THROUGH HELL AND HIGH WATER


"Maraming salamat sa inyo, Halle (Saale) Girls, I enjoyed your company and  I hope to see you again." Special thanks to Angela a.k.a. Ayungin and Stefan Müller. 

ito ang tawag sa sitwasyong tuloy pa rin kahit harangan ng patalim at sumapit
kalimitan ang distanya't pakay ang tinititigan ko't para ang lahat ay sulit
isa na namang kabanata ng aking paglalakbay kahit ang langit ay masungit
ano pa't malakas ang aking loob at matalas ang aking pang-amoy sa adobong pusit

may isang bus papuntang Leipzig isang tren at dalawa pang tram
sa Halle (Saale) ang aming huling destinasyon at galing kami sa kapihan
 salamat sa mag-asawang Tom at Angel at sila'y aking mga bagong kaibigan
ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan noon at sa kasayahang aking nadaluhan

ito ang sitwasyon na nakaranas ang ginoo ng matinding kahihiyan
dumating siyang naka coat at tie ngunit ang imbitasyon ay "Hawaiian"
katulad ko dating nakacocktail dress at kung todo make-up pa naman
pagdating ko sa club silang lahat ay rugged at ito pala'y "African"

awkward! iyan ang pakiramdam ko't lalong nanliit
natawa na lang ako't imbes na sa host ay magalit
aha! bakit ako mahihiya't ako'y ngumiti pa ng pagkasweet
"look at me I'm fine" at ako pa rin ay nakapagsalita "tweet tweet"

"paano mo masusukat ang tubig kung hindi ka lulusong"
"basain mo ang iyong paa't huwag mag-atubili't ikaw ay sumulong"
sa kalagitnaan ng party ako'y parang Goldfish at hindi na nakaahon
"Waiting for Tonight" at ako'y hataw sa sayaw feeling J-Lo sa dance floor!

sa wakas ay nagkita na rin kami ni Angela ang aking "kapitbahay doon"
ako'y taga Pateros at siya'y taga Hagonoy at "Ayungin at Biya" ang aming asosasyon
nakupo! may pansit bulalo at bistek Tagalog at ako'y talagang ginutom na ng todo
ako'y hindi na nahiya't matapos makipagkilala'y sa mesa'y pumuwesto

sa isang kuwarto'y inabutan ko silang mga bulaklak at mukhang bagong dilig
ako'y nakisabay sa kanilang agos at uminom ng "joy water" at kinilig
mayroong nagkuwento sa akin ng kanilang nakakatuwang karanasan at buhay pag-ibig 
tubig at langis kailanman ay hindi magsasanib at huwag tirisin ang bulutong tubig

you know you're feeling at home kung sa sahig ikaw ay nakasalampak
tayo ng maglaro ng jackstones sungka at pitik-bulag at sino raw ang manyak  
OMG! ganun na lang ang batuhan ng "green jokes" at "nang dahil sa tubig"
nagkaroon siya ng bagong computer at inakala niyang siya'y nilason tsk tsk!

tit tit tit ang backing vocals nina Harrison at McCartney inosente raw ang dating
"sa sabitan ng kaldero't sanga ng mansanas" ang endurance nito'y kanyang hinambing 
"age is only a number" at hindi niya makalimutan ang magaling umiskor sa basketbolan
siya'y nagpaalam ng umuwi't ang naiwang asawa'y tumataas ang... dugo sa katawan

OMG! ang kanilang sigaw sa "KEEP SMILING GRACE" at nagbatuhan ng kuru-kuro
tayo'y dating Girl Scout at laging handa sa tampong-pururot at sa mga nagmamarakulyo
Awoo! ang "she wolf" sa gabi'y umaalulon at sa umaga'y hindi bumabati kahit kangino
sa pananabik ay "langsam" at ipagpatuloy ang paghigop ng sabaw kahit medyo napapaso 

   
 
                                          *** Leipzig, Germany ***                                            



"Thank you for accepting our LOVE and SMILE." This event will be included in our April 2016 issue "THAT FIESTA FEELING" - Pilya Blog Magazine


26.08.2016. Maligayang Kaarawan sa aking mahal na kaibigan na si Angela a.k.a. Ayungin. Salamat sa Diyos at dito sa Alemanya'y ang ating landas ay nagtugma't kwela sa kanilang panlasa. Sana'y humaba pa ang ating pagsasama sa baha. Madali nyo siyang makikilala sa litratong ito't bukod sa nakadikit ang bote ng alak sa kanyang mukha'y tingnan nyo naman ang kanyang kaliwang paa! At home na at home at para lang siyang nasa Hagonoy, Taguig haha! 



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat