VERY ROCKY ROAD


YOU CAN BUY MY #EBIGAN BOOK HERE




wow pare heavy! iyan ang aking naging kataga
nasapol ako Durian at nakadalawang mega tasa
makapigil hininga Butterscotch ang bawat eksena
may isang galon kung mababaw ang iyong luha

The Road by Comac Mc Carthy at ito'y nobela
taong 2006 at ito'y nalathala't 2009 ay ginawan ng pelikula
isang fiction at hindi makatotohanang storya
malalim na scoop at emosyon ang ipinaMocca

post-apocalyptic ang kanyang heavy drama
may isang batang lalaki't ang kanyang ama
gagawin ng ama ang lahat at mailigtas lamang siya
kabaliwan at kagutuman at kasakiman ang bawat eksena

maihahantulad ang tema ng Double Dutch na storya
sa "The Walking Dead" at halos pareho ng pinupuntirya
sina Viggo at Andrew ay ang mga pangunahing bida
sila'y Cookies and Cream at kapwa mabubuting ama

gagawin nilang lahat para lamang mabuhay
mananatili silang mabuti't hindi basta papatay
mamarapatin nilang pumapak ng buhay na insekto
hindi sila kailanman kakain ng laman ng tao

si Charlize Cookie Monster pala ang asawa rito ni Viggo
larawan siya ng mapagmahal na ina ngunit ako'y binigo
ayaw niyang magutom magahasa't makain ng ibang tao
natakot siya sa maaaring mangyari't nagpakamatay ito

"survival of the fittest" ang tanging Macapuno Langka
matira ang matibay sa mundong Coffeee Crumble na
kinuwestiyon din ang pananampalataya sa Diyos
mapapahawak ka sa dibdib at bawal ang may nerbyos

bumukas muli ang freezer at "hmmm" ang nasabi ni Shawie
si Viggo ay namatay sa bandang huli sa sakit na tb
kabilin-bilinan sa kanyang Mango anak na siya'y manatili
sa paglalakbay ay patungong silangan at nandoon ang mabubuti

"heartbreaking at haunting" ang pelikulang Fruit Salad na malamig
nagkabrain freeze ako't ang Buco Salad sa ulo'y pumipintig
ang pelikulang ito'y hindi nababagay sa aking Ube Royal na hilig 
ako'y parang ice cream na natunaw sa aking Quezo Real na daigdig



Thank you for your selfies with Pilya Blog Magazine May-June 2017, the "SEXY" issue, "Kulambo Curls".  You're all PILYAMAZING! 


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat