36-24-36

Pilya Blog Magazine in cooperation with LBC-Express Germany celebrated Mother's Day with Sexy Mama 2016 in Buchen.
Congratulations to the winners and candidates. This event is going to be published at Pilya Blog Magazine's June 2016 issue. The photos are courtesy of Elizabeth "Sweet".  Additional photos from the event and interviews are to be included in the magazine. Don't miss it! We are now accepting orders and reservations.  
Maraming, maraming salamat po.
kung tawagin siya'y "seksi" at "36-24-36" ang sukat ng kanyang wankata
grabe ang kanyang alindog at ang hubog niya'y parang bote ng Coke san ka pa?
litaw ang kanyang mayaman na dibdib at matambok ang kanyang puwit kakasa ka ba?
siya naman ay may "hot legs" at malakas ang "sex appeal" makatindig balahibo pa

habang naglalakad siya'y aalun-alon ang buhok at siya'y laging napupuna
kung maglakad siya'y parang "model" ng "V" at ang nguso'y hugis puso't pulang-pula
hindi maaaring hindi siya pipituhan ng mga kalalakihang tambay sa eskinita
humahalimuyak din ang kanyang pabango't magkahalong ilang-ilang at niyog yata

"para!" iyon ang sabi niya habang winawagaygay niya ang kanyang panyolitong puti
may lalaking biglang lumapit at binigay ang kanyang kamay para alalayan siya sa pagsakay pati
si binibini'y ngumiti't hulaan mo kung bibitawan niya ang kanyang panyolitong puti
binitawan nga ang kanyang panyolito't ngunit ang lalaki'y umalis na't nanalo na sa pustahan kasi

SINO ANG "SEKSI" para sa iyo?
nakapagtanong-tanong po ang inyong lingkod sa aking mga mambabasa at ito po ang sabi nila

"iyong mabilog, basta may mabibilog sa kanya at kahit bilug-bilog" - Fred Jolens
"gusto ko iyong maskulada, kaya akong buhatin at may pahagis-hagis pa!" - Hard Copi
" ang seksing babae'y umiinom ng gin o beer at hindi cocktail drinks, wala kasi akong pera!"- Colt
"may maiksing buhok makata't may mga tattoo gaya ng paborito kong writer, haha!" - Kulet Ko
"marunong magdala ng damit kahit panlalaki man o pambabae, unisex ang style!" - Jack No Jill
"basta huwag masyadong madaldal at kaunting pino lang plis." - Kapitan Ba
"iyong babaeng umiiyak ng tahimik na parang kuting, meow!" - Dedo Pido
" alin ang babaeng naka 6 inches tapos puro paltos? No way! mas seksi sa akin ang naka bakya lamang." - Juanito del Baryo
" iyong walang masyadong kolerete at magandang magdala ng muta, hehe!" - Chinito Tan
"turn-on ako sa babaeng magaling magsalita't hindi halatang bolera, may kakilala ka ba?" Rowel S.


noong nakaraang ika-14 ng Mayo 2016 ang mga "Misis" dito sa amin ay nagkaroon ng paligsahan
hindi ito paramihan ng anak o pasarapan ng luto't ito'y pagalingan sa iba't-ibang larangan
sila'y mga tanging ina't "Mrs. Photogenic, Best in Fashion, Best in Catwalk at Best Mama"
ang nagwagi bilang "Sexy Mama Queen 2016" ang "pinaka" sa lahat at siya'y kinoronahan bilang reyna
Mabuhay ka!

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat