THE NUMBER 5

"The number 5 symbolizes fire, attractive, independent,  free thinking,  fast moving and potentially footloose." 
"My friends are my wealth." - Ate Virgie


FIRE
ang kanyang napiling lugar para magdiwang ay ang Mongolian Restaurant sa Kitzingen
paghahalu-haluin ang pusit hipon karne gulay at noodles at  ito'y sa apoy ay gigisain
palibhasa tayo'y Pinoy at talaga naman mahilig sa mainit at "Intsik" na pagkain
"ligaw-Intsik" ang ating kasabihan kung tanghaling tapat sa bahay ikaw ay aakyatin

naranasan mo na bang igisa ka sa sariling mantika at ikaw ay napahamak sa sarili mong gawa
magpakailanman ay laging mainit ang samahan nina sibuyas bawang kamatis asin at mantika
ang pusong umiibig at nag-aalab ay nakakapagpalaki't nagkakapagpahaba ng...pagnanasa
walang matigas na tinapay sa mainit na kape't kaya Mahal isawsaw mo pa!

walang usok kung walang apoy ang sabi ng bulkan sandali lang at may "niluluto" pa ako
kung ikaw ay nakatali na'y bawal ka ng maglaro ng apoy at huwag laging amoy tsiko
kung ikaw ay maglalaro ng apoy sisiguraduhin mong ang "fire extinguisher" ay nasa iyo
hindi ka panghihinayangang gawing "abo" ni Misis kung mahuli ka niya sa biglang liko

ATTRACTIVE
nabanggit ko sa "Tickled Pink ang lahat ng babaeĆ½ nabihisan ng kulay na ito magmula sa pagkabata
habang nagkakaedad ay dumidilim ang kulay at ang motiif sa kasal ay fuschia
si Ate Virgie'y nabihisan din ng fuschia at ang kanyang motiff ay pink sa kanyang kaarawan
mukha siyang bubot na debutante o nagmistulang bridal shower at siya'y napagkatuwaan

White Diamonds by Elizabeth Taylor ang kanyang paboritong pabango
dati rati'y si Sweetheart ay pinapasalubungan siya ng Estee Lauder O ang presyo!
pinagamit niya kay sis at matapang ang amoy at sumakit ang kanyang ulo
mabuti pa iyong dating pinagbibili sa Lidl suwabe ang amoy iyon nga lang ay naglaho

mayroon kaming pink flowers sa aming buhok at maganda nga namang tingnan
siya'y nakasuot ng pink Hello Kitty headband at "feeling cute" ang mga kababaihan
magaan ang kanyang dating at aura si Ate Virgie ay isang natural na komikera
ang babaeng marunong tumawa't magpatawa'y mas kaakit-akit kay Adan at sa alaga niya


INDEPENDENT
kakaiba't ang sipit ay iniipit sa pinggan habang ginigisa ang aking pagkain
kawawang Josie't ang kanyang "sizzling" ay nahuli't mayroon yatang ibang umangkin
may pahabol pang dumating numero "35" nguni't tatlong yagit na pusit lamang ang laman
"sige pa't ikaw ay magreklamo't darating pa ang broccoli't installment ang kanilang plan"

FREE THINKING
bibihira nga ba sa aming mga babae ang umaamin sa aming tunay na edad
siya raw ay 5 taong gulang at undergraduate ng Grade 1 at she can not read
nagpasahan sila ng litrato via bluetooth iyon naman pala'y dalawang taon na silang #Fbigan 
"naisip ko nga paano'ng nakikita ko ang kanyang posts kung hindi naman kami magkaibigan?"

FAST MOVING
tahimik na kumakain si ate habang kami'y nagtatawanan at ang mga tao sa labas ay napapatanga
binuksan ni Ate Virgie ang ibang regalo't isang ibon ang galing kay Mutti Sahlee at siyang una
mayroon din siyang natanggap na datung at madamdaming dedication ngunit sa iba niya pinabasa
"prost!" ang aming sigaw "here's to your long life, good health and juicier sex life" hahaha!





POTENTIALLY FOOTLOOSE
hindi matatapos ang party Kenny kung walang group photo iyan ang aming hiling
sa loob at labas at sa may car park din "everybody cut, everybody cut" I've got this feeling
hindi siya maaaring umuwi ng hindi man lang nakakembot with Pilya Blog at makapag selfie
hanggang sa muli po nating pagkikita "you're burning yearning for some"  yeah! yeah!


This event is to be included at PILYA BLOG MAGAZINE'S June 2016 issue. Please contact me in facebook.  Thank you for sharing "THAT FIESTA FEELING!"
Auf Wiedersehen. Vielen Dank. Maraming salamat po.


IT'S FIESTA! Pilya Blog Magazine's April 2016 "THAT FIESTA FEELING" is NOW available! Don't miss it!



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat