THAT FIESTA FEELING IN BERLIN

ako'y nagpunta sa Berlin para sa aming negosyo
kasa-kasama ko rin ang aking Pilya Blog at ito'y pinakita ko
sa lahat ng Pinoy na aking nakilala't nakabunggo
maging ang aking kliyente'y namangha't pinuri ito

bibisitahin ko rin ang ilang kaibigan at sila'y sosorpresahin ko
pasensya na't hindi na ako nakapagyaya't ako'y parang turumpo
hindi rin ako nagtagal sa kanila't ang oras ko'y limitado
ibabahagi ko ang aking mga nadinig at ang aking nabuong kuwento

Hours of talking and wanting, LA style.

GIVE ME ONE REASON by Tracy Chapman
pumasok ako sa Starbuck's at umorder ng Latte gaya ng dati
nakangiti sa akin ang serbidora't ang lalaking pogi hihi!
sa pagkakaupo ko'y biglang kumanta si Tracy wait! isang higop at sasagutin kita
"I'm charging my phone" may free wi-fi relax muna at habang hinihintay ko siya

I'm a big fan of D&G. I love its colors.

ROCKIN' IN THE FREE WORLD by Pearl Jam
"there are colors on the streets...red, white and blue" hmmm pwede pang gumala
ako'y naglakad sa kahabaan ng Kürfürstendam sumilip sa ilang boutique at iba pa
nandoon lahat ang mga mamahaling brands gaya ng D&G Bvlgari at Prada
ang karamihan sa kanila'y walang katao-tao't marahil ay kabubukas lang kasi pa

teka't malapit nga lang pala ang bagong tirahan ng ating Philippine Embassy
makapamasyal na nga rin at mayroon nga rin pala akong dapat isangguni
doon nga sa Haus Cumberland ako'y nakarating at umakyat sa ikalawang palapag
pinagbuksan ako ng isang babae't naabutan ko ang isang ginoong mukhang matatag

napag-alaman ko sa ginoo na sa isang taon na ang rehistrasyon ng gustong bumoto
ako'y nagpakilalang writer at publisher ng Pilya Blog at nabanggit ko ang aking kuru-kuro
ipinakita ko ang aking magasin at napag-usapan namin ang aking "Keep Smiling Grace"
nangako siya na ibibigay sa atin ang update tungkol sa kaso salamat sa inyo Ginoong Jovencio

Punk with Mr. Jovencio P. Catbagan at the Philippine Embassy, Berlin 

If you need assistance in Germany, please contact:
Mr. Jovencio P. Catbagan
Consular Assistant, ATN Officer and Attache' Alternate Protocol Officer
Tel.No.: 030 864-95-026
Mobile: 0173 1860972
Email: jovenciopcatbagan@philippine-embassy.de

aking pinapayuhan ang aking mga kababayan at kabaro na huwag sana kayong mahihiya
kung mayroon kayong personal na suliranin kayo'y maaaring sumulat o tumawag sa kanya
ito na rin ang pagkakataon ninyong ibahagi ang inyong karanasan kung kayo'y naaapi o nababahala
alamin ang inyong karapatan na naaayon sa ating batas para hindi rin kayo mapamahak o hindi ba?

Thank you for sharing "THAT FIESTA FEELING".

KASALANAN KO BA? by Neocolours
pinagbuksan niya ako ng pinto aba teka hindi ba siya ang artistang si "John Lloyd"?
"Bulawan is coming soon" at nang siya'y ngumiti aba'y mas panalo siya kay John Lloyd!
nabanggit niyang mayroon din nagkakamali ngunit ang pangalan niya talaga'y Michael
half brother niya si Bulawan ang may-ari ng Ayan Filipino Streetfood Restaurant

Thanks a lot, Bulawan!
Thanks, Michael!
kumanta na ang Neocolours at "adobo" ang aking hiling at mismong si Bulawan ang nagluto
mild spicy, soft & juicy at ito'y pork belly wow! at extra servings pa ito
"it's really Pinoylicious!" ang masarap na lasa'y nakapagpaalala sa akin ng ilang tao
gaya ni Regine Carla at ang aking kapatid na si Jojo at ito'y kanila rin paborito

Pilya Blog Magazine's April 2016 "THAT FIESTA FEELING" meets AYAN with that special adobo. IT'S PINOYLICIOUS!

papatapos na nga akong kumain at binigyan pa ako ng maja blanca ni Bulawan
akala niya siguro'y ligtas na siya sa interbyu't aba'y "coconut na coconut" at napakalinamnam
"ich bin voll!" ang unang tanong "paano mo nakilala si Kiti at bakit ang napangasawa mo'y taga Thailand?" 
"kailan - may araw gabi o madaling araw at saan? broken hearted ka ba?" ang sagot: hahaha!   


Maja Blanca "coconut na coconut"

ang AYAN nga pala'y bunga ng sipag ipon at tiyaga ni Bulawan at talagang pinaghirapan
siya'y nag-aral ng pagluluto't ang hilig talaga'y pagkaing Pinoy kitang-kita naman
ang disenyo ng kanyang resto ay gawang bamboo at bunga ng kanyang imahinasyon
kahanga-hanga't isa kang tunay na Pinoy, Bulawan hanggang sa susunod na pagkakataon

Pilya Blog Magazine's April 2016 "THAT FIESTA FEELING" is now available at PINOY PHILIPPINISCHE SPEZIALITÄTEN. Don't miss it!
Vielen Dank, Ate Rosalinda.
Pilya Blog Magazine's April 2016 "THAT FIESTA FEELING" is now available at PINOY STORE, Bamberg. Don't miss it!
Vielen Dank, Ate Adora.




"Kasalanan Ko Ba?" I love this song and I know why. 
Mrs. Punk Rock Cielito is a regular contributor of Pilya Blog Magazine as one of the Pilya Bloggers with her "Ukay-Ukay Curtains".
Maraming, maraming salamat po. 


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat