PINAKBET CRUNCH


Sabina Klingmann's Geburtstagsparty
19.12.2015 in Mosbach

This event is going to be included in the Valentine's Day issue of Pilya Blog Magazine.
"happy happy birthday, sa iyo ang inumin, sa iyo ang pulutan,
happy happy birthday, sanaý mabusog mo kami."


mag bugtungan tayo:

malutong kahit na ano'ng ipatong 

iyan ang sa iyoý aking itatanong
sa ibabaw ay latik o mantikilyang malinamnam
dadalhin ka sa ulap kahit ang mumoý katakam-takam

itoý samahan ng mga luntian at dilaw sa gulay ay patay na patay

si kalabasaý pampatalas ng mata at si sitaw ay pampahaba ng buhay
si okraý madulas gaya ni Palos at si ampalayaý mabagsik at mapait ang bisa
kung minsan si kangkong ay kasali't si bagoong ay bida't pambato sa paggisa

dumalo nga ako sa kanyang kaarawan ng gabing iyon ni SABINA a.k.a. SHAKIRA
ang kanyang buhok litaw na dibdib at biyak sa likod ng damit ay sa akin nagpaalala
ang kawangis niya'y ang mananayaw ng Colombia't kumanta ng Waka-Waka eh eh
anak ng fuschia! Hips don't lie kung siyaý gumiling sa dance floor siyaý Gypsy eh eh
Sabina and Sam's Family

sa karamihan ng masarap na Pinoy buffet at nakakapaglaway na pagkain
ang dinuguan pansit at pinakbet ang aking makailang beses na binalikan at kinain
sangkatutak din ang mga cakes ngunit sa puting puto na may keso't kutsinta akoý nagpaalipin
umiwas ako sa karne't nakalimutan ko ang aking diyeta't Rotwein ang aking inumin


sa kabusugan ang hanap ng ibaý pampausok music pls. DJ Melody! oras na para matagtag
hirap na kasing huminga't may suot siyang girdle at ang pahaý dapat na rin lumuwag
Beautiful Liar halika na't doon na tayo sa gitna't Dare! si Shakiraý sumenyas at nagyaya
nag-umapaw ang dance floor silaý nagline dancing at sa Otso-Otsoý namulat ang mata




                kahanga-hanga ang Silayan Group sa kanilang pagsayaw ng "Pandanggo sa Ilaw"
pagkatapos kong mapaso sa init sa dagat ay namulot kami ng "Pearly Shells" wow! 
naging saksi rin ako sa kanilang paghaharana kay Shakira't sa kanyang asawa
silaý "nabasa't" may regalo silang Underneath Your Clothes at "nagbugahan" na silang dalawa

si Shakiraý sa edad na 46 ay parang debutante't tayo ng magsayaw ng Cotillion
siya at si Sam ay paulit-ulit na sinayaw at inalayan ng rosas itoý isang tradisyon
sa kahuli-hulihan si Shakiraý "game" at nagparaya na kuwitan ng icing Oh super sweet!
isang tunay na MALIGAYANG KAARAWAN at akoý nabusog at natuwa it was a special treat!

Prost! with Sabina's fellow celebrant, Julieta Link.




Danke dir SABINA at whenever wherever we're meant to be together
akoý nagpapasalamat at akoý binigyan mo ng pagkakataong rumampa't makapagsalita
si Pilya Blog Magazine ay aking ipinakilala sa aming Empire at mga butihing panauhin
vielen Dank sa aking mga kaibigang She Wolf  Marivic at Aleth silaý kapwa matulungin

"le ro lo re lo le le ro lo le ro le can't you see
sige lang at tayong lahat ay humataw I'm at your feet
nakalimutan kong baka ang aking ngipin ay umitim sa dinuguang malupit
bigla akong napatakbo saWC haha! Loca sa hibla ng okra pala ako sumabit"

Important: Please submit your PILYA CODE for those who purchased PILYA BLOG, December 2015 at the party.
Please contact me if you would like your birthdays or events be published with us. Thank you very much. 



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat