THE TALES FROM THE WOODS

My first. My joy. My pride.


panahong ng tag-lamig sa kasukalan ng gubat dito ako madalas mag-inat
patutunugin ang aking mga buto sa mga puno'y bahagyang lumalapat
lumalanghap ng sariwang hangin lumalakad ang mga paa'y mabigat
hinahampas ang mga dahon gamit ko'y ang napulot kong patpat

patong patong ang aking suot talagang makapal at ako'y giniginaw
kinikiskis ang aking mga palad ang aking mga kamay ay mapusyaw
nagmamadaling inumin ang kapeng baon at mainit sa tasa'y umaapaw
naibsan man ang ginaw nainitan ang sikmura ngunit may nginig sa aking balintataw

ang kape'y nakakapapagpainit ng katawan samantalang panandali
ngunit hindi ng aking damdaming Pinay nasaan na ang aking kakayahan pati
wari ko'y may kulang at ang mga ibon sa aking paligid ay walang tigil sa paghuni
bahagya akong nilingon ng mga usa at ako'y nakapag-isip ng mabuti

This is my best time in the woods. I love it!

dito nga sa gitna ng gubat ako'y unang nakapag-isip ng maisusulat
ang mga puno't dahon ang mga insekto't ibon ang aking mga miron ako'y namulat
ang aking mga karanasan bilang isang Pinay ang aking ibig parang may gayumang may talab
paiba-iba man ang panahon ngayo'y ang aking puso't damdamin ay nag-aalab
The beauty and serenity of the woods inspire me to write.

sa loob nga ng mahigit na isang taon ay nagbunga ang aming pag-uulayaw
kakaibang mga ideya ang dulot "Gumamela Umbrella" at ng mga dahong sumasayaw
ang mga puno "Carla's Tree" ang mga palaka "Jumping Kokak" "13 Roses" ako'y natitinik
ang mga paghaharutan namin ng mga ibon "Bird Stories" "sa S.E.L.F.I.E." ako'y nasasabik
I love being surrounded with people who laugh.

ipinagmamalaki!heto na ang aking unang aklat!
naku!nauna na itong langaw magbasa't lumapat
ayon kay "Cielito's Zodiacang araw ko ngayo'y sisikat
kayo'y aking aaliwin at pangingitiin ito'y patungkol sa ating buhay lahat!

"LIBRO,LIBRO,BILI NA KAYO NG LIBRO!SUKI,BABALUTIN KO NA BA'T 
GUSTO MO MAYROON PANG LASO?"

*****************************************************************
(e)F+B(e)+(GAN)230 -------->(e)+B(e)+(GAN)560

hindi naman siguro arithmetic (e)quation
papasa kayang maging chemical (e)quation
ano nga ba ang (e) ito ba'y chemical reaction
bagamat hindi (e)xplorer may mass-(e)nergy reaction

susuruin natin ang (e)lectronic configuration
may (e)lectron transport chain at mass-invasion
may (e)lectronegative elements at (e)xploitation
sila'y rapidly incr(e)asing among the (e)population

katulad ng hindi ko inaasahan siya'y bumulaga sa aking harapan
hindi lang para ako'y kumustahin kung hindi imulat din ako sa katotohanan
isang matalino't sampung taong gulang na bata ang pangalan ay Ethan
siya raw ay hindi pa makapag (e)F+B(e) pero kami raw ay (e)BIGAN

ang pangarap ni Ethan ay maging scientist bagamat hindi masyadong nakakakita 
masayahin siyang bata mahilig mag-imbento at natutuwa siya sa aking tula
katulad ko ba'y si Iron Man ng sabihin niyang kami'y magkasangga
hindi kita mabibigyan ng bagong laboratoryo ngunit tayo'y magka(e)BIGAN na

#EBIGAN, do you know why?

BECAUSE WE ARE CONNECTED.

"ilang taon ng ako ay isang #EBIGAN ako na ay nakapagmanman
ako ay nadagdag tinanggal huhu!dinagdag muli at napabayaan
masaya masakit malungkot nakakatakot kaya ang maging #EBIGAN
kuwento ko sa inyo ang aking obserbasyon wala akong pinatatamaan."

****************************************

Mrs. Punk Rock Cielito is one of the #PILYABLOGGERS with her Ukay-Ukay Curtains at Pilya Blog Magazine. Ces Seidel is the Publisher of Pilya Blog Magazine. It is published and distributed only in Germany.

AN INVITATION TO MY BOOK LAUNCH

*****************************************

My first book, #EBIGAN is now on sale!!!
This is a compilation of my poems from childhood,college years and adult life as a Filipino with photo memories.It includes #EBIGAN,the same title of my blog about the kinds of friends in social media,"Loads of Bananas"(Pinoy Jeepney),"Que Dios Te Bentiga"(Black Nazarene of Quiapo)"My Pecking Order"(Litsong Manok) and many others.
It is Medium(A5) Hardcover 96 white pages of unique Tagalog poems.
The books are NOW and only available in Germany.
but YOU CAN BUY MY BOOK HERE or visit my facebook page.


#EBIGAN Book


Thank you for your purchase and reservation.
**********************************************************
MARAMING, MARAMING SALAMAT PO!




Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat