KEEP SMILING GRACE!


"No matter what your situation is, learn to count your blessings. In fact, the Bible urges you to do so, saying: “Always be rejoicing. . . . In connection with everything give thanks.” (1 Thessalonians 5:16, 18). 
In order to do that, of course, we need to make a conscious effort to recall the good things we experience. 
Why not make that a personal goal?" - Grace Kroener (1978-2015) from her wall in facebook 

mga kababayan ko hindi ba't siyaý larawan ng isang simple't mayuming Pinay
palagiang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi't iyan ang nagpapatunay
hindi man kami talagang malapit sa isa't-isaý ngunit itoý handog ko para sa kanya
itoý para rin sa ating mga Pinay na maaaring may pinagdadaanang katulad niya

siyaý isang mabuting anak, kapatid at kamag-anak ang sabi ng kanyang pamilya
siya rin ay matulungin at responsable't sa Southern Leyte sila nag-ugat at nakatira
ang kanyang sinapit sa mapagpaslang na mga kamay ng kanyang asawa'y isang malagim na trahedya
isang karumal-dumal at walang kapatawaran na krimen paano nga ba maiiwasan ang maging biktima

kami'y #Fbigan naku! mahilig siyang magbake ng cakes, pastries atbp aking natatandaan
siyaý alagad ng Jehovah's ang mga pangaral nitoý kanyang masugid na pinaniniwalaan
ang mga katagang itoý aking paulit-ulit na binasa't sa facebook niya ito binitawan
sa aking palagay siyaý mayroong kasalukuyang suliranin ngunit ang magandang nakaraan ang kanyang pinanghahawakan

bagamat akoý hindi alagad ng batas aktibista man o abogado sa kasong itoý akoý nagulantang
itoý aking kuru-kuro bilang kabaro't kalahi ni Grace katulad niyaý ang asawa koý isang Aleman
sa mahigit na sampung taon nilang pagsasamaý ang bawat relasyon ay sinusubok ng panahon
ang pagkaka-iba lamang namin ni Grace akoý may dalawang anak kaya kaming mag-asawaý naging mahinahon

ang karakter ng isang tunay na Pilipina't talagang maipagkakapuriý ang pagiging matiisin
tayoý umibig sa isang dayuhan nangarap ng isang magandang pamilya't lumigaya sa kanyang piling
aaminin kong mas kapana-panabik ang aming pagliligawan kaysa sa iisang bubong kamiý nagsama
nabawasan nga ba ang kilig at romansa kung pumasok na sa ating tahanan ang matinding problema?

akoý palagiang nakikinig sa mga kuwento ng pag-ibig at pagtatapat ng ilang malapit na kaibigan
ang kasukdulan nitoý "domestic violence" bagamat hindi ko pa ito sa aking asawa'y nararanasan
itoý kabaha-bahala sa ating pagsasama't hindi natin ito dapat ipagkibit-balikat o bigyan ng daan
kung hahayaan natin tayoý maging biktima nasaan na ang ating pagmamahal at respeto sa sarili, nasaan?

halimbawa:

ang ating pagmamahal at suportang pinansyal sa ating pamilyaý karaniwang pinag-uugatan ng problema
sa umpisaý handa siyang tumulong sa paulit-ulit ay kinasawaan at ang huliý susumbatan ka na niya
napilitan kang magtrabaho't ang sermon sa araw-araw ninyong pamumuhay ay nakakatulig na
ipapakita mong buo ang iyong loob at handa kang managot ng buong-buo sa iyong abang pamilya

ang lalaki kapag nawalan ng trabahoý ang pakiramdam niyaý syaý malaking talunan o api
paano na ang inyong luho't mababawasan na ang inyong paglalakbay o wala siyang mabibili
siyaý may edad na't kailanman ay hindi siya lalapit sa mga kaibigan o mga anak pati
siyaý nagiging iritable't pala-isip sa maghapon ay naka-upo sa sofa't nanonood
ng tv

"saan ka pupunta? bakit ka nakapabango't? sino'ng kausap mo ng matagal sa telepono?"
ito ang kanyang mga tanong sa iyo ngayon na dati-ratiý hindi siya nagtatanong sa iyo
namimili na rin siya ng iyong sasamahang kaibigan hindi ka na maaaaring makipag-usap kahit kangino
binabasa na niya ang iyong mga SMS kahit ang iyong post sa facebook ay inaalam nito

sa umpisaý ang iyong mataas na edukasyon at posisyon sa trabahoý inyong biruan
dati-rati ikaw ay kanyang ipinagmamalaki ngayon ikaw ay kanyang tinutuligsa harap-harapan
ang iyong panananamit at maging ang iyong desisyon sa trabahoý kanyang pinakikialamanan
siya baý naiinggit at nagngingitngit sa iyong mas mataas na sahod at natanggap na karangalan?

noong araw ganoon na lamang ang inyong harutan at iba't-iba ang inyong tawagan
ikaw ay si Gretchen sa kanyang paningin at siya naman ay ang machong aktor ano ang alan?
lumilipas ang panahon siyaý nagiging pikon at seryoso't hindi mo na siya maharot at mabiro
ang dating biruan gaya ng kanyang pumuputing buhok lumalaking tiyan ay isa ng pang-iinsulto!

ang paminsan-minsan niyang pagsama sa kanyang barkadaý nagiging madalas at magdamagan
uuwi siyang amoy-alak at ikaw ay kakaladkarin sa kama't itoý panggagahasa't itoý sapilitan
ikaw ay pagbubuhatan ng kamay kung ikaw ay tatanggi sa kanya't itoý isang kaharasan
itoý isang pang-aabuso't hindi ka isang manikang de susi't sa kanyaý dapat sunud-sunuran

at ang huliý nasanay na kayong pareho sa init ng romansa't katulad ng inyong pulot-gata
dumating ang sandaling siyaý madalas magkasakit at sa romansaý wala na siyang gana
siya raw ay tinatabangan at siyaý nagkukulang "doon" ngunit siya pa ang masamang magsalita
ikaw daw ay isang "puta" "naghahanap ng ibang lalaki" at malutong na siya sa iyong magmura!

ito lamang ay mga senyales na ang ating relasyon ay umaasim at masama ang kalagayan
kung ang ating asawaý nananakot o nagbabanta itoý dapat nating ipaalam sa kinauukulan
matuto tayong magsalita't huwag basta masindak at alamin natin ang ating mga karapatan
ang ating pananahimik ay maaaring maging mitsa sa bombang tayo rin ang unang masasabugan!



"Keep Smiling" ang parang sinasabi sa atin ni Grace.
Ang ibig sabihin ay alalahanin natin na siyaý nakangiti't maganda sa ating paningin at isipan.
Ang ibig sabihin ay humanda tayo't makakamit niya rin ang HUSTISYA.
Ang ibig sabihin tayoý  buhay, manatili tayong buhay at ang lahat ng itoý makapagbigay aral.


Maraming, maraming salamat po sa inyong pagbabasa.
Our sincere condolences to Guzmana and Conato Families from PILYA Group.
Paki-share po sa inyong mga kaanak at kaibigan.


ALWAYS IN OUR HEARTS FOREVER IN OUR MEMORY.
     GRACE KROENER was one of the first Filipinas in Germany whom I befriended in facebook. Over a year ago, I founded PILYA Group and she joined me too. We were never close but we keep in touch by liking each other's posts. She has a magnificent talent in baking stuffs and I find her very simple and a typical Filipina. She looks innocent, sweet and kind. What happened to her was very tragic. I cried hard when Marit, a fellow group member, confirmed to me that was her in that awful and bloody news. My husband was devastated too. I contacted her sister and cousin in the Philippines through the help of Acheil, a fellow member too. I asked their permission if I can write something about Grace. Her sister said, "Yes, go on!" I'm not a crime reporter or a lawyer to describe you the facts, I wrote to pay homage to Grace and to empower women that we can avoid this from happening and becoming a victim. THIS IS MY SMALL OFFERING COMPARED TO THE TRUST she gave us when she joined our group. THIS IS NOTHING COMPARED TO THE SUFFERING OR PAIN she's held on for so long in the hands of her killer. I refused to mention his name because he is unworthy. 
     I was only an instrument of the tragic death of our dear Grace through my writing, to send you an important message TO FIGHT AGAINST DOMESTIC VIOLENCE, to reach out at all times with one another at the beginning of the marital problems or troubles, to know your rights as a legal wife and citizen and just to STAY ALIVE.
     THIS IS SOMETHING WORTH REMEMBERING FOR THE REST OF OUR LIVES. This is for the Filipinas and women around the world. 
     MANY THANKS TO ALL OF YOU FOR THE SUPPORT AND SHARING MY POSTS.
Vielen Dank, Marit Gomez Shäfer, Acheil B. Heyder and Sven Thorsten Ihde for your help. I truly appreciate it.  


PILYA BLOG MAGAZINE  is dedicating our Valentine's Day "THE LOVE ISSUE" to GRACE KROENER. LET SMILES OVERSHADOW SADNESS. We will remember her what she deserves.  PILYA BLOG MAGAZINE is donating 1€ to Conato-Guzmana Family for every purchase made. PILYA BLOG MAGAZINE is now available in Germany. Please visit our website for more details.






Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat