1999

Bamberg, Germany

pumanaw na ang isa sa aking pinakapaboritong mang-aawit at Oh my!
dekada 80's at gaya ni MJ ay isa rin siyang "total performer" at may pambihirang style
inaamin kong isa siya sa aking mega-inspirasyon bilang isang manunulat
heto ang ilan sa aking tula't ang linya sa kanyang kanta'y ang naging ugat

at bilang ganti ko sa kanya't ako ngayon ay nagbibigay pugay

hindi pa rin ako makakalimot kahit ikaw ay sumakabilang buhay
lagi ko pa rin patutugtugin ang iyong CD at sabi mo nga "she's never satisfied"
thanks for the music Prince at ako'y iyong naaliw "if you know what I'm singing about up here c'mon raise your hand"

THIEVES IN THE TEMPLE
"voices from the sky say rely on your best friend to pull you through
but even if I wanted too I couldn't really truly 'cause my only friend is..."
aalalahanin kita mahal na kaibigan gaya ng dati
ang punong ito'y simbolo ng byuti mo binibini
sasariwain ang nakaraan kahit ang olives ay nahuli
magdudulot ng kasiyahan sa aming isipan lagi-lagi
excerpts from "Join Me In My Hot Tub"


LITTLE RED CORVETTE

"believe it or not, I started to worry
I wondered if I had enough class"
tingnan mo matarik ba ang hagdan o tama lang
nahulog din diyan ang isang mahal na kaibigan
“oh really?are you hurt, Honey?” buti nga sa iyo
nagsisintimyento kuno! bebot mo ba'y pinulot dito
excerpts from "Ligaya"


WHEN DOVES CRY
"dig if you will the picture
of you and I engaged in a kiss"
ang belo kandila at mga singsing ay wag pababayaan
kung magkakamali'y maagang kamatayan daw o kamalasan

ang pagsasabi ng "yes, I do" ang siyang pinakaka-abangan
may halik sa pisngi o labi't may masaganang palakpakan

excerpts from "When Doves Cry"


KISS

"you don't have to be beautiful
to turn me on"
bilang isang lalaki't hindi rin ako mapakali
hinahanap-hanap din ang iyong mga labi
ang iyong pisngi sa aking dibdib ay nakadampi
pinagmamasdan ko ang iyong larawan lagi-lagi
excerpts from "Take It Away Jai" 


CREAM

"this is it
it's time for you to go to the wire
you will hit"
Larry, Curly at Moe, sino ba naman ako para tumanggi
gusto ko ang challenges sa buhay ko't ako'y sumapi
tinanggap ko ang hamon at ito'y para na rin sa aking selfie 
ako'y nagprapraktis at nililibang ang aking mambabasa't ayos ba suki?
excerpts from "I Am A Proud Filipino Writer"


LET'S GO CRAZY
"let's go crazy, let's go nuts"
naalala ko bigla ang "S bed"at  ito raw ay hari ng tibay
naku! ang kutson ay pinaapakan sa elepanteng tunay
pinagulungan din sa bulldozer at ang kutson ay hindi umaray
naglundagan ang malulusog at si Dabiana rin ay sumakay
excerpts from "Pinch Me December"


PURPLE RAIN

"I never meant to cause you any sorrow
I never meant to cause you any pain"
kailan nga ba nagiging "light" ang dapat ay "heavy"
iyon bang dapat yata'y nakangiwi ka ngunit ikaw ay napangiti
naalala mo kasi ang nakaraan at hindi ang kasalukuyang pangyayari
"mixed emotions" ang tawag sa halo-halong emosyon at kulay ube pati
excerpts from ""Never Surrender"

PRINCE (June 7, 1958 - April 21, 2016)



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat