BIRD STORIES

hay nandito na ako sa loob at gusto ko ng matulog
nakakapagod at ang ulo ko'y kakalog-kalog
iyon kasing mga anak at mga apo kong matatayog
nagkasayahan kagabi't ako'y napayugyog

"Tatang alin nga ba ang nauna ang itlog o manok"

O apo't iyan ay paulit-ulit na drama ng itlog at manok
may salu-salo't nagluto sila ng pancit luglug
naku kaunting oras lang din ang aking tinulog

65 anyos na ako't teka ano ba itong aking silya

maliit ang sukat at mukhang di yata ako kasya
antok na ako't dito kaya'y pwede akong humilata
makapagtanong nga kay Neneng pagdaan mamaya

sa itaas ay may naka drowing at bakit kaya may sinturon

aha!alam ko na buti na lang mahigpit ang aking pantalon
gamit ko rin ay suspender at di ko na siguro kailangan iyon
tingnan mo nga naman at sigarilyo rin pala'y meron

nagdaan itong ale't kung lumakad ay parang pato pala
makapagbasa nga muna at abala pa ang iba
ang mahal! meron kayang bumibili ng mga tinda nila
mas masarap ang aking pasalubong na daing at tinapa

tumataas ang aking balahibo't tila lumalamig na yata
itong bitbit kong American Eagle jacket ay tamang tama
bigay ito ni Utoy iyong anak kong seaman
"isuot mo yan Tatang" at kanyang kabilin-bilinan

itong katabi kong mama'y mukhang kontrabida sa pelikula
parang loro ang ilong at matapang ang mukha
nakupo masinsin din ang kanyang amoy pala
gusto kong bumahin hatsing! uy umilag siya

nakakainip din pala't ano pa kaya ang hinihintay nila
para silang mga itik sa Kalawaan at ako'y nasasabik na
wag sanang umatake dito ang aking rayuma
at ang mga binti ko't mga paa'y nagangalay na

"Tatang, musta ka na?" sabay halik ng aking anak na panganay
naku ang kyut naman ng aking apo't para siyang inakay
tayu-tayo ang buhok at mapupula ang mga pisngi
hawig din sa akin ngunit mas kamukha ng kanyang Daddy

"Sir, pakilagay po iyong seat belt nyo?" huh?si Neneng
panaginip lang pala't akala ko'y nandun na ako sa Wyoming
pasensya na Neneng at unang lipad ko ito sa eroplano
gayong di ako marunong nasan nga ba iyong sinturon???



Happy 2nd Year Blog Anniversary, Punk!

Dalawang taon na nga po ang aking blog na Mrs. Punk Rock Cielito.
At bilang ganti sa inyong walang sawang pagbabasa at pagsuporta, kayo'y maaaring magwagi ng aking unang aklat, #EBIGAN
Bilangin nyo lamang po kung ilan ang "IBON" sa aking tula. Ito'y mga idyomang tagalog o mga salitang patungkol sa "IBON".
Pakipukol lamang po ang inyong pangalan, tirahan, mobile no. at sagot sa aking facebook page.  
Ang magwawagi ay ang makakahula ng tamang sagot o bilang. Ito'y bobolahin at iaanunsyo sa ika-18 ng Abril 2016. Ako po'y magpapamigay ng dalawang (2) aklat lamang.
Aasahan ko po ang inyong pagsali  at ito'y katuwaan lamang. 
Maraming, maraming salamat po, my Sharona. 

"hindi ako just-just (basta-basta)" wow! heavy ang sabi ni Sister haha!
sa lugar ng mga madre't mongha nung Easter Monday kami'y nagpunta
may libreng wi-fi kape't meryenda't baon ko'y jokes lang sa'n ka pa?
"ipagdadasal kita" bye,bye Sister, huwag masyado't ako'y bata pa haha!

This is included at Pilya Blog Magazine's April 2016 "THAT FIESTA FEELING".



Mga Tula kong Sikat parang Isdang Pinangat