LOADS OF BANANAS

I am a Manila Girl.


hay naku kay hirap talagang magbiyahe't agrabiyado
punuan ang FX kaya heto't nagDYIP na lang ako
ayoko nga ng patok na dyip at ito'y nakakahilo
bukod sa malakas ang sounds at ang bilis pa ng takbo

mas gusto ko pa iyong dyip na luma't kahit may kabagalan

huwag naman iyong kakarag-karag basta't hindi punuan
walang bumabayong bass sa aking dibdib at relax mode lang
e ano kung ang tsuper ay matanda na may pagkabingi nga lang

sa dyip huwag kang magbabayad ng malaking pera sa umaga
sasabihin sa iyo ng tsuper sabay turo "ito nga'y pakibasa!"
suplado ng mama't mayroon nga pala siya sa loob na karatula
"BARYA LANG PO TAYO SA UMAGA"

e kung magbayad ka kaya ng barya't may masasabi kaya siya
may tsuper na nagdadabog at pinabibilang mo pa siya
tatanungin ka pang "sigurado ka bang pamasahe mo'y eksakto?"
lulunok ka muna't sasagot ng "opo! sigurado po ako."

kapag ang tsuper feeling mo siya'y moody
kada may bababa "mama, para po sa tabi"
ganun na lang ang kanyang preno't iiling-iling
magmabilis ka na sa pagbaba't siya'y may tililing

inaabot ka rin sa dyip ng iba't-ibang eksena
malas mo kung ang katabi mong ale'y nakanganga na
napasarap ang kanyang tulog at sa iyo'y nakahilig pa
don't worry magigising din iyan sa matinding preno mamaya

ngayon nama'y may sumakay na malaking mama
naka barong tagalog at naka attache case pa
tumirik siguro ang kanyang kotse't walang taxi o hindi kaya
"akin lahat ng wallet at cellphones hold-up ito" nakupo! holdaper pala

tuwing Sabado'y maaga kang namimili at tiangge sa Pasig
siguradong punuan at maputik at ikaw sa dyip ay palulupig
katabi mo'y mga pagod na tindera't ubos na ang paninda
sa harapan nila'y mga bilao't timba puno ng gulay prutas at iba pa

minsan may isang ale't apat ang kasama niyang mga tsikiting
"yun bunso po'y pakikandong lamang" ang tsuper at ang kanyang hiling
ngunit kaliwa't kanan ang kinandong ng ale sa kanyang piling
ang ale pa ang nagalit "aba'y puno na kasi ano ka ba duling?"


minsan may kasayahan din lalo na't may mga pasaherong bading
maiigsi ang shorts at naka tube tops sila'y hindi mahinhin
bibiruin sila ng tsuper "pakiipit lang ang dapat ipitin"
"waluhan po ang ating upuan mga dalaginding"

iyan nga ang ating PINOY PRIDE at ang ating orig na jeepney
sila'y makukulay at mabibilis sa kalsada't sila ang mga hari
matagal-tagal na rin hindi ako nakakasakay kaya naman nakakamiss
magkagayunman ang aking karanasan bilang pasahero'y walang mintis



Photos courtesy of SARAO MOTORS-JEEPNEY.


This is one of my favorite poems. This is included in my first book #EBIGAN.
YOU CAN BUY MY BOOK HERE


Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat