SIMON SAYS "HUMPTY, EAT THE OKRA!"

Many thanks to my fellow PILYA Blogger, Thelma Alberts.
Thanks a lot to my new found friends, Myls and Jomar Rubio.
Vielen dank Alan Valdez for your trust and coffeeration.

o ano ba yan at kay haba ng iyong ngusong matulis
ikaw ba'y kissing fish at sa loob ng aquarium ang salamin ay nililinis
aha!alam ko na sa iyong manliligaw ay humihingi ka ng iyong first kiss
bakit nga ba nakapikit pa ang mga mata habang ang mga labi'y nagkikiss

ang unang dahilan daw ay walang gustong makita ang kanilang mga sarili
dyahing mag-emote o mag-ingay at masyadong malapit ang eye balls pati
hassle din kung matuklasan mong may muta pa siya sa kainitan ng sandali 
sa kababaihan ay may pag-asang makamukha siya ni Josh Harnett hindi ni Citizen Z




Humpty Dumpty Sat On A Wall siya'y nahulog nagkalasug-lasog at hindi na nabuo
palibhasa'y mabigat may umawit sumayaw at isinapelikula ang Berlin Wall na pamoso
sa pelikulang Good Bye, Lenin! ako'y nalibang sa kanilang arte't pagiging komikero
ang pagiging deboto't nakatuon sa iisa lamang katulad ng komunismo ay nakakaloko!

ang pira-pirasong bato'y naging historical memorabilia't ang iba'y nasa eBay at binebenta
ang nakatayo pa't natira'y pinagpraktisan ng madaming artists iba't-iba ang kanilang tema
makikita doon ang patung-patong na mga makukulay na larawan o pangalan ng mga turista
"I was here Bolt" "Gay Pride 90's" "TGIF Coke" "MPRC lives here" at madami pang iba



sa loob nga ng bakuran ng aking mabait na kapitbahay
doo'y may mataas na puno't mga luntiang halaman ay kanyang iniaalay
sa mga humihingi't siya'y kusang loob na nagbibigay
ako'y nabigyan na rin ng pipino't mahaba't matubig na tunay

hindi ko pa kilalang lahat bagamat ang ilan ay aking nasilayan
ang kanilang mga iba't ibang kulay at gamit sa kanilang gulayan
ako'y handang tumulong at yumuyuko sa anumang anihan 
sa umpisa'y ako'y naggisa ng gulay at bagoong sa aking handaan

sanay akong magluto ng sinigang kahit saan at ang anak ko lang ang kumakain
lulutang-lutang ang baboy at kangkong sa sabaw na alam kong sadyang maasim 
sa aking handaan sa Berlin ang mga gulay ay medium cooked at malutong kagatin
ang kainaman nito'y malasa ang ibang sahog at iisang gulay lamang ang lalambutin

PINAKBET ANG SIGAW SA PAKIKIPAG-KAIBIGAN!


Thank you very much to my dear friend and owner Ate Rosalinda Nolasco-Jecht
Maraming salamat po Fr. Jun de Ocampo for your wonderful trust and cooperation. I appreciate it much.
Thank you Thelma Alberts for joining me in Berlin. My favourite red wine tastes better with you. Cheers!
Thank you Myls Rubio, Jomar Rubio and Alan Valdez for "THE HELP" promoting my #EBIGAN book. Thank you for providing more ideas.
Thank you Filipinos in Berlin and Bahay Kubo.
Thank you Puma for my sportswear, Desigual for my skirt and Steve Madden for my shoes. 
Glory to God! Ich liebe meine Familie-Jörg, Aaliyah und Sylvia. 

MARAMING,MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

"The Future is always exciting!"

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat