may piyesta
ito'y talagang pinaghahandaan lalung-lalo na sa mga probinsya
ang iba'y nagungutang pa't basta may maihanda lamang sa mesa

hindi nga ba't karaniwan ang pagkain sa piyesta'y sobra-sobra
ito'y alay para sa ating patron at handa para sa ating mga bisita
ang paniniwala natin ang pagkain ay grasya't pagsaluhan natin
hindi dapat ipagdamot kahit mamaya'y may magbabalot pa uy! aminin

sa Pampanga'y nakasama ko ang aking tiyahin at kami'y nakadalo sa isang piyestahan
naghanap ako ng kanin iyon naman pala'y nakabalot ng dahon at mukhang suman
batya-batya ang mga ulam at putahe't imbitado yata nila ang buong sambayanan
naghanap ako ng minatamis doon daw sa isang kuwarto't naku! puno ng ube't leche flan

dati rati'y "umuulan" ng balot sa aming bayan at iilag ka sa maaaring bukol kung tatamaan
doon naman sa Taguig tuwing pista ng ilog kami'y nag-aabang ng "pukol" sa aming magpipinsan
ang lahat ay masaya't sa walang patid na kainan at sa magdamag na inuman at kantahan
magpasalamat tayo sa lahat ng grasyang ito't huwag makalimot at ang lahat ay mabiyayaan

THE SAGALAS 
THE SAGALAS
THE SAGALAS
THE PERFORMERS
pagkalipas ng maraming taon akoÿ nakasaksing muli ng Santacruzan at laging nakatingin
nandun si Methusaleh at parang gustong ipaalala sa akin na ang aking relo'y magiging alikabok din
si Reyna Abogada'y tagapagtanggol ng naaapi't si Rosa Mystica'y tangan ay pumpon ng rosas
si Samaritana'y alam kung nasaan ang balon at si Reyna Sheba'y hindi naman takot sa ahas

pagkatapos ng misa'y ang sumunod ay parada ng mga sagala't ang ulan ay tumila na
naganap ang salu-salo't sa wakas ang litson ay inihain hay salamat ang nguso ko'y nagmantika
mayroon din kantahan sayawan at nagpahagis ng mga kendi't ang mga kamay ko'y butas yata
marami pong salamat at binabati ko kayong lahat at "Moin" sa kakaibang sigla't bagong pag-asa

ang AVE MARIA ay kinatawan ng walong batang babae't mga nakasuot ng puting damit at mahaba
ang bawat isa'y may dalang malalaking letra't nang makita ko sila'y pinikit ko ang aking mga mata
siya'y may dalang bulaklak at nakasuot din ng puti't mistulang anghel ang kanyang hitsura
siya'y masigla't nagtatatakbo't ako'y napangiti kahit nabasa ng luha ang aking mga mata

Paalam sa iyo,  Julie Ann,  aming mahal! 

"JULIE"
every child is an angel
every child is our hope
every child is our strength
every child is wealth.

all daughters are beautiful
all daughters are joyful
all daughters are playful
all daughters make us proud

to love a child is the greatest
to care for a daughter brings challenges
she sees she hears she smiles she is proud
to hope for the best is always

God gives us this beautiful child
God is still with us we care for this child
God gives us strength she is our daughter
She flies now to Heaven, Oh dear God, we love her! ❤️


Julie Ann Gates (20.11.2000-27.05.2016)
#welovejulie


Thank you, Hamburg for sharing THAT FIESTA FEELING with Pilya Blog Magazine and LBC Express Inc.  This event is going to be published at Pilya Blog Magazine's June 2016 FAMILY issue. We are now accepting orders and reservations or you can buy a copy on June 11, 2016 at the Philippine Independence Day Celebration in Hamburg. Vielen Dank. Thank you very much. Maraming, maraming salamat po.  


Thank you very much to Pilya Blog Magazine's new friend and sponsor, We care for Home. Think of the ways how can you send LOVE to your family and loved ones in the Philippines. Please visit their website for more details. Maraming salamat po.


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat