ANA S. OUR STYLIST

 Ana Sahibul is a Techical Trainor & Owner of Salon De Anisah.
409 Reat St. Talon 1 Zapote Road Las PiƱas City between Pure Gold and PLDT
Tel. No.:  801 3511 Mobile No.: 09175244514



your hair crowns your beauty....asus, gastos!
to be at its best.....use that mamahaling conditioner at papalit-palit ng shampoos
silang mga sirena't makikintab ang buhok gumagamit sila ng fish egg yolk
si Gee ay may "white thingy" at panay ang tingin sa kanyang balikat "what's up Doc?"

mas malakas daw ang sex appeal ng isang babaeng may malagong buhok
aalun-alon ang lahat habang siya'y naglalakad at huwag lamang matatapilok
siya'y katakam-takam at amoy bukayo sa gamit niyang herbal- "Katas"
galing sa KAlikasan at bagong piTAS na niyog at siguradong walang hiblang malalagas

bakit nga ba ang buhok natin ay pinagdidiskitahan kung "broken hearted"
from Trixie to pixie at magsisimula kang muli "I'm sorry for the way I acted"
totoo na nga ito! hindi na ako magpapahaba't hanggang hindi umaamin si Piolo
masakit man sa damdamin tiisin mo't mas ligtas ka na sa balakubak at kuto

nasa lahi nga ba ng pamilya ang maagang pagputi ng kanyang buhok
ang kasabihan iyan ay dala ng iyong katalinuhan sa ano nga bang larangan 'Bok
naging magkaibigan kayo ni Bigen at sa edad mong trenta'y mukha ka ng singkwenta
daan-daanan mo na lang sina Ka Rev Lon at La Oreal at ang budget mo'y hindi kakasa

kung buhok lang naman ang pag-uusapan ako'y may tunay na pinagkakatiwalaan
nakilala ko siya sa "the heart of Pana (taga India)" sa Dubai at naging magkaibigan
napasugod kami sa kanilang lugar noon at kami doon ay may puspusang trabaho
nakasuot ako ng bagong high heels at ayokong ilusong sa buhangin I said no, No!

binaba ako ni mister sa Al Qusais at hintayin ko daw siya't ako'y magkape
hindi siguro't naghanap ako ng salon at mag-eenjoy pa ako kaysa sa "basta kape"
sa pangatlong salon kong nasilip ay nakita ko siya't ang tanong ko'y "Pinay ka ba?"
iyon na ang simula ng aking pagiging suki't siya'y mabait at mahiyain din pala

sa tuwing kami'y nagkikita parang may pista't sila'y nagsisipagluto
tatabasan niyang muli ang aking buhok at iibahin ang kulay nito
paiba-iba ang istilo ng aking buhok at ito'y madalas kada Linggo
kami'y nagkakatuwaan at nagpapayuhan at hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ito 

kami'y naging malapit at ako'y kanyang Nanay-Ate at siya'y inapi ng amo niyang Pana
madalas siyang tumatakbo sa akin at umiiyak hanggang siya'y nakapagpasya
tinapos niya lang ang kanyang kontrata ngunit sa Pinas siya'y nagpakadalubhasa
siya'y isa ng Technical Trainor ngayon at nakapag-aral na sa iba't-ibang bansa sa Asya

siya'y isang magandang halimbawa na ang pagsisikap sa buhay ay may biyayang nakalaan
ang totoong kaibigan ay hindi bumibitaw at hindi tayo dapat mamili ng taong pakikisamahan
at bilang ganti sa aming friendship ay ibig niyang makibahagi sa aking hilig at nasimulan
siya'y ang aking bagong Pilya Blogger at magpapayo sa buhok ng mga kababaihan



"Ich bin stolz auf dich!" "Anak" at binabati kita sa iyong naging tagumpay at kaarawan
more power sa iyong bagong DVG Salon at ang ating muling pagkikita'y aking inaasahan 
abangan ang "ANA S. OUR STYLIST" sa Pilya Blog Magazine for your beauty, make-up at hair styling
"ang haba ng aking hair" "I swear, kumapal ang aking buhok" at "ang gaan-gaan ng feeling!"


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat