SPARKLING CLAUDETTE

"Yes, I did it!"

nakatayo na nga ako’t may dalang bulaklak
nagustuhan n’yo ba ang aking simpleng gayak
wala na akong nerbiyos at sigurado akong tiyak
pagkatapos ng prusisyon ay matunog na palakpak

1970's at taun-taon dito sa aming barangay ako'y sumasali
dagdag tela sa aking umiiksing bonggang damit at tinatahi
mahabang oras din ang ginugugol sa aking kolorete
makapal ang kilay mapula ang pisngi mabuti't di atsuete

si nanay sa akin ay matiyagang nagpapaypay
ang tagal naman kasi at  talagang nakakangalay
sa aming prusisyon ay maraming umaantabay
silang mga humahanga't usisero pati na rin ang tambay

hayun si Hermana Mayor at pabalik-balik
siya'y abalang-abala kung minsan ay tumatapik
nakapila na ang lahat sa puwesto'y wala ng aalis
makakapaghintay din ang baon naming nilagang mais

nag-umpisa na ngang tumugtog ang banda
nakakabingi nakakatulig salamat na rin pala
kami ay bahagyang umuusad lumalakad na
sa paligid-ligid ang mga tao’y may kandilang dala

ito ang aming Flores de Mayo o Santacruzan
isang kapistahang iniaalay sa Mahal na Birhen
ang Mayo ay kapistahan din ng mga  bulaklak
kami ang mga sagala kaya ganito ang aming gayak

sa huli ng parada ay ang Reyna Elena hawak ang krus
siya ay aking magandang pinsan apelyido ay Cruz
bagay na bagay at mukha siyang manikang Haponesa
puting-puti parang anghel sa langit at nakangiting masaya

hayan na nga at nagpaputok na sila ng lusis
parang bagong taon naku ingat kayo sa kuwitis
ang mga bata’y nasasabik katulad nina Atissa’t Iris
sila’y humahanga sa iba’t-ibang kulay na binubuga ng lusis

iikutin nga namin sa parada ang buong bayan ng Pateros
magmula sa Starter hanggang San Joaquin ako'y kinakapos
pakaway-kaway pangiti-ngiti't mayroon din nangungurot
pagsasabihan ka pang "ineng bawal ang nakasimangot"

tatlong beses lang yata ako’y sumagala di na ako umulit
kahit taun-taon sa akin ang Hermana Mayor ay nagungulit
noon ito'y parang laro lamang at ako'y isang aktib na bulilit
sa kasalukuyan ay sagala na rin ang matatandang makulit

"naranasan nga rin ng aking ina at hindi rin siya nagpahuli
naging Reyna Elena ng Seniors at hindi siya nag-atubili
palibhasa siya’y likas kasing aktres kagaya ni Susan Roces
siya ay kumikinang parang ginto wow!ang daming glitters"

* * *
Pilya Blog Magazine in cooperation with LBC Express Germany joins the SANTACRUZAN in Hamburg on May 29, 2016. This serves as an invitation. This event is to be published 
in June 2016 issue. 
For more details please contact Helen Schulze
Maraming salamat po.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat