HIT THE BULL'S EYE

dumating ngang muli ang petsa ng aking kaarawan
habang lumalaon ay mas lalo akong kinakabahan
hindi sa pagtanda bagkus ay sa aking magiging kapalaran
marahil ay nasa kalahating edad na ako ng aking katapusan

minsan mayroon akong isang kabuteng kaibigan
lulubog at lilitaw kasi ang kanyang drama't ewan
ang sabi ko'y may dalawang klase ng tao sa mundo
ang sabi niya'y dagdagan mo na't tatlo raw ang todo

ang una'y ang taong pilit mong tinataboy ngunit umaayaw
ang pangalawa'y ang taong gusto mong ipako sa dingding ngunit ayaw
ang pangatlo raw ay ang taong suma't total ay wala siyang pakialam
para bang pinto't bukas sara ang tao'y dumarating at namamaalam

sa buhay kong ito'y namimili na rin ako ng pagtutuunan ng dakilang pansin
ayoko ng makisawsaw parang lumambot na kropek sa suka't bawang at asin
ayoko ng bumabad sa maanghang na kilawing usapin at sarili ko lang ang hahamunin
buntot ko'y hila ko't hindi ako basta manunuka't ang mga kalat kong balahibo'y iipunin

18 TRUTHS AND NOTHING BUT THE TRUTHS, SO HELP ME PUNK!

Ang aking labing walong paniniwala sa buhay.
1. Hindi lahat ay magiging iyo. Sa ginhawa ay sama-sama sila, sa hirap ay mas malamang mag-iisa ka't wala ka ng pera.
2. Ang buhay ay parang siyatong. Ang iyong pinukol ay babalik sa iyo.
3. Ang Choc-Nut ay nakaka-alis ng panlasang malansa o maalat.
4. Ang ibang tao'y mahina ang memorya. Hindi na nila maalala kung kailan ka naging maamong tupa ngunit hindi nila makalimutan kung kailan ka nagwala na parang gorilya.
5. Ang emosyon ay paiba-iba at pansamantala lamang. Maghintay ka ng 24 oras bago ka tumawag ng walang patid o magtext ng buong magdamag.Tipid tips.
6. Ang asawa o nobyo ay mga nang-uuto o nauuto ngunit ang iyong bff ay nagsasabi ng totoo.
7. Huwag kang mananahimik, sabihin agad ang saloobin. Mas mainam pumutak kaysa mangamoy itlog at huli ka kwak-kwak.
8. Huwag mong ikukumpara ang sarili sa ibang tao. Ikaw ay orihinal. Pwede ka sa museo o perya.
9. Ang ehersisyo ay pampagana sa umaga. Kahit ilang minuto lang,ilakad mo ang aso o ang iyong amo.
10. Hindi mo alam hangga't hindi mo nalalaman. Dapat laging may baong cotton buds.
11.Ang pera ay may sa dimonyo. Kapag naghahangad ka ng madami nakakalimot ka sa kabutihan ngunit kapag wala ka ng pera, ang buhay mo'y nadimonyo na!
12.Magbiro ka na sa lashing huwag sa bagong gising. Hayaan mong makapaghilamos at makapagsipilyo siya muna.
13.Tawanan sa umpisa ang ating problema. Pagkatapos tumawa,mag-isip ka na.
14.Mas masakit kung hindi ka man lang nakaganti.
15. Mamahalin pa rin niya ako kahit ganito ang hitsura't nguso ko sa lirato. Ang pag-ibig ay bulag!
16. Walang lalaking nagmamahal kasi maliit ang baywang (gitna)mo. Dapat malalaki ang itaas o ang ibaba mo. Katulad halimbawa ng iyong utak at ang iyong mga paa.
17. Huwag kang magtitiwala sa taong nang-aabuso ng hayop o katulong nila. At higit sa lahat hindi nagbibigay ng tip sa waiter.
18. At ang pinakamahalaga-Kailanman ay hindi ka nag-iisa. Ang Diyos ay laging nandiyan at handang makinig sa iyo. Ituturo Niya ang tama, huwag matigas ang ulo.
"sa buhay nating ito, ano'ng mayroon kang wala ako
o ano'ng mayroon ako na gustung-gusto mo
ganun nga siguro ang buhay mayroon kang titingalain
mayroon ka dapat yuyukuan at mga bagay na lilingunin."
Mrs. Punk Rock Cielito is Ces Seidel.
She is a graduate of Bachelor of Science in Chemical Engineering (BSChE) 
in Technological Institute of the Philippines.
She is a businesswoman and co-owns JAS International Trading.
She is the founder of PILYA GROUP in facebook.
She is the founder and publisher of PILYA BLOG MAGAZINE.
She is a freelance writer and she lived in Philippines, USA and Dubai.
She has traveled a lot to many countries and written for numerous publications.
She celebrates Pinoy Life in Bayern, Germany.

facebook:seidelmaria69
facebook page:MrsPunkRockCielito
Twitter:@PunkRockCielito
Instagram:cesh8smess
Email: pilmanya@gmail.com
Website: www.pilyablogmagazine.com

"Please send me an email if you wish to be published with Pilya Blog Magazine."
"I can also be your guest blogger or guest writer."





Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat