DEBBIE

"gusto mo wasakin ko ang mobile mo ng ganito aaagggh gusto mo?
wala nagawa si Phil at siya'y tumalikod na lang "wala kang modo!"
"ako pa! ako pa ngayon ang walang modo gayon siya'y hindi naman totoo
ako ang kanyang kasama ngayong gabi ngunit lumilipad ang isip ng gago"

kilala mo ang kanyang ginugusto't iyon ang hindi mo talaga maintindihan
siguradong wala naman silang relasyon at ang babae'y kilalang-kilala mo
minsan ay kasama siya ng iyong mga kaibigan sa inyong bahay kung may okasyon
siya'y maganda't moderna ngunit mababaw kahit nakikisakay sa inyong mga biruan 

minsan ay ipinakilala mo siya kay Owen at siya'y kaibigan ni Phil at malaya pa
ngunit si Owen ay nausyami't nakakabagot daw ang kanilang usapan at nakakabato talaga
"hindi mo ba katulad Zoey masarap kang kakuwentuhan kahit magdamagan
malakas ang ating tawanan at hindi tayo nauubusan ng magandang pag-uusapan"

sayang talaga Owen at ang tingin sa iyo ni Zoey ay katulad ng isang tunay na kaibigan
o bakit nga ba? iyon ay mahirap din talagang unawain at maintindihan
tinawagan ni Phil si Owen at si Zoey ay nagwawala sa kanyang kabahayan
dumating si Owen at niyakap siya ni Zoey at sabay hagulgol "iyan ang sira-ulo mong kaibigan"

"huwag kang maniniwala sa kanya Owen at hindi totoo ang kanyang binibintang
madami siyang nainom na alak at pumasok sa kanyang ulo't nagsimula ng magbintang
pinahiya ako sa labas at pinagsusuntok ako sa harap ng ibang tao't ayaw papigil
binantaan pa ako ng masama't tinutulak ako mabuti kamo't ako'y nakapagpigil"

"walanghiya ka! sinungaling! isa kang unggoy! ngayon din ay maghiwalay tayo!
ako na ang nagsasabi sa iyo't hindi ka niya gusto! humanda ka't isa kang ilusyonado
bukas na bukas din ay iiwanan kita't hindi mo na ako makikita't maghahabol ka sa wala"
umakyat na si Phil sa kanyang kuwarto't niyakap ni Owen si Zoey "magpakahinahon ka"

"nagkakamali ka Zoey hindi traidor si Phil at kilala ko siya bilang isang malapit na kaibigan
mahal ka ni Phil at sinabi niya iyan sa akin at sa aming lahat at ayokong nakikita kang ganyan
hindi ba siya ang pinili mo't isa na ako sa gusto ka sanang makasama't ngunit ako'y nabigo
ngunit heto pa rin ako para kay Phil at para sa iyo dahil hindi ko kayang malayo sa inyo"

"Owen niloloko ako ni Phil at minsan kaming nagtalik ngunit pangalan ng iba ang binanggit niya
ang babaeng tinutukoy ko'y ang babaeng malaki ang gusto sa iyo't lumalapit sa kanya
inaakala niyang matutulungan siya ni Phil na makagawa ng paraang mapalapit sa iyo
nang huli siyang bumisita sa bahay ay ibang-iba si Phil at parang hindi niya ako kilala't siya'y biglang nagbago"

mahirap ipaliwanag ngunit "it's a merry-go-round" gaya ng mahal mo siya ngunit ang mahal niya'y iba
hindi ka nga nagkakamali ng hinala kay Phil ngunit si Owen ay mas karapat-dapat hindi ba?
ang babaeng iyon kung baga sa kanta'y pasakalye ngunit siya'y nagsilbing "eye opener" O siya nga!
nawasak nga ba ang puso mo Zoey o nawasak ang ego mo't sana'y makapag-isip ka na 

hiniwalayan ni Zoey si Phil kahit hanggang ngayon ito'y nagpapapansin ngunit hindi umaamin
ang babae'y pilit pa rin nakikipag-ugnayan kay Owen at umaasang balang araw siya'y mapansin
naiwan kay Zoey ang kamera ni Phil na ang laman ay ang mga litrato ng babaeng kulang sa pansin
madalang na rin magparamdam si Owen kay Zoey kahit ang puso'y nangungulila sa kanyang pansin

sino nga ba ang tunay na wasak?
Happy Birthday, "Zoey"! This is for you.



Paunawa: Ang kuwentong ito'y hango sa tunay na buhay at salaysay sa may-akda ngunit ang mga pangalang nabanggit ay hindi nila mga tunay na pangalan sa totoong buhay. Kung may pagkakahawig man sa inyong pangalan, pook at pangyayari, ito po'y hindi ko sinasadya at nagkataon lamang. Maraming, maraming salamat po.

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat