TAKE IT AWAY WITH JAI

O aking mahal nasusukat nga ba ang pag-ibig
ang tatsulok ay may tatlong mangingibig
ang parisukat ay sandwich ang kanilang hilig
ang bilog naman ay walang katapusan ang kilig

kung pag-uusapan natin ay distansya
nandiyan ka't nandito naman ako sinta
kailangan natin habaan ang ating pasensya
napakahaba ng gabi't araw nang wala ka

pag-ibig nga ba ang ating nararamdaman
tayo'y mga bata pa't nagpapakiramdaman
ang ating puso nga ba'y nagkakaunawaan
nagkikita na lamang tayo sa ating isipan

bilang isang lalaki't hindi rin ako mapakali
hinahanap-hanap din ang iyong mga labi
ang iyong pisngi sa aking dibdib ay nakadampi
pinagmamasdan ko ang iyong larawan lagi-lagi

ang ating pag-ibig ay katulad ng fish n' chips
may tamis-anghang ketchup at dagdag na mayonnaise
naka-upo na lang akong mag-isa sa lokal na pub
pinagmamasdan ko ang iyong paboritong corn on the cob

tila bumagal na ang oras o bakit nga ba Big Ben
hindi na rin ako makangiti't makakaway gaya ni Queen
doon na lang kaya ako magpalipas sa itaas ng London Eye
katumbas mo'y sensitibong pigurin sa Harrods O bakit sa iyo'y nawalay

ilang text messages nga ba ang aking tatanggapin
ilang love letters nga ba ang aking susulatin
sa paghihintay ay ilang Redbull ang aking iinumin
palalampasin itong bebot at nagkakasya na lang sa katitingin

may mga bagay sa ating dalawa'y hindi magkatugma
marahil dahil ako'y isang moderno't kalahating banyaga
ang ating kultura'y may pagkakaiba't hindi mapagkaila
ngunit ikaw para sa akin ay isang magandang Pilipina

winakasan man natin ang ating suyuan at ugnayan
ngunit sana'y ituring mo pa rin akong mabuting kaibigan
ayoko sa iyo'y tuluyang magpaalam at sana'y iyong maunawaan
sana ako'y naging lahat sa iyo't sana'y hindi ka na lumisan


Happy Birthday Jai!
YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat