A FIVE STAR BUS RIDE

"LABING KUTKUTIN"
PAG-IBIG kapag pumasok sa puso ninuman ay maguguluhan
magkakatampuhan
sumbatan at selosan
ang epic na hiwalayan
magkakabalikan din naman
masisipulan
mahihipuan
huwag naman makantiyawan
siya'y handang makipagumbagan
at ito ba'y kasalanan
ang makipag-ibigan sa syota ng iba
ang makipaglampungan sa Bagumbayan
ang makipagkiskisan ng pisngi't noo
ang makipagpisilan ng kamay
ang makipagkindatan
ang magblow kiss
ang magblow hanapbuhay 
ang makipagtitigan ng matagal
ang "maninisid at mangingisda"
ang hita'y pamalo ng dalag
"Rock the Boat" our love is like an ocean...
ABANGAN lamang sa Pilya Blog Magazine  sa darating na Pebrero 2017 
para sa mga Araw ng mga Puso.


mani bili na kayo ng mainit na mani spaceman lolo
madaming bawang clusters bigyan mo ako ng limang piso
alin po itong maning hubad o maning universe na may balat
ala eh yung hubad at ako'y may astronomy lagnat

hahaha natawa rin ako sa matandang ito C-3PO

sa may gawing kanang orbit at tonong Batangue├▒o
itong katabi ko'y panay buntong-hininga't seryoso
katunog niya'y si Darth Vader at nagbabasa ng Star dyaryo

dati rati't taong 2008 ako'y nagtrabaho sa planet Amerika

sa Simi Valley Sun ay doon ako celestial nadestino't ang kwela
ako'y napagitnaan ng isang mamang asteroid at isip bata
at ng isang dalagitang disturbed at ako'y nagka spacephobia

iyong mama sa akin ay laging nagpapacharming at tatawa-tawa

dinudutdot sa akin ang kanyang cosmic phone at heto ang sabi niya
"E.T. phone home" OK I M R2-D2 at mukhang mas martian itong isa
hinampas ang buhok sa akin at gusto akong kainin? hi Chewbacca

ilang buwan din sina E.T.at Chewbacca ay aking mga seatmates

hindi kami nag-uusap at hindi ako scientologist ngunit lahat ng dates
kahit mag-iba ako ng puwesto'y hello Mars at huli nila ako't pilit
nagsusumiksik sila't kami'y alien sandwich at isa akong tuod na nanliliit

Luke! masyadong abala ang mamang ito't mataas at payat

naka space helmet at laging sinasabi'y dapat ang sky bayad ay sapat
kanyang pera'y puro constellation at buti pa siya't nakakalasap
bubutas ng astro papel subalit wala kaya si Skywalker at manghoholdap?

si mamang Jabba'y doble ang baba't sa outer space ay nakatingin
sa kauna-unahang chamber ay paminsan-minsan kami'y sisilipin
hihinto lamang kung ang mamang abala'y humataw sa bakal
nakahawak sa manibela ng spaceship at iilag sa meteor ang suma total

walanghiya ka matanda na ako'y hinihipuan mo pa

hataw dito hataw doon ng laser sword ang gawa ni lola
aray!tama na ho at masakit na ang aking kamay
ibig ko kayong kupitan lola Nova at hindi ako mahalay

sabay nagspacewalk pababa ang binatang kulot

tumalon si Han Solo at mabuti't walang nadukot
nabambo pa ni lola't hayun at nakapikit ulit siya
yakap na ang kaniyang tampipi't kamukha ni Yoda

heto ang hindi ko ibig at kami'y titigil at iiwas sa Dark Hole at aberyang taglay

may pumasok na Brown Dwarf at naglilinis ng sapatos O ang barya'y ibigay
umakyat sina Princess Leia na may mahahabang buhok at puting damit
may dalang magnetic field ng barya't telescope at sila ba'y tutula o aawit

mas iibigin ko kung sila'y tutula't ang pakay nila'y aking madarama

ito'y isang romantika't halimbawa├Ż may isang lalaking naghaharana sa beranda
nakaharap sa isang maganda't aawit ng isang tunay na kahali-halina
mapapapikit ka't sasabihing "oo" sige na Jedi iyo na ang aking barya

napalingon ako sa dyaryo ni Darth Vader at totoo nga pala't hindi tsismis

sa 2024 ang one way ticket to Mars at silang mga aplikante't nagprapraktis
magsisimulang muli ang bagong sibilisasyon ngunit ang sabi'y ito'y suicide mission
"may the force be with you" at sana'y maging matagumpay ang inyong ambisyon

Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat