SCARED OF ITS TRICK AND SICK OF THEIR TREAT

Happy Halloween!
"I don't care if it hurts, I wanna have a control." 

Taglagas

ito ang panahong malamig masarap matulog at minsa'y paulan-ulan
ang mga iba't-ibang kulay ng dahon sa puno'y nalalagas at nagbabagsakan
malas sa taong ito't ang mabuting kabute sa gubat ay hindi naglilitawan
mainam pa ang mga dating maiilap na usa'y marunong ng makipagsosyalan

kailan nga ba ang tao'y naninilaw sa iyong kaalamanan
ang sabi siya'y may hepa't madilaw ang mata't sa ginto'y nababalutan
siya'y parang litson naman sa pula't aruy at nasunburn pala
nagkulay orange at naluto sa tanning bed ang kita lang ay mata

"Indian summer'' daw ang tawag at si En-En at ako'y iiling-iling
alin ba ang totoo't tumango ka nga't ang ulo'y huwag pabiling-biling
nakakasilaw ba ang kanilang mga kulay at bawal silang pindut-pindutin
ang manggagahasa'y maglalayo sa inosenteng bata't dapat silang bitayin

ang mga dahon ay bumabagsak at animo'y nakikisayaw sa hangin
"shake it to the left shake it to the right, point to the east" at kami'y taga Southern
masama raw kung nalalagas ang ngipin sa panaginip at ang kasabiha'y sino?
mayroon daw madededo't  naku dagdagan mo lang ng mumog o sipilyo

binalatan ang matinik na si Ka pinya't siya'y nagbabad sa loob ng lata
bagoong ka't uubra lamang kay hilaw at hindi sa hinog na mangga
talo ni dalanghita si Sunkist orange at si peras ay nagmumura pa
paano na si Aling tsesa't masarap lang tingnan ngunit ang lasa'y mapakla

tagaktak ang pawis sa oras ng suliranin at patingin-tingin sa oras
pinaglalaruan ang lapis at kakagat-kagatin ang pambura sa itaas
at times like this naubos ng lahat ang Mentos at ikaw din ay susuko
aminin mong ikaw ay kalabasa't numero "0" at wala rin sa kartada't hindi bi-Bingo!

bakit ka nga ba maaaring ihantulad sa isang kalabasa?
siya'y gumagapang papalapit sa ginatang alimasag at kasahog ka
katulad din ito ng pangangamote niya't kaya nangongopya
hirap sa anumang paraan o "bopol sa row 4" ang mga halimbawa 

"pumpkin" ang tawag ni lalaki sa kanyang kasintahan na sweet at mahinhin
hindi ba't ang pumpkin ay pang dekorasyon sa pagdiriwang ng Halloween
si Jason Voorhees ay may kutsilyo't si "pumpkin" ay handa ng ukitin
paramihan sila ng biktima ni Michael Myers at bilis takbo na ang matatakutin

sa gabi ng pagdiriwang ang lahat ay nakamaskara't kostum na nakakatakot
kung sino ang "mas pangit" at ang "kadiring tingnan" O sila'y madaming fans na hakot
ang "pangit" ay ang bagong katawa-tawa ngayon sa telebisyon at ito'y pang-aabuso
kailan pa naging katawa-tawa ang may kapansanan O may toyo sa ulo ang pasimuno

sa gabi ng lagim kami'y uupo ni Chucky doll sa aking sofa at panonoorin si Freddie
matagal na akong takot at hindi na kailangang magwave at magpapamigay ako ng kendi
magtitirik din ako ng kandila para sa dark comedy at ito'y lost in translation at hindi mabili
are you afraid of the dark? ano ang nasa dako pa roon? sa paborito kong atay ay manggagalaiti!

muahhhhhhhhhhhhhhhhhhhahahahahhha!

ANG PABORITO KONG ATAY SOUP, "LEBERKNÖDELSUPPE".




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat