THE SISTERHOOD OF TRAVELING UNDIES

"SINO'NG BESTFRIEND MO DO-ON?
syempre ikaw Ellie kahit ikaw pa'y nasa London
tayo'y matalik na magkaibigan noon at ngayon
kahit maputi na ang bu....hok ko sabi nga ni Sharon"

BFF Adel and Ellie


best friends forever...BFF ang kanilang turingan
sa hirap at ginhawa ng buhay sila'y nagdadamayan
inaabot ng ilang oras sa kuwentuhan walang iwanan
sa mabagsik na problema'y nagpapayuhan at nagtutulungan

salamin salamin sabihin mo kung sino ang mas byuti sa amin
ano ka ba naman Adel siyempre't ikaw ang aming queen
halika na't gusto mo ba ulit ng kape at aking titimplahin
akin na rin ang iyong saplot sa itaas at ibaba'y aking kukusutin

ang tunay na magkaibigan ay tunay na nagmamahalan
higit pa sa kaibigan para na rin magkapatid ang turingan
walang inggitan kahit ang isa'y mas habulin ng kalalakihan
walang lihiman kahit ang pinakamabantot sila'y nagsasabihan

kung si Adel ay palabiro't palatawa ang halakhak niya'y nakakahawa
si Ellie ay katulad ni Queen E may pagkaseryoso't mukhang suplada
si Adel ang tipong sundalong palaban at handang sumugod sa giyera
si Ellie naman ay tipong regal at parang prinsesang naka-upo sa tasa

ang ganitong kombinasyon ay hot and cold kung tawagin
opposites attract kapag magkasama naman ay parang lalanggamin
sino nga bang mag-aakala sila'y patok hindi nyo rin aakalain
katulad nila'y champorado't tuyo o ginisang munggo't pritong daing

si Brangelina raw ay tunay na magbff
si Matt Damon at si Ben Affleck bromance bff
si Amy Winehouse at si Kelly Osbourne ay dating nagclick
ang bff na sina Kim Jong at Dennis Rodman what the f'*ck

mayroong mga bagay na hindi mo masabi sa iyong darling
sa iyong best friend kaya mong aminin sa iba ika'y nahuhumaling
maaari mo rin sabihin na ang kanyang bf ay tinamaan ng magaling
malikot kasi ang kanyang mga mata't lantad sa iyo'y nagpapacharming

pakiwari ko'y ang sinumang babaeng naglalakbay sa malayong bakasyunan
hindi ba't ang ating undies ang pinakamarami nating inaalsa balutan
sa karamihan nito'y mayroon natatangi kahit kupas na't may kalumaan
ang bff ay parang saplot kita na niya ang iyong kaluluwa't pang Gawad Urian 

nakabalik na ngang muli si bff Adel sa piling nina Tayuth sa Amerika
sigurado akong si bff Ellie at sister Myrna ay very sad at nagcrayola
the problem with hello is goodbye ganyan talaga mga tita ang buhay
salamat sa Diyos ang inyong pagkikita'y isang matunog na tagumpay

MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO, TITA ELLIE!


Tita Ellie, Tita Adel, Tita Myna and Ate Lou with their friends in London.





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat