ANAS AND CHRIS

"alin-alin nga ba ang ating mga UNA sa buhay at mahirap iwaglit sa ating isipan?
ang unang paghanga, ang unang pag-ibig, ang unang halik at ang unang kabiguan."



kailan nga ba tayo napapakagat ng labi o napapapikit?
kung may pigsa't nagnana na't makirot at masakit
kung may beke't tinapal sa iyo'y tinang binabad sa datu puti
kung ang iyong nakatabi sa dyip ay nakataas ang kili-kili't ang panyo mo dali!

kung nalulula't sa ferris wheel octopus at tila ibig mawalan ng malay
sa ngalan ng yoga't katahimikan ang dapat ahhhm! ay! tulo laway
ninanamnam ang kabanguhan ng hardin ngek! ang water lily sa iyo'y tulip
nakababad sa ilalim ng araw habang naka bikini't puwit mo'y sinisilip

ngunit ang pinakamasidhi nating pagkakapikit ay hindi marahil sa "sakit"
kung hindi sa "kasabikan" "that very moment" para kang may bulati sa puwit
hindi mapakali't lumalalim ang paghinga't nanggigigil at gustong manakit
ang kaso'y naka blindfold at nakatali ang kanyang mga kamay at siya'y isang masochist

kilala nyo na marahil sina Anastasia at Christian at sila'y ang mga pangunahing bida
sa dinami-dami ng pangalan bakit Anastasia't siya'y bruhang stepsister  ni Cinderella
ganun din si Christian at hindi siya behaved o mala anghel bakit hindi na lang "Damon" kaya
ito'y aking personal na opinyon bilang isang Pinay na manunulat tungkol sa pelikula

sa umpisa'y ininterbyu ni Anas(tasia) si Chris(tian) na isang simpatiko't mayaman na negosyante
tatawa-tawa si Anas habang kinakagat ang kanyang labi't akala ko siya'y intelihente
sa suot niyang blusang galing kay Eloy's at malupit na bangs ay nahulaan kong siyaý birhen
hindi sila magkakilala ngunit mabuting nailarawan na si Anas ay naive at inosente sa men

 "are you gay?" sa akin ay palasak na gimik at ibig niyang makatikim ng tsansing
hihihi! "of course not!" ang sagot ni Chris at hindi siya kasi nakikitaan ng babae sa kanyang piling
ang karakter ni Chris ay gaya ng malamig na bakal ngunit mabilis mag-alab at bumubuga ng apoy
ang kanyang pagkalalakiý ginising ng mannerisms ni Anas na nakipaglaro rin sa kanya ng apoy

ang suma tutal si Chris ay hindi marunong umibig at hindi nagpapa "under" sa babae
siyaý isang sex slave noong kanyang kabataan ng isang may edad na babae
ang kanyang naging karanasan sa latigo't blindfolds at paining ay hinahanap na niya
iyon ang gusto niya rin sanang ipalasap kay Anas at inalok niya ito ng isang kontrata

nagpapahabol sa umpisa si Anas at hard to get girl muna ang kanyang drama
habang sinusuyo siya ni Chris ay ipinamalas ang kapangyarihan ng pera
ang sirang laptop ang pagsakay nila sa "tutubi" at ang regalong kotse
money can buy everything! siyaý may six pack abs ngunit mataas ang ere

bumigay din sa wakas si Anas sa "romansa espesyal" ni Chris at sino ba'ng hindi?
sinuko niya kay Chris ang kanyang pagkabirhen at huling-huli na nito ang kanyang kiliti
buong akala niyaý mapapagbago niya si Chris at silaý magiging more than lovers
si Chris ngayon ang pa hard to get at siya raw ay hindi magiging serious lover

ang sabi ni Chris Ï'm fifty shades of  f*cked up!" at iyan din ang aking opinyon
"kinain" ni Dakota(Anas) bilang isang aktor si Jamie(Chris) hmm at hindi sapat ang akting at emosyon
siyaý sala sa init at sala sa lamig at ang kanyang pagganap ay hindi epektibo para sa akin
may mga butas sa storya't pinagtatakpan ng kanilang maiinit na mga eksena sa kama't itoý pandiin!

nagtatanong lang po bakit hindi na lang kaya ginawang  just a regular guy itong si Chris
mas iibigin ko pang siyaý isang pintor musikero o nagpapaamo ng leon o elepante sa circus
hindi ko nakitaan ng importansya ang kanyang pagiging bilyonaryo sa kanyang pagiging sadista
si Anas ay iibig pa rin sa kanya't mahuhumaling sa anumang paraan at siya nga kasi ang nakauna

I therefore conclude mas nakakabaliw talaga ang lalaking may pagkasuplado't misteryoso ang dating
ang ikalawa'y kung sino talaga ang mahinhin (kuno) ay siya naman ''all-out' sa pag-ibig at Oh! dear huwag kang assuming
ang pangatlo'y si Anas ay gustong makabingwit ng lalaking may tatlong "M"- mayaman, manyak at malabong kausap
ang pelikulaý 50/50 at hindi nakakaengganyong panooring muli't nababagay lamang sa "the firsts" at hindi balanse ang timpla ng tamis-anghang gaya ng ketchup!








Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat