TALIM 2: MGA PIRA-PIRASONG PANGARAP



ANG IKAPITO: SA PULA SA PUTI


ano ba’t tila akoý kinakabahan ito kasi ang aking unang pagdalo
ang unang imbitasyon sa akin ni Constancia itoý sadyang totoo
lumalakad na nga ako sa kanilang hardin at napapalamutian ito
o kay daming puting ilaw pulang bulaklak at banderitas ako ngaý nandito


sinuot ko ang aking pinakamagandang bestida magustuhan kaya niya
hindi na ako bumalik muli sa kubo ni Luisito hindi ko na nabanggit sa kanya
akoý nangugulila rin kay Luisito ngunit ang sabi ng puso koý hayaan ko muna
sanaý makapag-isip isip siyang mabuti’t hindi naman ako nawawalan ng pag-asa


bahagya akong nanliliit sa aking sarili’t dapat nga ba akong dumalo
kapansin-pansin ang pagdating ng mga puting sasakyan ng mga pulitiko
ang aking kaibigang si Antoniaý hindi makapaniwala’t itoý isang biro
gayun pa man ang bilin niyaý lumugar ako sa dapat at magpakatotoo


tama siya! ang ibig ko talagaý makisalamuha naman sa ibang tao
ito’y isang gabi lamang ng pagdiriwang ibig ko rin makita ang kanilang mundo
akoý mahirap na nilalang kumpara sa kanila ngunit may mga pangarap din ako
ang aking magiging karanasan sa gabing itoý habambuhay na tatanawin ko


napakalaki talaga ng tahanan nina Constancia’t Anselmo animoý palasyo
ilang daan bang katao ang kasya’t kanilang mga bisita sa gabing ito
ang mga tagasilbiý abala’t nagbibigay sa mga panauhin ng inumin
kilala ko ang mga tagasilbi ngunit hindi kahit man lang isa sa mga magarbong panauhin

pinagmasdan ko ang mga nagsasayaw ng tango at akoý naaliw
napakaganda ng ayos nila’t ang kanilang pulang kasuotan ay nakakagiliw
naglakad-lakad ako’t nakaramdan ako ng matinding pagka-uhaw
hahanapin ko ang kusina’t doon na ako tutungo’t hindi na makiki-agaw


nadaanan ko si Anselmo’t siyaý napapaligiran ng mga Amerikano
silaý nagtatawanan mabuti talaga siyang kaibigan ng mga puti’t pulitiko
papalapit sa kanila si  Contancia’t napakaganda ng kanyang ayos at pulang kasuotan
ngunit hindi niya suot ang aking tinahing bestida’t marahil ay nag-iba ang kanyang isipan


tumalikod na nga ako’t bakit ba tila may kumurot sa aking puso
ako baý nasaktan at baka hindi nagustuhan ni Constancia ang aking dibuho
ako baý nakaramdam ng inggit sa kanya o marahil ay hindi ako talaga nababagay dito
akoý nag-iisa’t umaasam na makita ko rito man lang ang aking si Luisito


dumaan ako sa likod at iyon ang nabanggit sa aking daan dati ng mayordomang si Miling
nakalagpas na ako ng garahe’t nangangamoy usok ng sigarilyo’t akoý napabahing
may taong nagsisigarilyo sa sulok ng kadiliman at napahinto ako
nakita ko ang kanyang kamay sa liwanag at pilit akong inaabot nito  


ano’ng ginagawa mo rito Salome? bakit ka nasa labas at mag-isa ka rito?
gumamit ka rin ba ng kolorete sa mukha’t ano ang gamit mong pabango?
may kasama ka ba’t ako ba ang hinahanap mo sa liwanag sa itaas
nandito lamang ako Salome sa kadiliman ng  ibaba’t naghahanap ng butas

halika sa aking tabi’t ang iyong nais sa akin ay handa kong ibigay
sinandal ni Luisito si Salome sa harapan ng puting kotse at ginala ang kanyang kamay
tinulak niya si Salome’t inangkin agad at si Luisitoý hindi na makapaghintay
hiyaw pa Salome’t hiyaw! si Lusitoý uhaw na uhaw ramdam ng kanyang katawan at himaymay


sa umpisa lamang masakit ngunit si Salomeý nagpaparaya gaya ng dati
wala siyang angal kung si Luisitoý nangangagat at siyaý napapatili
sinusundan ng dila ng mapangahas na si Luisito ang  tusok ng kanyang mga daliri
si Salomeý nasisiyahan habang si Luisitoý humihingal gaya ng dati


ipagpaumanhim mo Lusiito ngunit hindi ko na nasabi sa iyo ito
naanyayahan ako ni Constancia ngayong gabi at akoý dumalo
akoý talagang umaasam na tayoý magkikita ngayong gabi Lusiito
hindi ka ba natutuwa’t tayoý magkapiling ngayong muli mahal ko?


utang na loob Salome wala kang dapat sa akin ipagpaumanhin
gaya ng sabi ko ikaw ay malayang babae’t ikaw ang nakakabatid ng iyong saloobin
humayo ka na’t ang lahat sa loob ay dapat iyong abutan at masaksihan
kung makita mo man ako doon ay maaari mo lang akong tanguan


pagpasok ko sa napakalaking kusina’t kasing laki yata ng aking tahanan
nakita ko na si Miling nakangiti’t habang papalapit sa aking kinatatayuan
suot niya ang puting bestidang aking tinahi para lamang kay Constancia
bigla akong nahilo’t pakiramdam koý tila ako ngayon din ay masusuka

napaluhod  ako’t nadinig kong tinawag si Anselmo para tumugtog ng piano
nasa aking tabi na si Miling akoý kanyang hinawakan at humihingi ng saklolo
nangangatal ang aking buong katawan at salu-salo ko ang aking tiyan
patawarin mo ako Diyos ko
kusang lumabas ang aking kasalanan at ang aking puting bestidaý namula sa dugo’t mundo koý naglaho

abangang muli sa susunod na Biyernes! #FollowTalim

ANG IKAANIM: MATERIALES FUERTES


“Hola buenos dias Salome! como estas?” 
ipagpaumanhin mo’t ako’y nahuli ng pagdating
haha! huli man daw at magaling naihahabol din
quiero vestido nuevo isusuot ko sa fiestang darating


ako’y mabuti’t salamat sa iyong pagbati sa akin
Constancia wala kang dapat alalahanin din
ako’y isang modista’t ikaw ay aming cliente’t panauhin
ako’y handang maglingkod sa iyo’t wala kang dapat ipagpaumanhin

mabuti ka nga ba Salome bakit tila ikaw ay maputla
nahuhulog din yata ang iyong katawan nagkakakain ka ba
ikaw ay talagang pobre’t sa katawan ay tila pabaya
por favor huwag kang magkasakit tapusin mo ang aking bestida

batid kong si Constancia’y isang primera clase na babae sa lipunan
ang kanyang hitsura’t tindig siya’y isang babaeng napakayaman
kilalang-kilala ang kanyang pamilya’t kabiyak na si Anselmo
siya’y larawan ng isang babaeng sunod lahat ang capricho

dalawang beses isang buwan si Constancia’y nagbabalik sa akin
kabisado ko na ang kanyang sukat at ang lahat ng kanyang ibigin
ang aking butihing ina’y ang modista ng kanyang kagalang-galang na ina rin
ang mabuting pagkakawanggawa ng kanyang ina’y marapat na alalahanin

subalit ako’t si Constancia’y kailanman ay hindi magkaibigan
ako’y isang hamak na babae’t pobre sa kanyang harapan
ang tingin niya sa akin ay alipin gaya ng iba sa kanya’y naninilbihan
isang bayad na servicio kaya marapat lamang na siya’y aking paglingkuran

ang kanilang yaman at buhay ay matagal ng usap-usapan
ang aksidente ni Anselmo’t ang kanyang malubhang kalagayan
mas kinaaawaan nila si Anselmo’t si Constancia’y tinutuligsa
sa kanyang paninigarilyo’t pag-inom ng alak at labis na paggasta

tama! si Constancia’y labis na kinaiinggitan sa aming bayan
siya’y larawan ng isang makapangyarihang babae sa lipunan
lahat ay kanyang nabibili’t sa salapi’y wala siyang suliranin
hindi niya kailangang magpawis ang lahat ay kaya niyang abutin

isa lang ang aking ipinagtataka’t ako’y pinag-iisip hanggang ngayon
nasaan ang aking mga tinahing bestida sa kanya noon at ngayon
kailanman ay hindi ko siya nakitang suot ito sa kahit anumang ocasion
marahil din kasi'y hindi ko siya kauri’t wala naman akong invitacion

Salome puedo invitarte e mi fiesta sa darating na Linggo
ito na ang iyong pagkakataong sa aking fiesta’y makadalo
marahil ay hindi ka mag-iisa sa pagdalo estoy en lo cierto?
makakaasa ba ako sa iyo o sa inyong maligayang pagdalo?

ako’y nahihiwagaan Salome sa iyong mga malikhaing kamay
sa isang malamig na maquina'y nakakapagdulot ka nga ba ng init at kusang nagbibigay
ang tinutukoy ko’y isang materiales fuertes pues no estoy convencido
dito ka nababagay sa iyong dakilang puesto Salome’t Hasta Luego 


ANG IKALIMA: MAY BIRHEN BA SA LUPA


Miling Miling pronto! nasaan ka ba’t bilis!
nalaglag ang aking hikaw kumuha ka ng walis
iyong perlas na may mga flores na ginto
hanapin mo’t ako’y mahuhuli dali na’t dito

que barbaridad!kung kailan ako talagang nagmamadali
at saka ganito pa ang nangyayari ako’y hindi mapakali
ang hikaw na iyon ay aking minana pa sa aking ina
ang aking ina’y kailan lamang ay nalagutan ng hininga


mi Papa ay isang Kastila’t mayamang haciendero
ang aking abuela’y isang Pilipina’t  sila’y mga pamoso
ang aking ina’y isang tunay na Pilipina’t isang modelo
kami’y nabibilang sa alta sociedad gaya rin ni Anselmo

ako rin ang nag-iisang tagapagmana ng lahat isa akong Ortiz
ang lahat ng aking negocios ay ipinagkatiwala ko na ng labis
sa aking esposo na si Anselmo’t siya’y experto sa negocio   
nakalakihan ko na siya’t akala ko’y siya lang ang hombre en el mundo

nakatapos din ako ng kolehiyo’t nakatapos din ng komersyo
mahigpit man ang maestra’y lagi lamang akong nakadikit kay Anselmo
ang pangarap ko sana’y maging dosenadora’t manirahan sa Paris
ngunit hindi pumayag ang aking ina’t siya’y lagi-laging tumatangis

somos buenos amigos si Anselmo’t ako’y matalik na magkaibigan 
ako sa kanya’y humahanga’t siya’y inteligente’t mapagkakatiwalaan
noon at ngayon ako’y kanyang inaalagaan at pinoprotektahan
ang aking mga amigas ay naiinggit sa aking naging mabuting kapalaran

pagkatapos ng aming kolehiyo’y namaalam na ang ama ni Anselmo
batid kong siya’y afectado at lagi siyang nagkukulong sa cuarto
mahal na mahal ni Anselmo ang kanyang ama’t ito’y kanyang idolo
que no me necesita iniwan ko muna siya’t ayokong maging istorbo

kung minsan iyan ang problema ko kay Anselmo’t siya’y grave’t seryoso
hindi katulad ni Luisito bagamat pobre’y me gusta mucho
una ko pa lamang siyang makita’y... may ngiting nakakaloko
dieciocho pa lamang ang kanyang edad noon at siya’y simpatico 

sina Anselmo’t Luisito’y parehong nakatira sa casa Grande noon
ako’y nangungulila’t si Anselmo’y nagkukulong pa rin sa cuarto
si Luisito ang aking madalas abutan sa gabi’t nasa kanilang balcon
kami’y nagpapausok ng cigarillos ang paborito namin kainin ay Morcon

nasundan pa ang aming pagkikita sa kanilang malawak na balcon
imposible ang aming halakhakan tungkol sa kanyang maestra noon
“ang aking guro’y kawangis ng punong nakapalda” ang wika niya
“hindi mo katulad Constancia ikaw ay may maliit na labi’t hugis puso’t pulang-pula”

lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok at pinaglaruan ang hibla
hinaplos niya ang aking pisngi’t ako’y napapikit ako’y isang loca
naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg “te gusta?
dumilat akong muli at napatitig sa kanyang mga maiitim na mata

“Constancia hindi ba’t ito ang iyong pangarap hindi ako estupido”
“ang hawakan at yakapin kita’t sisirin ng halik Yo soy no tonto!”
hinablot na niya ang aking katawan at ako’y hinalikan ng todo
may kagaspangan ang una’t ako’y napaluha’t hindi na siya simpatico

inupo niya ako sa kanyang kandungan niyakap ko siya O Luisito
hinubad niya ng dahan-dahan ang aking bestida’t sininsil ng amoy ito 
“ang kulay pula ang favorito kong kulay Constancia mi hermosa
“gaya ng iyong mapulang pisngi’t labi’t dila saan pa donde esta?”

ako’y nagpaubaya sa kanyang mga halik paano na si Anselmo
hindi ko ibig na siya’y huminto ngunit huwag! huwag! no Luisito 
hinawakan ko ang kanyang mga kamay kami’y kapwa humihingal ng totoo
“may birhen ba sa lupa” iyon ang kanyang nabanggit haha! siya’y loco!  


ANG IKAAPAT: ANG LANGAW SA PINYA

“hey, good morning Joe! how are you man?”I’m fine.”
maaga na naman sila’t mabuti’t nandito na ang aking mekaniko
teka’t nasaan kaya ang aking tagapaglinis at nagkalat dito
kung sabagay pare-pareho din naman ang nilalaman ng diyaryo

si Magsaysay at ang kanyang mga bagong plano sa aming gobyerno
anu-ano nga ba’t ang sabi-sabi’y siya’y tuta ng mga Amerikano
tatandaan: kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa!
Ingles sila ng Ingles ibig makaangat sa iba't katulad ng langaw sa pinya  

o  bakit kaya nakapinid pa ang pinto ng aming opisina
nasaan na ang damuhong si Luisito at huli na naman siya
ngayon ay Lunes at sinabi ko ng dapat siya’y pumasok ng maaga
saan na naman kayang lupalop ako’y kunsumido na kay Luisito talaga

binigyan ko siya ng kuwarto’t pansamantalang kanyang matutuluyan
ilang dipa lamang ang layo dito sa aming gawa't pinapasukan
mababantayan din niya sa gabi ang opisina’t ang buong bakuran
hindi lamang ako umaasa sa kahol ng mga aso’t guwardiyang batugan

kakaiba talagang tao itong si Luisito't kay bata pa’y napakatigas ng ulo
kung hindi lamang talaga kabilin-bilinan ng aking ama na siya’y kupkupin ko
ang kanyang nasirang ama’y katiwala ng aking ama sa aming lupain
pinag-aral siya ng aking ama’t itinuring na hindi na rin iba sa amin

ngunit nakikita ko’y nagiging mailap siyang makitungo sa akin
magmula ng mamatay ang aking ama’y siya’y lumalayo sa akin
minsan naisip ko bang marahil ay ibig na niyang umalis sa amin
ibig na niya sigurong magsarili’t hanapin ang kanyang mithiin

akala ko pa naman ay maituturing ko na siyang nakakabatang kapatid
ngunit kailanman ay hindi siya naging magiliw sa akin bilang kapatid
ang tingin ko’y napipilitan siyang makisama’t makipagtulungan sa akin
magiliw siyang makitungo sa iba ngunit napakaseryoso niya sa akin

ako'y si Anselmo Benitez ang nag-iisang tagapagmana ng aking ama
ang aming tahanan ang aming mga negosyo’t lupain at marami pang iba
si Luisito’y nabigyan din ng aking ama ng sapat na salapi para sa kanya
ang kabilin-bilinan ng aking ama’y gamitin lamang sa mga pangarap niya

ako’t si Luisito’y kapwa pinagtapos ng aming ama ng kursong Komersyo
si Luisito’y isang matalinong mag-aaral ngunit may kahambugan ito
laging nanggagalaiti sa kanyang mga guro’t walang kwenta raw ang mga tinuturo
lapitin din siya ng mga magagandang babae’t nabansagan din na isang palikero

o ang mga babae din sana’y aking ibig at ang kanilang pabango'y nakakabaliw
nagpatali na ako sa aking si Constancia’t sa kanya’y ako’y lubusang naaliw
napakaganda niya gaya ng kanyang larawan nung bata pa siya't ako'y kanyang alipin
siya’y galing sa isang buena de familia’t hindi ako nakapaghintay na siya'y angkinin

ibig kong magkaanak kay Constancia sana ng tatlong babae’t tatlong lalaki
kami’y kapwa dalawampu’t limang taong gulang mga bata pa't mainit pati
iyon ay limang taon na ang nakakaraan pulot-gata ang aming araw at gabi
hanggang ako’y maaksidente sa aking sasakyan at inatake ng hika pati

ako ngayon ay masasakitin madaling mahapo’t nagiging magagalitin
ito marahil ang kinahinatnan sa iba't-ibang uri ng aking gamot na iniinom din
hindi hindi aaminin ko na ako’y isang inutil at hindi ko na mapaligaya si Constancia
wala na akong pakiramdam sa aking ari’t hindi na ako makapagpaligaya

naisip ko na lang magpakamatay noon at wakasan ang aking buhay
ngunit iniibig ko si Constancia’t batid kong siya’y hindi rin hihiwalay
ibibigay ko sa kanya lahat ng kanyang maibigan sa loob ng aking makakaya
huwag lamang niya ako iiwan kung hindi ako’y mamamatay o papatay nang dahil sa kanya


ANG IKATATLO: ISULAT MO SA BATIS

lumapit ako nang mabilis kay Luisito’t niyakap ko siya nang mahigpit
ngunit siya’y kumawala’t “magpapahinga na ako” ang kanyang binanggit
Luisito ako’y nagdadalang tao hindi ka ba nagagalak sa aking balita
nakatingin lamang siya’t humakbang palayo't siya’y mukhang tulala

hindi hindi maaari ito hindi niya ito maaaring ipasawalang bahala
siya’y magiging ama ng aking dinadala ito’y isang mabuting balita
dala marahil lamang ng bangis ng alak kaya siya’y mukhang lulugo-lugo
bukas na bukas din ay aking uulitin ang aking nasambit at siya’y nasa wisyo

Salome, ikaw ba iyan Salome at ang manok ay muling tumilaok
napabalikwas ako sa aking papag akala ko’y may tao sa pintuan at kumatok
umaga na pala’t kailangan na naman magbanat ng buto’t pumasok
panibagong araw ngunit ito’y isang trahedya sa aking muling pagpasok

aba’t nakahanda na ang aking almusal na sinangag itlog at tuyo
umalis na rin pala si Salome ngunit ipinagluto muna niya ako
mayroon din gatas ng kalabaw na nakahain sa aking hapagkainan
mahimbing ang aking tulog at siya’y nakaalis nang hindi ko namalayan
naalala ko na si Salome’y may binanggit at ipinagtapat sa akin kagabi
siya’y nagdadalang tao’t ako’y kanyang iniibig o bakit nga ba hindi
nagbunga na ang aming kapusukan kadalasan siya'y humahagikgik
siya’y nagpapaubaya’t aking kapiling sa magdamagang pagtatalik

ngunit kailanman ay hindi ako magiging ama’t ito’y hindi ko nais
hindi ko nais na maging isang magulang isulat mo iyan sa batis
ibig ko’y umangat sa aking buhay hindi ko ibig matali kung kanino man
hindi pa ako hinog na bunga’t sa ibang bagay handa akong makipagsapalaran

patawad Salome ngunit hindi kita iniibig ano nga ba ang pag-ibig
batid mo nga ba ang tinitibok ng iyong puso o ito’y tulak ng bibig
ang batid ko’y hindi pag-ibig ang tawag sa pamatid uhaw sa aking laman
ang pag-ibig ay kuwentong kutsero’t isang malaking kalokohan

ang mga tao’y mapanuri sa kapwa’t walang bait sa kanilang mga sarili
sila’y mga punong wala namang lilim at mapanghusga dali-dali
silang mga nakakaranas daw ng totoong pag-ibig sila’y mga ipokrito
ang iba sa kanila’y kilala ko’t hindi naman pag-ibig ang kanilang motibo

pag-ibig nga ba ang dahilan at ang isang babaeng may pananagutan na'y nakikipagtalik sa iba
ang aking among si Anselmo’y lintik ang pagsamba sa kanyang kabiyak na si Constancia
si Constancia’t ako’y magkalaguyo sa umpisa pa lamang ng aming pagkikita sa kanilang tahanan
katulad niya’y gabi’t siya’y isang makating babae’t ako’y lagi niyang sinusuhulan

bagong mga damit at sapatos at mga bagay na hindi ko kayang bilhin
si Constancia’y tuso’t sutil ngunit ibig laging nakapulupot sa akin
siya’y hindi katulad ni Salomeng tahimik mahinahon at mahiyain
siya’y hindi katulad ni Salomeng lumuluha sa aking mga salitang madiin

si Costancia’t ako’y lihim na mga kaaway ng magaling na si Anselmo
napapaikot niya ang kanyang asawa’t may kakulangan sa kanya ito
si Anselmo’y masasakitin at ang kanyang salapi’y mas mahalaga sa lahat
isa kang hangal at talunan Anselmo’t ang totoo’y sa pag-ibig ikaw din ay salat!


ANG IKALAWA: SI SALOME

malalim na ang gabi bakit kaya wala pa ang aking si Luisito?
sabagay hindi ito ang unang sandali’t pinaghihintay niya ako rito
hindi ba’t madalas itong mangyari’t noon ngayon at bukas ay oo
lagi ko siyang inaabangan at mamaya’y yayakapin na niya ako

una kaming nagkita sa parada ng mga Amerikano ako’y nabigla
ang kasama ko palagi’y ang aking matalik na kaibigang si Antonia
lumapit sa akin si Luisito at may rosas na pulang dala-dala
ang sabi niya sa akin “ito’y para sa iyo binibining kahali-halina”

lihim pa rin ako napapangiti sa mga sumunod pang mga eksena
si Luisito’y makisig na lalaki’t ako rin sa kanya’y lubos na humahanga
sumunod siya sa amin ni Antonia hanggang matapos ang parada
mukha siyang maginoo kaya ako’y nagpaunlak sa kanyang paanyaya

dalawang taon na ang nakakaraan magmula ng gabi ng Linggo
sumama ako sa kanya’t parang nagayuma sa kanyang kubo
hinaplos niya ang aking buhok pinaglaruan ang mga hibla nito
habang ang kanyang malaking kamay ay nakasalo sa likuran ko

“kailangan kita” iyon lang ang kanyang nabanggit ako’y nawala
pinikit ko ang aking mga mata’t ako’y nagpaubaya sa kanya
isa akong mapalad na babae’t kapiling ang katulad ni Luisito
labis ang aking ligaya sa kanyang mga bisig at ako’y sumuko

magmula nga noon at makailang-ulit siya’y lagi kong hinahanap
masaya ako kapag kapiling siya’t ang ligaya’y aking nalalasap
ngunit habang tumatagal siya’y parang nagiging maramdamin
nagtataas na siya ng boses sa akin kung siya’y may suliranin

sayang at hindi man lang ako nakatapos ng aking kurso
namatay ang aking Itay at ipinagbili ni Inay ang bukid nito
ibig ko sanang maging guro katulad ng aking nasirang lolo
subalit kami’y ninakawan sa kubo’t si Inay ay inatake sa puso

ang aking hilig na panananahi ang siya kong pinakinabangan
inalok akong maging mananahi ng ina ni Antonia’t ako’y naginhawaan
tuwing Linggo ako’y nagtuturo ng mga bata sa likod ng simbahan
ang pakikisalamuha sa mga mahihirap na katulad ko’y kasiyahan

nasanay na rin ako sa aking pag-iisa sa aking mundong maliit
ang pagbabasa sa gabi’y aking tanging luho’t bihira akong magkasakit
ang pag-ibig ang ibig kong madama’t may ligayang dulot man o pait
ang tibok ng puso’y mabilis kung ang kanyang pangalan ay nasambit

o pag-ibig na nga marahil ang aking nararamdaman kay Luisito
ibig ko siya’y laging kapiling umaga’t maghapon kabaliwan kaya ito
ang sabi ni Antonia’y mapalad rin ako kung ako’y iniibig din ni Luisito
ayokong magkunwari't ayokong maglihim ito na ang pagkakataon ko

mayroon akong sasabihin kay Luisito at inaasahan kong siya’y matutuwa 
siya’y narito na’t malapit sa pinto nadidinig ko ang yabag ng kanyang mga paa
siya’y pasuray-suray lumakad ngunit siya’y masaya’t umaawit pa
siya’y napatitig sa akin “Luisito ako’y nagdadalang tao’t iniibig kita.”


My 13 yr. old daughter Aaliyah drew this picture of Talim. She is inspired by his story and its mystery. Maraming salamat, anak!
Kung tawagin ko ito'y "KUWENTO SERIES". ITO'Y KARUGTONG NG AKING BISIKLETA STORIES: TALIM
"ANG BUHAY AY PARANG GULONG,KUNG MINSAN AY NASA ILALIM,KUNG MINSAN AY NASA IBABAW."
PAUNAWA:Ang aking kuwento'y pawang kathang isip lamang. Kung ito'y may pagkakahawig man sa inyong pangalan, lugar at mga pangyayari sa inyong totoong buhay, ito po'y hindi ko sinasadya at ito po'y nagkataon lamang. Maligayang pagbabasa sa inyong lahat. Maraming salamat po. Rated: PG-13

ANG UNA: SINO ANG MANHID 

bwisit! talaga ang aking amo't nakapagpigil lamang ako
ako lagi ang napagdidiskitahan kapag mainit ang ulo
laging may hinahanap kapag hindi makita'y sinisigawan ako
isang beses na lamang at para na akong bulkan na sasabog nito

bwisit!bwisit! ibig ko ng umalis at magpalit ng trabaho
nakakasawa na ang palagiang ganito't ako'y napeperwisyo
ayoko ng pumasok bukas at mangibang bayan na lang kaya ako
hindi na ako makapag-isip ng maayos at naaabala ang aking plano

plano?plano? ano nga ba ang aking plano?mayroon nga ba?
wala rin akong pirmihang lugar at ako'y madaling magsawa
sa aking mga kapitbahay na sanga-sanga ang kanilang dila
lumabas lang ako sa aking pinto'y silang lahat sa akin ay nakatanga

tama!tama! ang mga tao'y tanga at inaakalang sila'y laging tama
katulad ng amo kong mukhang salapi't ito ang kanyang sinasamba
ang aking mga kapitbahay ang mga mata'y nakatingin at nagungutya
may araw din sila sa akin darating ang araw na sila'y hihingi ng awa

babae! kailangan ko ng babae ngayong gabi at hindi na ako mapakali
ayoko sa kanilang lahat ngunit kailangan ko ng sa akin ay magsisilbi
kailangan ko ng pirmihang makakasama at ako'y laging nangangati
ayoko ng bumalik sa manggagamot at kung anu-ano ang kanyang sinasabi

kailangan ko raw magpagamot ng ilang buwan at ako'y may suliranin
ako'y laging naghahanap at mahina sa tawag ng laman huwag itong biruin
lintik siya't ako'y isang ganap na lalaki't may pangangailangan din
ako'y laging tuliro sa trabaho't sa matinding pagod iyon ang aking inamin

sinigawan ko na siya ng matindi't ayaw ng manggagamot makinig sa akin
kakaiba raw ang aking nararamdam ito'y dapat pagtuunan ng pansin
kalokohan! ako ang may katawan wala siyang alam akala mo siya'y henyo
katulad ng amo kong alam niya raw ang lahat sa katunayan sila'y bobo

makaalis na nga't masakit sila sa ulo't huwag ko ng pagka-isipin
paulit-ulit ang mga pangyayari't kailangan ako na ang susundin
may pangarap din ako sa aking buhay na ibig kong matupad
kung ako lang naman ay didikit sa dimonyo'y malayo akong lumipad

wala na pala akong sigarilyo ubos na't bwisit talaga't makatayo na
pati ba naman iyon ay pinagbabawalan ng amo kong walanghiya
kasalanan ko bang siya'y mahinang lalaki't mayroon hika
haha!inutil din siya't hindi niya kilala ang kanyang asawa

teka may sasakyan ba akong dala hindi ba't mayroon at kulay pula
bakit ba hindi ko matandaan naka ilang baso ba ako ng serbesa
aalis na nga ako't paalam na sa pook na tangi kong kasangga
ako'y si Luisito't maghahamong muli at babalik-babalikan kita!





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat