TABING ILOG SA IBIND


ang tatay niya'y kamukha ni Sylvester Stallone at dating stuntman
ang nanay niya naman ay groovy at dating police woman
siya'y napakasarap magluto't ang alan niya'y Mhar at isang maligayang kaarawan
tayo na sa tabing ilog ng Ibind at nung gabing din iyon ay kabilugan ng buwan

ang aming biruan siya'y mag-iibang anyo't mahahati ang katawan
lalabas na ang kanyang pangil at ang mga balahibo't lilipad sa kawayanan
umaalulon ang mga aso't mananakot sana ako ngunit hindi sila tablan
naniniwala ka ba sa aswang "oo naman at lumaki ang kanyang tiyan at "na-aswang"

nagbalik-tanaw kami sa nakaraan at sa mga artista't napag-usapan ang ating kultura
wala ng hihigit pa sa lalim ng karakter ng bida't kontrabida't Pinoy ang mga linya't drama
walang kapantay si Pidol at ang kanyang komedya't "Hudas Barabas at Hestas, Magsumikap ka!"
sino nga ba ang tunay na macho't sina Papa Pi o Sam pati na rin si PiNoy ay hindi nakapasa

o kay sarap ng init na nagbubuhat sa bonfire nakakarelax ng isip at damdamin
pinagmamasdan ko ang nagliliyab na mga kahoy at "3rd degree" ang maaari kong abutin
"walang naglalaro ng apoy ang hindi napapaso" gaano kadalas ang minsan at siya raw ay bitin
katulad ng eskandalo nina Belo-Kat-Kho at sa krimen ni Marsha'y sino raw ba ang tunay na salarin  

nakakatuwa talaga itong nanay ni Mhar kung tawagin siya ng lahat ay "Mommy"
mahilig pala siya sa artista't nasubaybayan niya ang ilang buhay at love story
napanood daw niya ang kanilang sex tape at halata raw naretoke na ang kanyang "popo"
naikuwento niya rin ang kanyang escapades at ang lahat ng kanyang "ex" ay guwapo

isang magandang umaga't sumikat ang araw ngunit "bumaho" ang kapaligiran
ang aming almusal ay sinangag at daing habang sina "Martin Gary at Ogie" ay nagkakantahan
kami'y kumain nang nakakamay bagamat mainit ay hindi kami gumamit ng kutsara
maganang kumain at ang sawsawan ay kamatis at suka at ang tabing ilog ay nag-aanyaya


Pilya Blog Magazine joins the Santacruzan in Hamburg on May 29, 2016.
This event is going to be published with Pilya Blog Magazine in June 2016.
Our June "family issue" is on the way. We accept now orders and reservations.
Maraming, maraming salamat po.


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat