BE-YOU-TIFUL

With Ms. Lorie Acoursi. She co-hosted the show with Tony. 

With Ms. Basilia Hohl, the President of Silayan Group.

Congratulations to all "be-you-tiful" winners! Mabuhay kayong lahat! 
ika-13 ng umuulang gabi ng Pebrero pagbaba ko sa "Limo" ako'y nagmamabilis
nabasa na kasi ang aking "purr coat" at kalaban ko ang tubig-ulan gaya ng Gremlins
alam nyo bang huli na rin ng madiskubre kong may run ang aking black stockings
hubad tuloy ang aking mga binti gaya ng bagong talop na mangga "say no to varicose veins pls."

sa kanang kamay koý bitbit ang aking "assorted" na premyo sa kanilang tombola
ang aking pinamigay ay tatak Pinoy Store na sitsirya't para walang solian ng kandila
sanaý huwag mamuti ang nguso ng mananalo nang dahil sa asin beh beh buti nga
mayroon din "bottom shaper" whether you like it or not pilitin mong magkasya

sa kaliwang kamay naman ay dala-dala ko ang aking itim na bago't lumang maleta
ang sabi ni Guess akoý huli na sa oras "hello Sally Bollywood nandito ka rin pala"
3 inches ang taas ng aking Nine West kaya naman ang paglalakad koý dahan-dahan
"I'm made up" at ang aking Revlon Red Super Lustrous ay nagmumura't palaban

as usual at sa may pintuan pa lamang "malaglag sa pila" hmmm medyo nakakangawit
bagamat ang kasuotan koý pula't naka mascara sayang at hindi ako marunong sumabit
wala rin sapot na lalabas sa aking mga kamay hindi ba gaya ni "Peter Piper" este Parker
ano kaya ang naghihintay sa akin sa loob nandun kaya si "Electro" o si "Regal Shocker?"

biglang bumulaga sa aking harapan ang isang lalaking ang buhok ay parang dinilaan ng baka
biro lang "Tancho" at ikaw ay mukhang kagalang-galang e ano ba ang iyong plataporma
hindi kaya siyaý magmamagandang loob na akoý tulungan mukha ba akong "damsel in distress"
"Ma'm singit ko sa bitbit nyo ang aking flyer" susmaryosep! nagpromote pa ng kanyang business

napa-upo ako "shagilid" (sa-harapan-medyo gilid) at may karatulang "Reserved for Sponsor"
akoý nag-iisang muli't hindi kaya ang ibig sabihin nitoý "Reserved for Stupid Oh no! Smelly-Odor?"
haha! well, if you smell me "Closer" by Halle Berry ang aking parfum... eh yun nga paki mo!
nagustuhan ko rin ang puwesto't  "Closer" sa entablado't malapit sa fire exit in case of ano!

itoý isang palatuntunan pinamumunuan ng SILAYAN Group isang kompetisyon ng mga kababaihan
ang babala ng mga hosts na sina Ms. Lorie at Tony ang mga kasali'y hindi mga "propesyonal"
translation: "anything goes" sa ganitong uri ng show hindi sinasadya't nakitaan siya ng salawal
Inday bakit ka mahihiya? "oozing with lava confidence" pakapalan ng magma ang sabi nga ni Taal

SWEEP OFF HER FEET. pagpasok nga niya'y hawak-hawak niya ang kanyang gown
mahigpit ang pagkakahawak sa magkabilang dulo siyaý nakangiti't malayo sa clown
habang winawalis niya ang kanyang gown sa stage parang nagsesend siya ng Morse Code
paputul-putol ang dating sanaý Smooth Operator ni Sade ang beat ng kanyang cat walk

KNOCK OUT. ito ang babaeng hindi ipinanganak na Cuneta't pasan ang daigdig
nakataas ang mga balikat naka-arko ang mga kamay hihinto't laging naka tagilid
mahaba ang slit ng kanyang gown at panay ang posing tila yata naluma si Angie Jolen-Pilit
the height of the stage is not parallel to Peeping Tom at nagbunyi ang lahat sa nasilip na paulit-ulit

TURN ON. noong araw ay hindi tipo ni Juan ang babaeng kangkarot o galawgaw
lumang istilo na raw iyan at sa kasalukuyang panahon ay mahal na rin ang lugaw
kung kumilos siyaý parang may nagpakawala ng isang daang langgam sa pagsasayaw
basta tama ka sa tiyempo't walang patay-sindi na ilaw sino ba naman ako para umayaw?

WIN OVER. "pointing is a perfect timing" at silaý mga alerto't relaxed sa ibabaw ng entablado
LOGIS! ang lakas ng kanilang palakpakan at hiyawan akala koý sa fire exit na ako tutungo
nayanig ang "arena" sa katuwaan at ang kanilang "manok" ay gustong manalo
binabati ko ang mga nagwagi't sa mga naging "Tinola't Sinampalukan" itoý mas higit na para sa inyo  

Ms. Maureen Weisenburger, "Pres.Obama" & "Barbie Hsu"  as judges. 

With Virginia Pfeuffer, Marife Davis, Jane Stockfleet, Sabina Sell & "be-you-tiful" friends.

The "be-you-tiful" ladies at the party. It was so much fun.  

Dan Albert Morales-Daarol from LBC Germany & "be-you-tiful" friends.

With Ms. Neneng Zaiss from Rizalian Heidelberg-Wilhemsfeld C.V. ,  Sabina Sell & "be-you-tiful" friends.


With my "be-you-tiful" Mare Marife.
A captivating dance number by Ms. Evelyn Hammel from PAG-ASA Lauda. Dance, dance, dance, "be-you-tiful!"

The touch of Broadway dance by Ms. Neneng Zaiss and the Silayan group. Ich liebe es, "be-you-tiful!"

The Zumba dance of the contestants and the "happy" line dance.  Music provided by DJ Melody & Decors by Lords Decoration. I also came to spread LOVE and SMILE. Everything is "be-you-tiful!"


This event is going to be published in Pilya Blog Magazine's April 2016 "THAT FIESTA FEELING" including more photos and stories. Watch out for it. To the winners and contestants, guests and performers, pls. contact me in facebook if you would like to add your names or pictures from the Gala night in the magazine. Feel free to share my post.   
Vielen Dank. Thank you very much. Maraming salamat po.




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat