MORE THAN NINE MONTHS

YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE
Ang tawag ko sa kanya'y Nanay Incog may Nunok at Yeyeng din
ang tawag mo naman sa kanya'y Mommy Myrna o Mercy
sila naman ay Mama Adelina Lita Vina o Chona
may lambing kung Inang Pitang Lelang o Itang
silang lahat Gen at Marie ay mga inang katulad mo't katulad ko
ano nga bang meron sila mga pinsan at tiya sige na't tayoý tumagay na!

ang pulang lipstick
PUDPOD NA
ang malupit na gupit
SARILING GAWA AT NAGPRAPRAKTIS PA
ang panty niya ganun kalaki
5 FOR 100 PHP BARGAIN LANG 
ang kanyang cellphone
WALANG LOAD O LAGING LOW BATT 
ang kanyang bag at wallet
BAWAL ANG HOARDING
ang kanyang Esprit t-shirt at Levi's pants
BAGONG BAGSAK SA UKAY-UKAY SA KANTO
ang kanyang budget sa bahay
COSMETICS MUNA BAGO ANG LAHAT
ang kanyang meryenda
SARSI AT CHIPPY
KORNIK BINABAD SA SUKA
ang kanyang libangan
MAGPANGAS NG MAIS O MAMAPAK NG BUTONG PAKWAN
ang paboritong saplot
KUYUKOT SHORTS
ang paboritong kanta
MY FAIR SHARE
ang paboritong pasyalan
GARDEN OF MEMORIES
ang kanyang trademark
MAY NUNAL SA ILONG O MAHABANG DALIRI SA PAA

Sila ay maasikaso't maalalahanin.
LIBRE ANG TANGHALIAN O MERYENDA
Silaý mahaba ang pasensiya.
KUTOS LANG MUNA
Sila'y matiisin at hindi pala-angal.
TATLONG PELIKULA SA SINEHAN KAYA ANG SUNUD-SUNOD
Silaý pamoso't laging naaanyayahan.
SA MAHJUNGAN TONG-ITS O SA BINGGOHAN.
Hahaha!



Ang aking handog para sa aking pamilya, 
mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay.
God bless you all.
Maraming salamat po.



Ang aking handog para sa aking grupong PILYA.
Para sa lahat ng Nanay sa Alemanya.
God bless us all.
Vielen dank.



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat