I AM A PROUD FILIPINO WRITER


03.08.15-09.08.15

ako'y hinamon ng isa kong masugid na mambabasa 
ang sabi niya'y kaya ko ba raw gumawa ng isang linggong tula
 hango sa National Day Calendar bumilib ka man o ewan
ito'y unofficial ngunit nakakatuwang libangan

Larry,Curly at Moe,sino ba naman ako para tumanggi
gusto ko ang challenges sa buhay ko't ako'y sumapi
tinanggap ko ang hamon ito'y para na rin sa aking selfie
ako'y nagprapraktis at nililibang ang aking mambabasa ayos ba suki?

nagsimula ako ng Lunes tatapusin ko hanggang Linggo
papakyawin ko na ngayon ang araw ng Biyernes hanggang Linggo
ako'y magiging abala kasi sa aking munting negosyo
ngunit ako'y mag-iiwan sa inyo ng mga tulang kagigiliwan nyo
Salamat sa Diyos!


Aug. 9 NATIONAL BOOK LOVER'S DAY!



bilang isang batang Pilipino't sabik bumasa't sumulat

nagsimula sa ABaKaDa at naging matatas at nagpapasikat
nagbasa nang nagbasa at ito'y naging isang mabuting libangan
naka-upo ka man sa bangko't o papag nakakarating sa paroroonan

kung nakagiliwan man basahin ang sinusulat ng mga magaling na dayuhan
ihambing ang wikang Filipino at ito'y may lambing at ang bawat salita'y may laman
hindi mapagkakaila na tayo'y mga Pilipino at kahit sa ibang bansa'y naninirahan
huwag sanang kakalimutan na tayo'y lahing kayumanggi't galing sa Perlas ng Silangan

taas noo't ikaw ay nakakapagtrabaho sa Amerika o Europa o Gitnang Silangan
taas noo't ikaw ay nakapag-asawa ng isang mabuting tao bagamat dayuhan
alalahanin na ikaw ay naluklok sa puwesto't nagustuhan ng iyong kasintahan
DAHIL SA IYO'T IKAW AY PINOY at iyan ang unang impresyon O mahal kong kababayan!

ang salitang Filipino ay kailanman HINDI BADUY AT HINDI DAPAT IKAHIYA kahit saan
sa aking palagay, ay mas nakakahiya ang katulad ng iba na sa isip at sa salita't gawa'y nagpipilit maging dayuhan
kailanman ay hindi maipagkakaila ang katotohanan at ang ating abang pinanggalingan
iyan ang magbibigay laya sa ating lahat at tayo'y mas tunay na kahahangaan

IPAGMALAKI MO, MGA KABABAYAN KO!








































#Fbigan #EBIGAN 


Aug.8 NATIONAL BOWLING DAY!


isa akong isdang ayungin na hindi makaahon sa sabaw ng paksiw
ako'y nanliliit sa mga bata't matatandang Goliath ako'y si David isang sisiw
ganyan ko ihalintulad ang aking sarili sa seryosong larong ito
bagamat maaga akong nag-umpisa'y hindi ako naging mahusay dito

Grade 6 ako noon at ako'y may kaibigang matalik ang pangalan ay Mia
sila ang nagmamay-ari ng bowlingan sa bayan at ako'y minsan niyang niyaya
oras nga ng aming recess kami'y naglalaro ng bowling at siya'y mahusay pala
kami'y pinapanood ng aming mga kaklase't kami'y nakalimot sa oras haha!

dumating si titser na may nunal sa ilong siya'y aking pinakapaborito
ang hilig niya'y ilapat ang kanyang hintuturong daliri sa itaas nito
hindi ko makalimutan ang kanyang paos na boses at mahinhin na pagtuturo
subalit siya'y nagalit at pinagsabihan kami "hindi na mauulit ito Cielito at Socorro"

OPO,HINDI NA PO!





Aug 7. NATIONAL LIGHTHOUSE DAY!



ang lighthouse ay nagbibigay liwanag at direksyon sa mga sasakyang pang-dagat
tinatanaw kong pilit kasi ito'y mahaba't mataas at pinangarap ko sanang maakyat
nang ako'y nasa itaas malakas ang hangin nakakalula't naisip ko ang kanyang sukat
subalit ako'y nagandahan sa aking natanaw ang lawak ng paligid at ang payapang dagat

palibhasa'y ako'y batang makulit sa hagdan kami'y patakbong nag-uunahan
ang aking mga kamag-aral sa isang katolikong eskuwelahan sa aming bayan
humantong kami sa isang lugar na matarik at mukhang ito na ang hangganan
ang lugar ay mabato't mahangin halika't sumilip tayo sa mga butas ng simbahan

naku!ang taas na pala natin haha!hayun!sina ano at kuwan hoy! nandito kami
sila nga'y lumingon paitaas nagtatakbong palayo naiinggit siguro't di mapakali
biglang tumunog ang kampana aruy! masakit sa tainga makatanggal tutuli
ang aking unang "lighthouse" ay nag-iingay makababa na't magagalit si Hesus pati




Aug 6. NATIONAL FRESH BREATH DAY!



YOU'RE JUST A SMILE AWAY!

BB my friend akala mo lang wala!pero meron ka!meron!
kaya pala para siyang kambing at ngumunguya ng juicy fruit noon
umiiwas din daw syang magkakain ng garlic at onion
halitosis ang hatol mouthwash o breath mints ang option

Colgate ka ng Colgate!nag-Colgate ka na ba?ah Maxam nagsipilyo pala
ang ating pambansang toothpaste sa bagahe ng OFW ay laging kasama
gaya ng aking bilin wag magbiro sa bagong gising pagsilpiyuhin mo muna
para kung siya'y magalit at least presko ang kanyang bibig kung singhalan ka

siya'y pumasok ngumiti sa akin ngunit tingin ko'y may pagka"slight"
nakaka-inlab ang kanta si RT ay artistahin ang mga ngipin ay shiny at bright
prrrt!tama na Close-Up ang ilusyon at ang dating crush ng bayan ay aking kabaro
mabuti pa iyong dating model ako'y fan ng aking MY ONLY LOVE, Hello Gabo!
(P.S. I Love You)

A SMILE THAT BLOWS KISSES TO MY HEART!




Aug 5. NATIONAL UNDERWEAR DAY!



....NAKITA KO ANG PANTY NYA GANUN KALAKI!
palibhasa'y kami'y bata pa't ito ang aming laro't makukulit pati
lahat ay bumubungisngis sa saplot ng kapitbahay naming "seksi"
lalapit kami Walker sa sampayan sabay turo "ayun o ang laki-laki hihi!"

Puritan ito'y mabibili sa bangketa sila'y maninipis at plain lamang
kapag araw ng Sabado sa palengke ng Pasig ito'y mura lamang
kung gusto mo naman ay isang dosena't may bulaklak na nakadibuho
nakakahon pa't S M L XL ang sukat hindi ba Soen ako'y dating suki mo

dekada '80s sina Madonna't iba pa'y kumakanta't sumasayaw gamit ay ito
ang thongs at tangas na isang guhit si Loveliness dati ang nagpauso
ito'y swak na swak sa satin mong dress ito'y payat sapat at di halata oo!
ang tsika'y walang saplot si Victoria sa kanyang kasal secret nga lang ba ito?

TRIUMPH!!!




Aug 4.HAPPY CHOCOLATE CHIPS  DAY!


ito'ng araw na ito'y para sa mga may sweet tooth
ang hilig ko kasi'y magpapak ng pulut-pukyutan ito'y smooth
karamihan ay may chocolate cravings it connects parang bluetooth
at times like this Mentos have a piece of Kit-Kat o di ba that's the truth?

she likes her men "dark rich & chocolate" sabi daw ni KK
kanya-kanya lang ng panlasa yan ang iba'y proud at sila'y may K
"these chocolate chip cookies are soft and dewy"sino'ng Joey?
"these chocolate chip cookies can make you moan" Ooohhhh yes!really?

I think i know who can bake the best chocolate chip cookies
kindly order from C's Whisk and Roll from Manila Philippines
si Carole Frigillano ang may-ari at siya'y mabuti kong #Fbigan
please visit her sweet fb page kahit hindi nyo na ako bigyan!





Aug 3. HAPPY WATERMELON DAY!


Mahal, sige na...pak-wan naman dyan
eh kung sampalin kaya kita ngayon din dyan
hoy!ang sinasabi ko'y pakagat sa kinakain mong pakwan
mahinog ka Parton akin lang ito't maglaway ka dyan!

kawawang hombre ganito ang kanyang sinasapit
siya naman ang bumili sa talipapa si Dolly ay hindi nya mapilit
mabuti pa noon sila'y magkasintahan pa lamang at laging sweet
siya ngayo'y isang babaeng pakipot kahit naka 10 beses na syang kalabit!

ang pinakamabigat daw ay may timbang na 268 na libra
isa lamang iyon kung isang pares daw ay KK o L ang bra
naalala ko tuloy ang aming family outing dati sa Nueva Ecija
sa may ilog noong nabubuhay pa si Lola Pane ito'y laksa-laksa

papak sige papak ng papak hanggang ang nguso'y sa asin ay namuti
salu-salo ang maliliit at maiitim na butil siya'y nakahawak ng mabuti
masarap bang makipagkuwentuhan sige naman kuwan at pahingi
ay! hindi na bale pala at nakita ko'y laway niya'y nakasama pati


"kayo po'y aking inaanyayahan sa aking maliit na palatuntunan
sa ika-29 ng Agosto ako'y magbabasa ng aking mga tulang may kabuluhan
ako'y nagpapasalamat kay Fr. Jun at Ginoong Allan 
sa kanilang pagsuporta sa aking layunin at kakayahan"

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat