SPIKE

HAPPY 2ND YEAR BLOG ANNIVERSARY, PUNK!
On my second year of blogging, I am definitely better and has a different approach of writing to tackle certain issues in our everyday life, politics and religion. The most read blogs by the OFWs are "The Load of Bananas" about our Pinoy jeepney, "Que Dios Te Bentiga" about our Poong Nazareno in Quiapo and "It's Raining X-men", their choice is Wolverine.
My greatest blog, "Keep Smiling Grace" is shared more than 200 times and has more than 1,400 likes in facebook. A lot of people in Germany and worldwide become more conscious and aware of the crime. Pilya Blog Magazine raised donations for Grace Kroener's family in the Philippines. It is a small help but I receive so many blessings which I also owe to Grace. She will remain forever in my heart as a writer. My second story of "Talim" is unfinished and I stopped writing the chapters. I regret to do so but "Talim" made me noticed by many and a great opportunity came and open the doors to my writings internationally. If I can make you cry with "Join Me In My Hot Tub", fall in love with "Sweet As Honey", fly with "I am Darna", be silly with "A Five Star Bus Drive"or be afraid with "Naked As A Jay Bird". I CAN MAKE YOU FEEL THEM ALL with "Spike", my second story under my "Bisikleta Stories". This is for YOU and for the LOVE OF READING.
Paunawa: Ang kwentong ito'y bunga ng malikot na imahinasyon ng may-akda. Kung may pagkakahawig man ito sa inyong pangalan sa totoong buhay o sa kakilala ninyong tao, buhay man o patay, ito'y hindi ko po sinasadya't ito'y nagkataon lamang. Maraming, maraming salamat po.

ANG IKATATLO: NANGANGAMOY TROBOL

"Puli madalas ka bang managinip?"
"nang tayo? oo madalas na ngayon kahit saglit lang akong maidlip"
"naniniwala ka ba sa panaginip na maaaring magkatotoo ang mga ito?"
"hindi ba't magkaharap tayo ngayon e ano ba kasi huwag ka diyan tumalikod!"
"seryoso ako Puli ikaw lang ang laging nagbibiro't ganyan ka ba lagi?"
"seryoso naman ako sa iyo Spike heto't mistulang nangangangera ang tibok ng aking puso"
"diyan ka na nga at tapos na ang break natin gumising ka na sa panaginip mo!"
"masyado ka naman kasing pa-hard to get Spike bakit nga ba "Puli" ang tawag mo?"

ang pangalan ko'y Paulita Sierra Mendez! ang palayaw ko sa bahay at pati na sa eskwela ay Paula
ang tawag sa akin ni Ninong Ping (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa) ay Aries
alam mo ba kasing si Ninong ay walang anak na lalaki kaya ganun hindi ba't nakakainis?
Spike! makinig ka muna bakit nga ba "Puli" ang tawag mo sa aking byuti? bakit parang hindi yata matamis?

hahaha! hindi ko na kailangang magpaliwanag sa kanya't ito'y hahaba pa
ganyan ba ang lahat ng babae't laging mausisa kailangang magpaliwanag ng sobra sobra
kung gayon ay ibibilang ko na rin ang aking sarili't Puli magkabaro tayong dalawa
ngunit hindi ko ito masabi sa iyo't ayokong pandirihan mo ako't baka lumayo ka pa

gusto ko rin ang pagkaprangka ni Puli't kung minsan ay napagmamasdan ko rin siya
maganda ang kanyang mukha't laging nagpapatawa't kumakain habang nagsasalita
ang lagi niyang baon ay mangga't asin pakasalan ko na raw siya't lumalaki ang kanyang tiyan
sa mga kuwento niya'y kilala ko na ang kanyang buong pamilya pati na ang mga dating kapitan

ngunit wala ako sa kanyang nararamdaman kahit malapit kami't magkatabi
kung minsan ay bibiruin niyang himasin ang aking hita't pababa sa aking binti
ang korni ko raw at ako'y pumapalag o baka naman "doon" ay mayroon akong kiliti?
gusto ko rin ang kanyang pabango't inoorder niya pa raw ito sa pinsan niyang taga Saudi

magmula nang magtapat ako kay Itay pakiramdam ko'y ayaw niyang mapalapit sa akin
dati-rati niyayakap niya ako't subalit ngayon ay "sige na" at halos hindi siya makatingin
nagbago nga si Itay agad at napansin kong tila ngayon siya'y nagiging malulungkutin
dati rati'y isang tumpok ng nilagang mais ay dali-daling nauubos ngayon ay lalanggamin

kung sabagay kung nabubuhay pa si lolo Gagamba siguradong ang pamilya'y may giyera
hindi iyon papayag sa aking ipinagtapat at maaaring doon pa lang siya malalagutan ng hininga 
ngunit paano nga kaya kung nabubuhay pa ang aking maunawain at mapagmahal na ina
siya ang lahat na nagturo sa aking magluto't manahi't kay Itay ay kumupit ng barya sa bulsa

humahangos ang aking bisor na si Orca't mukha siyang bumubuga ng hangin at masaya
Spike! Spike! halika dito't may maganda akong ibabalita sa iyo't may makakasama ka na
kumuha na ako ng isa pa't hayan siya't yes! madadagdagan ng pogi sa aking departamento 
magkasing taas kami't makapal din ang kanyang kilay "hi Pare ako nga pala si Jett Cordero" 


Abangang muli ang kasunod....


ANG IKALAWA: WALA SA AKIN ANG PARAISO MO

alas singko na ng umaga kailangang makabangon na
maghahatid pa ako ng mga dyaryo't madami ngayon yata
sayang kung kakaunti lang sana ako'y magbibisikleta
pero malamang sa hindi't ang madala nga'y ang aking maleta

ayos na ang lahat ang bihis ko ay sadyang makapal
may kalakasan ang hangin huwag sanang sagabal
lumalakad na ako ng marahan natanggal ang aking balabal
madilim pa ang dadaanan ko't patay ang ilaw at isang sugal!

nakakabingi ang katahimikan nakagat pa ako ng lamok
aruy!para lamok lang hindi ako mamamatay sa sulok
nagigising ata ang kapitbahay sa ingay ng gulong tok!
nakatapak naman ako ng basag na bote ano bang pook?

binasa kong muli ang aking listahan tama ba ang daan
gamit ko'y flashlight bakit ganun patay pa rin ang ilawan
nakikita ko ang mga lamok at palaka ako ba'y inaabangan
numero 14 ang bahay at malapit na ang aking patutunguhan

hay naku! nakakarindi itong mga aso't nailagay ko na ang dyaryo
ang ganda naman ng kanilang dekorasyon mayroon silang momo
biglang umulan makasilong nga muna sa garahe nila dito
ayun at may nakatayo sa di kalayuan "magandang umaga po!"

alas singko y medya na ang tiyan ko'y nag-aalburuto
kailangan ko na ng kape't sumugod na lang kaya ako?
kipkip ang aking braso napalingon ako sa mamang nakatayo
kay aga niyang magising baka nakatingin din siya dito

lumalapit ang mama sa akin tumataas ang aking balahibo
nakatindig ng lahat ang aking buhok pati na sa aking ulo
magsalita kaya ako o hintayin ko na lang siyang lumapit dito
may dala siyang malakas na hangin aba at biglang nawala ito

saan kaya pumunta ang mama hindi nagbukas ng pinto
siguro naglakad siya ng diretso hindi ko napansin kung paano
makauwi na nga tumigil na rin ang ulan gutom na ako
aba hayun ang mama sa aking dadaanan at hinihintay ako?

hila-hila ko pa rin ang maleta malapit ko na siyang marating
pagdating ko sa kanyang kinatatayuan malakas ang dating
ang hangin,ang tindig ng aking balahibo't may kalansing?
siya'y puting-puti't walang mukha't ito'y nakakapraning!

hindi nga ako makatakbo para akong isang tuod at nakatingin
ilang minuto ang tinagal isang metro ang layo niya sa akin
ang katawan niya'y parang sumasayaw sa ihip ng hangin
"hindi ako sa iyo natatakot!sige't ikaw ay lumapit pa sa akin!"

"Gagamba ikaw ba iyan? kitain talaga ako ng multo walang biro!
hoy! doon ka kay Itay magpakita o di kaya kay Garing Sinto-Sinto!
biktima ka ba ni Krising Kulam? ikaw ay naligaw at...ano'ng sabi mo?
ako'y natakot at sabay takbo...parang may humahabol at may nadidinig ako

triiiinnngggg! huh! lintik! panaginip lang pala! parang totoo't sino kaya siya? 

magandang araw sa inyong lahat! ang pangalan ko'y Spike Lawrence Hans Lo Yan

"Spike" iyan kasi ang paboritong kabayo ni Itay sa karera
"Lawrence" ito ang dating kapenpal na Briton ng aking yumaong ina
"Hans" siya ang nagsampa kay Inay sa trak at sa tamang oras ako'y naisalba
"Lo" ang dapat sana'y "Lorenzo" gaya ni lolo ngunit kinapos na raw ng tinta

ako'y dalawampu't isang taong gulang tapos ng "home eco-tambay" biro lang!
seriously, it's economics! ngunit doon ako sa shopping mall nagsimula't nakapagbilang
naapply ko rin ang "use of goods and services" kabisado ko lahat ang aming produkto
hindi rin ako nakaiwas sa amoy at fungi at nagsukat ng mga paa bilang isang tindero

dito sa aking trabaho'y wala silang kamuang-muang at bakit pa? hindi naman ako halata
ang tawag ko sa aking bisor ay "Orca" Oh well, alam nyo na! siya'y dambuhalang malansa!
ito lang si "Puli" ang kangkarot kong kaibigan at nangangarap na makapunta siya sa Japan
lapad ba ang hanap mo't lalayo ka pa para magkalat? dito ka na lang marami rin ditong mamasan

ikaw talaga Spike naikuwento ko na sa iyo ang masaklap kong purdoy na pamumuhay
ayoko na ng masikip ayoko ng mabaho! ok! kumita na nga iyan masaklap talaga ang aking buhay
mayroon din naman kasi akong talento sa pagsasayaw at sa pambobola NAPANSIN MO BA?
patulan mo na kaya ako't mukha namang bagay tayo ikaw ay pogi't ako naman ay sobra sa ganda!

nakupo! ang babaeng ito'y papatok sa mga sakang at madaling makikisakay sa mga Yakuza
mahilig siya sa mga singkit na katulad ko't gustung-gusto niya ang mahaba kong mga paa
lagi niyang pinupuri ang aking tindig at kung makatitig ay parang ako'y hinuhubaran na niya
kung sabagay si Puli ay mayroong hitsura kung sa iba'y talagang may pagkakalagyan siya

oo naman at talagang nakakangawit tumayo mabuti't minsan din ay lumuluhod
nakakabingi ang ingay ng mga bata't kahit saan ay sumusuot parang mga uod
nandito na naman si "Meldy" at bago bumili'y sampung pares ang ipapalabas niya
bigla namang sumakit ang ulo ko't matigas na ang aking baywang makauwi na nga

Spike anak, nandiyan ka na ba? lumabas ka ng kuwarto anak at may dala akong inihaw
naku anak! sinuwerte ako kangina sa aking pagtratrabaho't nabigyan ako ng tip ni Hilaw
natuwa sa akin ang mga bisita niyang mga puti't mag-aangkat ng silya't mesa sa bansa nila
sila yata'y mga Amerikano e pahuhuli ba naman ako sa Ingles? Joe lang ako ng Joe haha!

hayan dumating na si Itay at mabuti't maganda ang kanyang mood wala siyang sumpong!
sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito't kailangan kong isigaw ito hindi ibubulong
ilang taon ko rin itong kinipkip sa aking dibdib ayoko talagang maging dakilang sundalo
maunawaan kaya ni Itay ang aking sasabihin hindi kaya siya magalit heto na ako heto!

Spike susmaryosep! bakit suot-suot mo ang polka dot na bestida ng iyong yumaong ina
alam mo bang pinagkaiingat-ingatan ko iyan at ala-ala iyan ng aming unang pagkikita
ginaya mo pati ang kanyang ayos sa litrato pati ang kolerete iyan ang hitsura niya sa perya
naubos ko yata ang aking suweldo sa pagpapapansin sa kanya't maitumba ang mga lata

Itay nadinig ko na iyan ilang beses mo na bang naikukuwento iyan sa akin kabisado ko na
ito na lang ang nalabing bestida ni Inay at ang iba'y pinagbili mo sa ukay-ukay hindi ba?
Itay makinig ka't may ipagtatapat sana ako sa iyo tama! makinig ka't ito'y napakahalaga
tumahimik ka Spike hindi mo iyan maireregalo sa kahit kanginong babae teka may syota ka na?

Itay, hindi ko ito pwedeng iregalo sa ibang babae at hinding-hindi ako magkakasyota ng babae
Itay, babae rin ako't ako'y mayroong katawang lalaki ngunit may puso akong babae
napaupo si Itay at parang nabagsakan ng kaldero ng kanin ngunit wala kaming ulam
ako'y handa sa kanyang reaksyon at siguradong sasabihin niyang baka ako'y nakukulam

naku! Spike nakukulam ka ba? palibhasa'y nagsasama ka dati sa anak ni Krising Kulam
akala ko ba sabi mo'y tutuparin mo ang pangarap kong maging isa kang sundalo gaya ni Phil-Am
nahipuan ka ba ng mga lalaking nagdrodroga sa kanto't ngayon ay bumibigay ka sa kahihiyan
anak pinangalan pa naman kita sa kabayo e dapat ikaw ay barako't matatag at matigas ang laman

si Itay at si lolo "Gagamba" iyon ang tawag ko sa kanya't kakaunti na lang ang aming ala-ala
sila'y nagkakilala sa karera't naging magkaibigan at naging malapit sa isa't-isa
nagsasabihan sila ng problema't hanggang si Itay ay nagkautang kay Gagamba
aba'y panis na ang iyong utang tulungan mo na kaya ako o magbabayad ka nga ba?

ibig ni Gagamba na si Itay ay ligawan ang kanyang nag-iisang anak na babae
ayaw nito ang kapenpal na Briton ng aking Inay at mukha pa raw binabae
akalain mo bang nang makita ni Itay si Inay ay talagang nainlab ang aking ama?
noon lang daw siya nakakita ng masungit ngunit magandang magdala ng polka dot na bestida

nakakatuwang nakakainis palagi ang aking Itay isa siyang pilosopo't kailanman ay hindi seryoso
nang mamatay si Inay grabe ang aking drama't "Inay sasama ako!" aba'y sa hukay ay tinulak ako
kagabi'y hindi na ako nakipagtalo't hindi pa ako handang malaman ng mga kapitbahay kong tsismoso
siguro naman ay mapipilitan si Itay na tanggapin ako't siya rin! hindi ko siya ilalakad kay Lyn Puto


It's my 2nd year blog anniversary! Congratulations, Mrs. Punk Rock Cielito!
Maraming, maraming salamat sa ating Poong Maykapal at sa lahat ng Kanyang "pambihirang" biyaya. Maraming, maraming salamat po sa walang sawa ninyong pagbabasa at pagtangkilik. Ako po'y labis na nagagalak at kayo po'y laging nandiyan at handang magbigay ng inspirasyon sa akin. Bagamat ako'y nagsusulat na bunga ng aking imahinasyon gaya nina "Talim" at "Spike" ngunit para sa akin, ang tunay na karanasan ng isang tao ang pinakamagandang kwento maging ito man ay katatawanan o seryoso. Maraming nagtatanong, bakit malalim akong magTagalog? Ang sagot: Walang kamangha-mangha sa taong ang layunin ay ipangalap ang ating sariling wika't ibalik ang karamihan sa pagbabasa. Hindi rin ako uurong sa Inglesan ngunit bilang isang Pilipino, ang pinakamadamdamin at ang pinakamasidhi't talaga namang ikaw ay tatamaan ay nakasaad lamang sa wikang Filipino. Halimbawa'y sabihan ka ng "f****u!" babatuhin mo rin siya ng "f***u too!" Ngunit kapag ang binitawang salita'y "p***i!" ang magiging sagot ay may kutos pang kasama!  Maraming salamat sa lahat ng aking mambabasa sa iba't-ibang panig ng mundo. Mabuhay ang mga OFW! Mabuhay ang Filipino poetry! Mabuhay ang lahat ng Pilipinong manunulat sa buong mundo!
Maraming, maraming salamat po! Thank you very much. Vielen Dank.


Mrs. Punk Rock Cielito is a regular contributor as one of Pilya bloggers with her Ukay-Ukay Curtains in Pilya Blog Magazine. It is the Filipino-German Lifestyle Magazine. It is published and distributed only in Germany. 
Pilya Blog Magazine's October 2016 Anniversary is coming very soon.  Don't miss it! 




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat