WHEN ASIA MEETS WEST

may libro may libro sa ilalim ng bato!

may taho may taho sa ilalim ng bato!

bitbit ko nga ang aking libro sa Berlin
simula't sapul parang alam ko na may ganun feelin'
makakarating kayo't ang aking #EBIGAN and I feel goooood!
kahit mainit ang panahon here I am & I am in the moood!

Brandenburger Tor ay isa sa pinakapamosong "nunal" sa mukha ng Alemanya
ito'y pinsan ni Berlin Wall sila'y kapwa nagdurusa nung kapanahunan ng giyera
ngayo'y sila'y kapwa simbolo rin ng pagkakaisa at peacefulness runs in the family
ang disenyo'y katulad ng Acropolis ng on & off  niyang bff  si Greece Keri!

parang mga langgam na umaaligid sa bukayo't latik ang mga turista
kanya-kanyang puwesto umaatikabong selfies pinagmamasdan ko sila
ilang beses na akong naarkila parang komiks click!ang souvenier photo nila
nandun ang pamilya Di Magiba Hagibis Goin Bulilit at marami pang iba




















sa kainitan ng Meteor Garden ay kapansin-pansin ang kanyang paglalakad
paroo't parito si San Chai parang ROTC nakasalamin ngunit hindi bibilad
siya'y namumukod tangi't nakapayong at wari ko'y hindi na makapaghintay
lumapit si Hua Ze Lei at bumulong "gusto mo ba ng tofu o beef mami Chai?"





napaupo nga ako sa bangko aba!ang likuran ko pala'y ang US Embassy
tanghali na't nakakagutom sa Meteor Garden sana'y kapiling ko si Dao Ming Si
papalapit naman sa akin si Vietnamese girl at kumukuha ng kanyang selfie
kami'y nakapag-usap siya pala'y estudyante't nag-aaral ng kanyang Masters degree




Her name is Linh. She likes the cover of my book.

siya'y beinte-uno anyos na dalaga't tubong Hannoi at isa rin bungisngis
nakapagtapos ng Physics at Chemistry sa France at ngayo'y nakatira sa Paris 
sa dalagang ito'y ako'y talagang bumilib ang utak niya'y walang kaparis
we said goodbye at ang sabi niya'y "let us keep in touch Maria please"








































naniniwala ka ba Serendipity sa iyong tadhana?heto nga't Roy bigla kitang naalala
ang iyong bukang bibig nung nakaraang Mayo sa ating reunion ay aking nakita
hayan at naging makulay katulad ng "The Gouramis Uprisinginyo bang nabasa?
si Daniel Belanis ang may-akda nito't sa aking libro na #EBIGAN siya'y nagpakilala



With Kuya Boy and Ate Rosalinda


ako rin ay napadpad sa PINOY Restaurant na ang may-ari ay isang mayuming Pinay
sina Ate Rosalinda at Kuya Boy ay inasikaso akong mabuti't tunay na tunay
ako'y nagpista sa Pusit Kangkong at Dinuguan ako'y nabusog at napadighay
alamin ang buong storya ng PINOY sa PILYA BLOG  ko ito isasalaysay



ang aming pagtitipong tatlo nina Fr. Jun de Ocampo at Alan Valdez ay naging matagumpay
malugod din akong nakapagsimba sa Bayernallee at doon ako'y nakasilay
mayroon singing priest isang masayang bayanihan ng aking mga kababayan
umaasa po ako na sila at kayo'y makakadalo sa aking munting PALATUNTUNAN   





Alan Valdez is the Editor of The Migrant.
Thank you very much Fr. Jun de Ocampo, SVD Parish Chaplain.


tapos na po!


maraming maraming salamat po, Filipinos in Berlin!




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat