THE MARIA CLARAS IN LÖHNE

Happy 25th Year Anniversary to Liberato Family Foundation (LFF). Congratulations to Mr. & Mrs. Tony Liberato & Family. Congratulations on a successful event!
Spenden Gala Night 2016 and Search for Mrs. Philippines Pride, May 14, 2016 in Löhne.

Twenty five years ago, Mr. Antonio Liberato and Mrs. France Liberato founded the Liberato Family Foundation (LFF) in Löhne, Germany. Their mission is to provide aids to our Kababayans in various provinces in the Philippines. LFF provides emergency aids in times of disaster like typhoons to save lives and helps rebuild livelihoods and housing after a disaster.  LFF also provides medicines and equipment that can improve health and standard of living. On May 14, 2016, Pilya Blog Magazine celebrated with the Liberato Family Foundation on its 25 years of charitable mission and contributions in the Philippines. Mabuhay ang LFF!

Pilya Blog Magazine in cooperation with LBC Express Germany  are Sponsors of this event. Maraming, maraming salamat po sa inyong pagtangkilik at suporta. 

Dan Albert Daarol, LBC Express Germany and Ros Sazon, Brand Head for Europe LBC Express Ltd. awarded LBC Balikbayan Boxes to the lucky Tombola winners. 

The Bürgermesiter, Heinz-Dieter Held welcome Mr. Tony Liberato and the candidates of Mrs. Philippines Pride 2016 at the Rathaus in Löhne. 

para sa akin at talagang wala ng hihigit pa't katulad nila'y "Bulkan ng Mayon"
kawangis nila'y magagandang tanawin sa Pilipinas at lahat sila'y magayon
sila'y kaaya-ayang tingnan sa suot nilang baro't saya at sila'y mga "Maria Clara"
nagkaisa ang mga "probinsyana" sa puso't diwa'y bumandera sa dayuhang lupa

ang tunay na Pilipina'y naniniwala sa "bayanihan" at sa pagkakawanggawa
kumikilos ng wasto't hindi nagdadalawang isip na tumulong sa kanyang kapwa
ang "halimuyak ng isang bulaklak" ay mas kapansin-pansin hindi lamang sa panlabas
bagkus siya'y mas kaakit-akit kung ang kanyang puso rin ay dalisay at may pagsintang wagas

ang mga "Maria Clara" sa Alemanya ay isa rin mga ginang at ina ng kanilang tahanan
ang kanilang mga dayuhang kabiyak ay kanilang kapiling at laging nagbibigay ng daan
hindi ba't silang mga ginoong Aleman ay dapat din silang purihin at ating pasalamatan
kakaiba ang kanilang aura't silang lahat ay inspiradong ipamalas ang kanilang kakayahan

kung minsan talaga ang ilaw at ang hiyawan o palakpakan ng mga tao'y nagiging kalabisan
naranasan kong maging kandidata sa kolehiyo't ako'y nagpawis ng husto't sumama ang pakiramdam
nang ako'y nasa gitna ng entablado'y naisip ko bigla sana'y ang lahat ay panaginip at hindi totoo
nakalimot ako sa aking susunod na hakbang at sa pagsasayaw ay nawala ako sa tiyempo

kinabukasan ay pumasok pa rin ako't handang harapin sana ang kanilang pangungutya
ngunit naisip ko rin ang lahat ng iyon ay aking kagustuhan kaya bakit naman ako mahihiya
hindi naman bahag ang aking buntot ngunit ako'y nagkadaga sa aking dibdib iyon ang tama
ngunit silang lahat ay ngumiti't tinapik ang aking balikat at may nagsabi pang "ayos ka kosa!"

sa ganitong uri ng pagtutunggali'y sadyang mapapalad ang mga nagwawagi
"bakit ba ganyan kung minsan ay nauutal sa kaba" at parang hindi sila makangiti
ang pagkakataon na makibahagi'y minsan lamang kahit "ang damdamin ay hindi maintindihan"
"lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa" sapagkat may bagong karanasan at mga kaibigan


The amazing child singer, Angelo serenading the candidates.


DK Valdez serenading the candidates of Mrs. Philippines Pride 2016.

Congratulations to all candidates and winners. The winner of Mrs. Liberato Foundation is Pilya Blog Magazine's COVER GIRL for the month of August 2016. This event is going to be published with Pilya Blog Magazine in June 2016. To all candidates, please send us message in facebook if you wish to contribute a photo of your choice from the event. Please send us message too in facebook for your orders and reservations. Maraming salamat po.






Thank you very much for sharing THAT FIESTA FEELING with Pilya Blog Magazine. YOU have the chance to be our COVER GIRL for the month of December 2016. Please read the mechanics.
Watch out for our "FAMILY ISSUE" coming this June! Vielen Dank! 

Congratulations to Pilya Blog Magazine's April Cover Girl, Connie Rave from Hamburg and representing the province of Pampanga on being the second runner-up for Mrs. Philippines Pride 2016. Mabuhay! 


For the first time, my daughter Aaliyah (14) partied with Mama. Now, she knows how I "work". She loves every minute of it.

dati-rati sa Dubai nagtanong minsan sa aking anak ang kanyang guro sa paaralan
"ano nga ba ang hanapbuhay ng iyong mga magulang" ito ang aking natatandaan
nang malaman-laman ko'y ang sagot niya'y "ang aking ina sa telepono'y palasigaw"
"tuwing umaga'y sila'y pumapasok may-ari yata sila ng kumpanya't hindi ko talaga alam"

sumisilip lamang siya sa aking ginagawa't "OK" lamang ang laging sinasabi
nang matuto akong magsulat "that's cool!" at panay lamang ang kanyang ngiti
bagamat nakakaintindi pa rin ng Tagalog ay hindi naman makapagsalita ng marami
sa aming tahanan ay kinakausap ko pa rin siya't madalas kung may "sikreto" pa kami

siya nga'y dalaginding na't "katorse" gaya ng pelikula dati ni Dina Bonnevie
inalok ko siyang sumama sa akin at nang makisalamuha siya sa mga Pinoy pati
sa unang pagkakataon kasama ko ang aking "ANAK" at nang malaman niya rin kasi
ang kahalagahan sa akin ng pagsusulat at mithiin na ang aming mambabasa'y dumami

Thank you very much to Liberato Family Foundation (LFF) for this recognition to Pilya Blog Magazine as a Sponsor. More power, LFF! I am sharing THAT FIESTA FEELING to my  Pilya Bloggers - Thelma Alberts, Leah Catherine, Bonet Smile, Shane Ilagan and Ana Salano. Maraming, maraming salamat po.

HAPPY BIRTHDAY, PUNK!
Maraming, maraming salamat po sa inyong mga pagbati. 

PAUNAWA SA LAHAT:
Ang nilalaman ng aking blog ay hango sa aking mga tunay na karanasan at ang mga litrato'y aking pag-aari.
Ang mailalathala sa Pilya Blog Magazine ngayong darating na Hunyo ay nakasento sa Liberato Family Foundation (LFF) at sa kanilang palatuntunan sa wikang Ingles.
Kung ibig ninyong magbigay ng kontribusyon gaya ng mga litrato, maaari lamang na magbigay kayo ng mensahe sa aking facebook.
Maraming salamat po.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat