GARLIC MANIAC

ang Tauberbischofsheim ay isang syudad sa Baden-W├╝rrtemberg, Germany
kami'y nakapaglibot doon sa unang pagkakataon ang ginhawa't stress free
may sariwa't malamig na hangin ang diwa ng Kapaskuhan ay aking nasilayan
ganito sila dito't ganito ang diwa ng Kapaskuhan sa kanilang bayan at kabahayan



isang gabi ng kasayahan ng aking mga kababayan sa Lauda
ako'y dumalo't ang hangad ko'y makipagkaibigan sa mga bida
ang tawag ko'y "bida" sa mga taong handang tumanggap ng bagong kaibigan
"with open arms" kahit ngayon lang din nila ako makakasama ng magdamagan

iyan din ang maipagkakapuri sa ating mga Pilipino sa buong mundo
dumating ako ng maaga sa oras ako'y handa sa magaganap kahit solo
binati agad ako ng "hallo" ng dalawang taong naninigarilyo sa may pinto
pagpasok ko sa loob ay nangangamoy pagkaing Pinoy sa wari ko'y adobo

napakalamig sa labas ng gabing iyon ngunit sa loob ay mukhang umiinit
sinalubong ako ng "hellos" at amoy bagong saing na kanin o malagkit
sinalubong din ako ng mga ngiti't napagkamalan akong ibang lahi pati
"kaibigan po ako ni Marivic ako rin po'y Pinay" ang aking ngiti rin at nasabi

pagpasok ko sa Halle  ang nadatnan ko'y ang mga kababaihan at sila'y abala
sila'y nag-aayos ng mga dekorasyon at naghahanda ng mga pagkain sa mesa
ang bawat mesa'y may dekorasyon na mandarin dahon at kandila
nakahain na rin ang mga baso't kubyertos table napkins na kulay pula

gaya ng aking inaasahan tuwing Pasko'y ang karaniwang motiff ay pula
dumating na nga ang aking magandang kaibigan at mga panauhin sila'y nakapula
ang style ko'y grunge at kahit kailan ako'y isang rebelde sa motiff na aking dinadaluhan
ako'y nakaputi't berde ang aking motibo'y peace at harmony sa pakikipagkaibigan

nangamoy "bawang" na sa kapaligiran sa tunog ng mga kubyertos at kakain na
kung maaari'y "malaglag sa pila" ang lahat sa mainit na pagkain ay nasasabik na
hindi nga ako nabigo't nasiyahan din ang mga Aleman at ang adobo'y gustung-gusto
"Knoblauch" ang sigaw sa bagong pakikipagkaibigan ito'y may mabagsik na karinyo

sa aking paggigisa'y kakailanganin ko ng bawang sibuyas at kamatis
nalalanghap ang katakam-takam na amoy bubuhusan ko ng kaunting patis
sa isang samahan mayroon kang aayunan titimbangin at papanigan ilabas ang tunay na kutis
nagkahalo-halo ang sangkap ang lasa'y umayon sa aking panlasa't ako'y nagpawis

ito ang gabing ako'y "nabusog" hindi lamang sa masarap na Pilipinong mga pagkain
dahil na rin sa mga papuri ng mga Aleman sa ating Kapaskuhan at ito raw ay madamdamin
nakapanayam ko sila't tayo'y napuri sa ating pagtitipon gayundin sa aking mga gawain
ako'y napalibutan ng mga bagong kaibigan sa dance floor at pop dance  music was playin'. 

"para sa akin ang pagsasayaw ay ang bagong paglalasing
ang taong mahilig dito'y kumekembot kahit sa tunog ng kalansing
bakit ka mag-iisa gayun marami ang nagyayaya sa iyong piling
sumayaw ng walang pag-iimbot kunwari'y walang nakakakita't madilim"






"Lasset uns froh und munter sein" 05.12.15 Lauda, Germany
This event will be included in PILYA BLOG MAGAZINE on February 2016. 

Maraming salamat sa aking mga bagong kaibigan at binabati ko kayong lahat sa inyong matagumpay na pagtitipon at kasayahan ng gabing iyon sa Lauda. 
Mabuhay kayong lahat!

Happy Birthday, Ms. Evelyn Hammel. May your birthday wishes come true. Have fun! from Pilya Blog Magazine.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat