ROMANCING RIDDLES



For all independent women who read my blog, I salute you.
Happy International Women's Day!
Para sa lahat ng babae, iba't-iba man ang anyo, hugis at sukat!
Mabuhay tayong lahat!


kakampi niya ang taga Edsa na si Yellow Ribbon at siya'y may pagkaselosa
siyaý absolutely hot sapagkat mainit ang kanyang hipo't nakakatuyo ng basa
maganda ang bukas ng kaniyang mukha't nagbibigay ng lakas at sigla 
si Dingdong ang kanyang ex at ikaw ay kumukuti-kutitap sa kanya

ganyan guluhin mo ang iyong malagong buhok at itulis ang iyong nguso
o hindi kaya naman ipungay ang iyong mga mata't ang bibig ay ihugis puso
ipitin ang iyong mayamang dibdib at ipakita ang iyong cleavage at ano'ng say nyo?
iyan ang gusto niyang i-project at nang siyaý maging katakam-takam sa litrato

let's get physical! I wanna be physical...la, la, la...ang sabi nga ni Olivia
ang lalaki'y madaling maakit daw sa ating mga nangungusap na mata
para bang nagsasabing "sige na't titigan mo ako mula mata hanggang paa"
"huwag mo lang sisilipin ang aking utak at hindi sya masyadong gumagana"

"we are 36-24-36 girls, we are beauty & brains and aha!" at more or less ay ganyan ka 
ang hugis mo'y parang "softdrinks beauties" gaya ni Pepsi't Sarsi at Coca Loca
woot! woot! malakas ang iyong dating at lagi kang sinisipulan sa iyong "wankata"
huwag lang mababansagang "mukhang hipon" at bare your assets ang drama

"Candy Girl" ang nickname mo sa iyong slumbook at mayroon ka rin sweet tooth
ang tinutukoy ko'y ang talent mong sumipsip ng lollipop at ipinagkakalat ni "Bluetooth"
nilalanggam daw ang magsing-irog at ito'y bawal sa may sakit na diabetis
kilala mo ba si "Cotton Candy" at siya'y malagkit tumitig at kung matunaw ay mabilis

sina "Sari at Sky" at kung tawagin ko silaý "S partners" at solid ang kanilang relasyon
si Sari ay malutong kahit sinong ipatong at subok na nina "Li at Meg" at kahit anong panahon
ang magkahalong alat at tabang ay iyong hinahanap-hanap at ang kombinasyon ay swak
you're a hard habit to break! at malakas si Sari kay Cu,P,I,D at Se -Xtra corny naman si Sky Lark

aphrodisiac ang kanyang uri at madalas nating isahog sa ating pagkain
ito'y madalas nating ibabad sa sawsawang patis toyo't suka't pagkatapos pigain
ito ang tinaguriang "herbal V" at ito'y kendi ni lolo't Playboy ang kanyang bilin
umuusok nga ba ang tainga't sa magaling at ang bumberoý hindi na kakailanganin

katulad niya'y isang dahon ng Makahiya at nagtama na naman ang inyong paningin
sinuklian niya ang iyong ngiti't "hello" at pagkatapos nang...mayroon ka bang aaminin
magkahalong guilt at shame at magbanlaw ka man ng chlorox ngunit ang mantsa'y kumapit
pagkatapos mong kagatin "Pleasure" ang mansanas at ngayo'y nagpapantansya ka ng malupit!

ang mga sagot: sunshine, seductive, smart. sexy, sugar, sensual, spicy, sinful
  
 Mrs. Punk Rock Cielito is one of the #PILYABLOGGERS with her Ukay-Ukay Curtains in Pilya Blog Magazine. Pilya Blog Magazine's March 2017  "LABING KUTKUTIN" is NOW AVAILABLE! Don't miss it! 

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat