BUKO-KALOG SHAKE

"Indian pana kakana kana, tatlong betlog kakalog-kalog!"
sa malamang nung ikaw ay bata'y nakikanta ka rin nito
biglang may nagtanong "ang kanilang itlog ba'y tatlo?"
e hindi ba't hindi naman iyon pantay ang isa'y mas malaki?
oo nga naman ang isa'y maaaring doble ang sukat hi!hi!hi!

ito'y halimbawa ng usapan ng mga taong magkatugma ang kanilang gusto
ang bawat paksa'y napapaikot at susundutan palagi ng biro
no dull moments sila'y pakikibagayan at makikinig ka sa kuru-kuro
sasakit ang tiyan mo sa katatawa't sa kanilang komedya't masayang kuwento

ako'y dumalo kagabi sa kasayahan ng ating mga kababayan sa Zeil
ito'y Christmas party ng Asian-German Association ayon sa nakapaskil
nabungaran ko agad si Ate Adora ng Pinoy Store at siya ang nag-imbita sa akin pati
ako'y kanyang dinala sa loob ng Halle sa pinuno ng asosasyon na si Ate Sahlee

Sahlee Bernhard is the president of Asian-German Association. 
Binabati ko po kayo't ang inyong samahan sa matagumpay ninyong party.
I was not lucky in Tombola but I finally ate "Dinuguan". 
Weihnachtsfeier. Asian-German Association. 12.12.2015. 
Rudolf-Winkler-Haus, Zeil
Congratulations!

malugod akong tinanggap ni Ate Sahlee ang sabi'y  "feel at home"  maraming salamat po!   
pagkatapos kong sipatin ang kanilang Christmas tree dekorasyon kape't kuchen ako'y umupo
wala akong nakatabi Rexona sa mesa't kinuha nila ang ibang silya't haha! feeling ko'y may B.O.
"mag-isa ka lang naman di ba? reserved kasi ang mesang ito para sa dalawampung katao!"

lumapit si Ateng Little Red Riding Hood at ang sabi niya'y "sige na't ikaw ay tumesting"
against animal testing kaya ang kanyang binebentang mga shiny lipstick at ako'y naduling 
pasensya na Ateng wala akong masyadong cash dito't hindi ako handang bumili
"5 Euro lang ang isa't babagay sa iyo" ako'y nakikinig sa aking kunsensya't ang sabi'y "hindi"

lumapit din si Ateng Kwarta O Kahon at Tombola naman ang kanyang bitbit at gimik
"1 Euro ang isa" totoong may mga premyo't nakadisplay sa may stage ito'y hindi gimik
her smile reminds me of the song Grenade sa katulad kong nawalan na ng pag-asa
ang nakuha ko'y "better luck next time mananalo ka na sa susunod mong paggasta!"

Ang mga "KALOG": Ate Virgie, Ben Ongon, Ate Annette and Ate Delma.





With Ate Adora and Jenifer.

"bist du alleine?' ang tanong sa akin ni Ate Annette at siya'y byuti
"halika na dito sa aming mesa" ang alok ni Ate Delma siya'y taga Quezon City
biglang dumating si Ben at nakipagbiruan naman kay Ate Virgie
sa aking palagay sila'y matagal ng magkakakilala't lahat sila'y very friendly

hindi ako nagkamali sa sinamahan kong grupo ng gabing iyon
ako'y humagalpak ng tawa sa aming kuwentuhan at mga opinyon
si Ate Virgie'y mayroong guwapo't artistahing anak at naluma si Piolo
ang komento nami'y papatok siyang artista sa atin o modelo

Ate Virgie and son.

si Ate Annette ay nakasuot ng kwintas na may malaking krus
panangga ko ito sa mga bampira ngayong gabi haha ito'y versus
si Ate Delma'y handang makipagsabayan sa dance floor kung siya'y babata-bata pa
hindi man ako nakapagsayaw ng gabing iyon ang mga mata ko'y solved na

ang mga taong aking nabanggit sila'y mga tunay na "kalog"
sila'y game walang katagang sineseryoso't kahit si Ben sa biro nami'y nabugbog
ang ganitong klase ng mga tao'y maloloko't masarap silang kasama
ako rin ay pilya't kababawan nga ba't ako sa kanila'y tawa ng tawa  

"sorry sis hindi ako mahilig magbasa" ach so!paano mo mababasa kung ang bisnis mo'y in?
"teka ang dami namang babasahin" opo kasi iyan po'y hindi flyer but Pilya Blog Magazine
ang kalaban ng pagkaKALOG ay "KJ" at siya'y "Kill Joy"! ang kanyang "oo" ay 80% hindi
"walang basagan ng trip" alin ang matigas ang niyog o buko't shake it! naubos ang kanyang kiliti

JINGLE AND MINGLE. Pilya Blog Magazine celebrates its 1st Year Anniversary with a Holiday Style. JOIN US at the ASIAN GERMAN ASSOCIATION'S CHRISTMAS PARTY on November 26, 2016. WE PLAY SANTA and YOU EAT, DRINK, PARTY and BE MERRY! Sama-Sama Tayo sa Pasko nina AGA at PILYA, see you there! 



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat